KABANATA IX

42 7 0
                                    

Selia’s Point of View

Natapos na ako lahat-lahat mamalengke ngunit wala pa rin si Carlotta. Isang oras at kalahati na ang nakakalipas wala pa rin ito. Masyado na siyang natuwa kasama si Buboy, hay nako!

“Carlotta!” sigaw ko.

Papalapit siya sa akin. Nakatulala at medyo gusot pa ang bistida. Paika-ika rin ang lakad. Napansin ko ring namumula pa ang mga mata nito.

Binaba ko ang pinamili ko. “Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang? May masakit ba sa iyo?” nag-aalala kong tanong.

Ngumiti lang siya sa akin. “Wala. Tara umuwi na tayo,” aniya na parang wala lang.

Tinawag ko ang kalesa at inalalayan ko paakyat si Carlotta. Ang kutsero naman ay inakyat ang mga dala ko. Nakita kong umasim ang mukha ni Carlotta.

“Magsalita ka, Carlotta, anong masakit?” pagpupumilit ko.

Tumawa ito. “Ano ka ba tumama lang aking tuhod,” dahilan niya.

Buong byahe nakatingin ako kay Carlotta. Tahimik lang ito. Tulala at parang ang lalim ng iniisip.

Sa ganitong sitwasyon dadaldal naman dapat ito at magkukwento. Ngunit walang lumabas ni isang salita sa bibig niya. Kaya ako na ang nagtanong.

“Anong nangyari sa pagkikita ninyo ni Buboy? Nakapag-usap ba kayo? Anong tugon niya?” tanong ko.

“Huh?”

“Nasa kawalan ang isip mo, Carlotta. Ano ba talaga ang nangyari?”

“N-Nagalak siya! Sabi niya sabik na siya makilala si Mama bilang nobyo ko,” sabi niya nang may ngiti sa labi ngunit malungkot ang mga mata.

Nakarating kami sa mansyon. Bumaba siya ng sarili niya samantalang ako sinalubong ng ibang kasambahay. Si Carlotta ay bumalik sa loob nang walang paalam. Hindi na rin ika-ika maglakad ngunit alam kong pinipilit niya lang ang sarili na umayos.

Matapos no’n hindi ko na siya muling tinanong dahil kahit anong pilit ko ang sinasabi niya ayos lang daw ang lahat. Madalang ko na lang makitang ngumiti si Carlotta, kung ngingiti man siya ay hindi totoo. Tahimik na rin siya hindi tulad noon na maraming baong kwento. Lagi lang itong nasa silid niya at paulit-ulit pinapatugtog ang awiting may pamagat na ‘Till the End of Time’.

Hanggang sa muling dumalaw ang mga Soriano. Nasa pagitan ng pag-uusap si Senyora Baltazar at Ginang Soriano nang nagmamadaling bumaba si Carlotta diresto sa palikuran.

Yumuko ako sa kanila at umalis upang sundan ang alaga. Nadatnan ko siyang nagsusuka.

“Ayos ka lang, Carlotta? May nakain ka bang hindi nagustuhan ng sikmura mo?” nag-alala kong tanong.

“Ayos lang ako, Seli—” hindi niya natuloy ang sasabihin dahil muli nanaman siyang naduwal.

Lumabas ako para kumuha ng bimpo ngunit naroon pala si Eduardo at naghihintay sa likod ng pinto. Hinila ko ito sa gilid para kausapin

“Kamusta si Lota? Anong nangyari sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Eduardo.

“Ako ang magtatanong sa iyo. Anong nangyari noong nagkita kayo ni Carlotta?”

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon