KABANATA XI

45 7 1
                                    

Carlotta’s Point of View


Sabi ni Lola buong bakasyon nandito si Eduard. Kaya ang mangyayari makakasama ko rin siya hangga’t hindi pa bumabalik sila Mommy. Ang kwarto nito ngayon ang katabing kwarto ko kung saan ang dating kwarto ng nanay ni Senyora Lagbas.

Medyo labag sa kalooban ko na makasama si Eduard sa isang bubong. Pinapaalala niya sa akin si Eduardo.

“Refrigerator is out of stock. Are you that spoiled, simpleng paggrocery ay mahirap na sa ‘yo,” sermon ni Eduard.

“Anong spoiled?” galit kong tugon. “Kago-grocery ko lang noong nakaraan, malamang kumakain kami ni Lola rito natural lang na maubos!”

“Whatever,” masungit niyang sagot bago nag-walk out.

Maya-maya ay bumalik din ‘to. Nakajacket na, mukhang nagbihis dahil may pupuntahan.

“Umakyat ka ro’n sa taas, samahan mo ako mag-grocery,” nginuso niya pa ang hagdan. “Magbihis ka, alam mong may kasama kang lalaki sa bahay, ganiyan ang suot mo,” utos niya na para ba akong aso.

Nakanguso akong tumaray. Napatingin ako sa kabuuhan ko. Nakasuot ako ng sando at maikling short. Anong problema ro’n? Nasa kaniya naman ‘yan kung anong tingin niya sa akin.

“Ikaw nga ang init-init, nakajacket,” bulong ko pa bago umakyat at nagbihis.

Pagbaba ko nakangisi ito sa akin. “Idol mo ‘ko?” nang-aasar niyang tanong, nakaupo sa upuan.

Kasalanan ko bang trip ko rin magjacket. Kahit walang ulan, maulap naman at malamig.

Tumayo ito at naglakad na palabas. Hindi man lang ako hinintay o bingyan ng go signal, kaloka.

“Nagpaalam ka na ba kay Lola Selia?” Hinabol ko ito para sabay kaming maglakad palabas.

Tumango lang si Eduard.

Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng jacket niya at para sa akin ang cool niya sa part na ‘yon kaya ginaya ko. Napatingin naman sa akin ito kaya napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko maiwasang hindi isipin si Eduardo. Lalo na parang ganito rin kami kapag naglalakad. Ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi umuulan at sa kaisipang hindi siya si Eduardo pero pakiramdam ko parang si Eduardo pa rin ang kasama ko.

Pero si Eduardo ay makikinig sa kwento ko ngunit siya feeling ko isang salita ko pa lang nakasimangot na sa akin. - din itong si Eduard hindi tulad ni Eduardo na simple.

Nakarating kami sa Jaja Mini Store. Nadaanan ko naman si Rudy sa cashier at nginitian namin at isa’t isa. Dumiretso agad si Eduard sa mga bigas pagtapos kumuha ng basket. Kumuha siya ng mga talagang kinakailangan sa bahay.

Samantalang ako, puros chichirya, softdrinks at iba pang snacks. Wala naman na akong ibang madadampot na kailangan, nadampot niya na lahat. Nakita ko pang masama ang tingin nito ng sunod-sunod ako maglagay sa basket.

“Huwag ka mag-alala hati naman tayo sa bayad ah,” nakanguso kong sabi.

“Wala akong sinabi. Pinapabigat mo lang ang basket,” sabi ni Eduard. “Gusto mo ako pa ang magbayad ng lahat,” hamon niya.

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon