KABANATA XIX

35 7 0
                                    

Carlotta’s Point of View


Madalas din si Ate Lia bumisita sa amin. Napunta siya rito para i-check kami at dalhan kami ng pagkain minsan. Sinasama niya rin ang asawa niyang si Kuya Luke. Dalawang taon na silang kasal ngunit wala pa ring anak.

“Dad! Hiwalay nga po kami ng kwarto ni Eduard!” kausap ko sa kabilang linya.

“Whatever, Carlotta. Bakit hindi ko matawagan si Eduard?”

“May bago siyang phone dahil nawala raw ang luma niya. Bigay ko na lang po sa kaniya ang number niyo.”

“Honey, huwag kang masyado masaya riyan, babalik ka pa para tapusin mo muna ang pagka-college mo. Next year pa ang tapos mo.” si Mommy.

“Yes, Mom, I know that, ibaba ko na po. I love you both, take care!”

Binaba ko na ang tawag.

Kinuha ko ang cellphone ni Eduard at nilagay ko ang number ni Dad do’n. Napatigil lang ako sa lockscreen niya. Picture ko ‘yon at candid shot sa Dinosaur Island, nagugulat kasi ako sa ingay ng sound effect ng dinosaur kaya tawa ako nang tawa. Ang bilis ng kamay ni Eduard, paano niya nakuha ang picture na ito.

“Tawagan mo si Daddy ah,” sabi ko kay Eduard.

Katabi ko ngayon si Eduard sa mahabang upuan sa sala. Patay na ang lahat ng ilaw. Tanging liwanag na lang sa TV ang naiiwan. Ganito kami gabi-gabi. Movie marathon hanggang antukin. Makalat na rin ang maliit na mesa dahil sa mga bukas na chichirya at mga drinks.

Napayakap ako kay Eduard. “Sabi ko sa ‘yo huwag na horror ang panoorin natin!” reklamo ko sa kaniya.

Pinisil nito ang braso ko dahil nakaakbay siya sa akin. “Mas gusto ko ‘yong napapayakap ka sa akin sa takot,” seryosong sabi niya.

Lumayo ako sa kaniya at pumunta sa kabilang dulo ng upuan. Gusto kong ipakitang matapang ako para sa susunod hindi na horror ang panoorin. Kaso masyadong madilim ang paligid hindi ko maiwasang hindi mag-imagine na may lalabas do’n. Sabayan mo pang may biglang sumigaw sa TV. Napagapang ako pabalik sa kaniya para yumakap.

Si Eduardo naman ay tuwang-tuwa sa reaksiyon ko. Patawa-tawa pa siya. Bigla naman siyang tumayo.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Kukuha ng drinks,” paalam niya.

Tumayo ako sa upuan at pinigilan siya. “Sira ka! Iiwan mo ako mag-isa rito!” naiiyak kong reklamo.

“Hindi totoo ang multo. Sana nagpakita na si Lola sa atin. Dapat mas matakot ka sa buhay,” sabi ni Eduard.

Hinila ko ang kwelyuhan nito. “Walang. Aalis. Sabi.” Pagdiin ko sa bawat salita.

Pumasan ako sa likod niya. “Kung gusto mong umalis dapat kasama ako!” paninindigan ko. “Sa kusina!” sabi ko na parang susugod.

Natatawang naglakad si Eduard papuntang kusina. Samantalang ako ay kapit na kapit sa likod kaniya. Binuksan niya ang ref at kumuha nga ng drinks.

“Baba na, Carla,” sabi niya pagbalik namin sa sala.

Bumaba ako sa upuan. Saktong pagbaba ko tumakbo siya paalis.

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon