KABANATA XII

39 7 0
                                    

Carlotta’s Point of View


“Ako muna maliligo sa banyo,” sabi ko habang pinapagpag namin ni Eduard ang basang katawan sa portiko.

“Ako muna.” Si Eduard.

“Ako muna, sabi e.”

“Ako muna.”

“Ako,” pagtatalo namin hanggang makapasok.

“Sabay na lang,” nagulat ako sa sinabi ni Eduard.

Tinapunan ko ito ng tingin. Pinipigilan niyang matawa. Alam ko namang nagbibiro lang siya.

“Wow, una mong joke sa akin ay dirty joke?” natatawang kong sabi.

“Maliligo ka ba, ako na ang mauuna?” pag-iiba niya ng topic.

Mabilis akong umakyat, kumuha ng damit at towel saka pumasok sa banyo. Binilisan ko naman ang pagligo dahil nakakahiya sa isa riyan, baka magalit.

Paglabas ko ng banyo nakita ko siya sa kusina at pinipigaan ang damit na suot niya pa sa may lababo.

“Maligo ka na tapos na ako,” anunsyo ko.

“Ang bilis,” komento niya.

“Sige, balik na lang ulit ako hanggang mangatog ka riyan,” sarkastiko kong ani.

Hindi na ito sumagot at dumiretso sa banyo. Narinig kong binuksan niya na iyong gripo hudyat na maliligo na siya.

Umupo ang sa mahabang upuang kahoy sa sala habang pinupunasan pa ang basa kong buhok ng towel.

“Carla!” tawag sa akin ni Eduard sa loob ng banyo.

Hindi ako sumagot.

“Carla, are you there? Nakalimutan ko muna kumuha ng towel!”

Napatingin ako sa banyo.

“Pakikuha sa kwarto ko, please! Kung ayaw mong maglakad ako ng nakahubad sa sala!” pananakot niya.

“Kaya mo?” nang-aasar kong sigaw.

Natawa tuloy. Maliban nang marinig ko na ang ingay ng doorknob, palabas na siya.

“Biro lang! Ito kukunin ko na!” natataranta kong sabi.

Umakyat ako sa kwarto niya at kinalkal ang maleta nito. Wala akong paki kung gulo-gulo iyon basta mahanap ko ang towel. Nang makita ko agad na akong bumaba.

“Ito na!”

Inilabas niya ang kamay niya sa pinto ng banyo at hinablot ang towel sa akin.

Bumalik naman ako sa upuan at prenteng umupo roon. Nakataas pa ang isang kamay.

“I also forgot about my clothes pala,” napatingin ako kay Eduard na kakalabas lang ng banyo, pakamot-kamot pa ng ulo.

Nalaglag ang panga ko nang makita ang katawan niya. Wala siyang ibang suot kung hindi ang towel lang na nakatapis sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo pa ang basang buhok sa balikat.

Dumaan ito sa gilid ko kaya maamoy ang pambabae niyang shampoo, shampoo ko ‘yon! Sinundan ko pa ito ng tingin nang maglakad paakyat. Tumatalbog pa ata ang pwet no’n dahil malaman. Sorry, hindi ako nagpokus sa pandesal niya.

Carla! Anong nangyayari sa ‘yo? Kailan ka pa naging manyakis!

Parang uminit tuloy ang paligid. Wala sa sariling napapaypay ako gamit ang kamay.

Maya-maya ay bumaba si Eduard nang makatarungan na ang suot. Umupo rin ito kung saan ako nakaupo ngunit sa kabilang dulo. Dinampot niya ang remote sa maliit na lamesa sa tapat namin at binuksan ang TV.

“Wow! Gumagana pala ‘yan!”

Tiningnan ako ni Eduard na para bang ignorante.

“Hindi kasi binubuksan ni Lola Selia ‘yan. So I assumed na sira!” paliwanag ko.

Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang remote. Ngayon na lang ulit ako makanonood ng palabas sa TV. Nilipat-lipat ko iyon hanggang mapako ang mata ko sa channel na may movie at kakaumpisa pa lang. Inagaw din naman sa akin ni Eduard ang remote.

“I’m watching the news,” seryoso niyang sabi.

Nilipat niya ulit iyon sa balita. Inagaw ko iyon at inagaw niya ulit sa akin. Hay! Lagi na lang kami nagtatalo nito.

Sumuko ako at binalik ang remote sa kaniya. Hindi ko rin kasi gusto ang balita. Saktong weather forecast iyon. Ang sabi pa ay sunod-sunod na raw uulan kaya napatayo ako.

Dati, ayaw ko sa ulan dahil ang daming naabalang tao. Nang makilala ko si Eduardo parang gusto ko na lang umulan lagi para makapiling siya. Ngayon, parang sinusumpa ko na ulit ang ulan, pinapaalala no’n sa akin si Eduardo.

Napatingin ako kay Eduard na seryosong nanonood ng balita. Iniling ko ang ulo ko.

Hindi siya si Eduardo, okay?

At hanggang ngayon ba, Carla hindi ka pa rin maka-get over? Si Eduardo ay para sa Lola Carlotta mo, hindi na nga sila nagkatuluyan, makikisali ka pa.

“What?”

Napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Eduard.

“Why are you staring at me?” tanong niya.

Hindi ako sumagot. Pumanik na ako sa taas. Naramdaman ko namang sinundan ako ng tingin ni Eduard.

Pagpasok ko sa kwarto umupo ako sa kama. Nakasandal ang likod ko sa head board. Pinaglaruan ko ang daliri ko sa paa. Tinuon ko lang ang pansin ko do’n dahil ayaw ko nang mag-isip, nakakapagod.

Nakarinig ako ng katok. Napatingin ako sa pinto kong laging iniiwang nakabukas.

“Wanna watch?”

Si Eduard iyon na kahalukipkip sa gilid ng pinto habang nakatingin sa akin.

“The movie is about to start, aakyat na ako baba ka na lang kung gusto mong manood,” mabait niyang sabi.

Umiwas naman ako ng tingin kay Eduard.

Ang bait niya ngayon, anong nakain niya? Baka nakonsensya kasi akala niya ngayon lang ako nakakita ng TV.

Lumabas ako, ilang segundo bago siya umalis. Pagbaba ko nakita ko siyang nandoon pa rin at nasa upuan. Patay na rin ang ilaw, tanging TV lang ang nagbibigay liwanag. Siya naman ang napatingin sa akin. Umusog ito. Sumenyas pa na umupo ako sa kaniyang tabi gamit ang mata niya.

“Akala ko pupunta ka na sa kwarto mo?”

“Akala ko hindi ka manonood?” balik niyang tanong.

Dumako naman ang mata ko sa maliit na mesa. Puro chichirya iyon at drinks. Wala sa oras na napaupo ako sa tabi niya pero may kaunti pa ring distansiya. Niyakap ko ang mga chichiryang hindi pa nakabukas.

“Mga pagkain ko ‘to!” reklamo ko.


“Ako nagbayad lahat,” kalmado niyang sagot.

Kinuha niya isa-isa sa akin ang mga chichirya at binalik do’n sa lamesa. Nilipat niya rin ang channel dahil ibang palabas ang pinapanood niya. Nang malipat sa gusto kong channel, sumandal ito.


“Hindi ko alam kung magandang palabas ‘yan,” nakanguso kong sabi.

“Maganda ‘yan.”

“Napanood mo na?” mayabang kong tanong.

Tumango lang siya.

Napaharap ako sa kaniya. “Pa’nong maganda? Intense ba siya? Astig, ganon’n,” excited kong tanong.

“Manonood ka o papatayin ko ‘to?” masungit niyang wika. Uminom pa ng in-can na drinks.

Muli naman akong ngumuso at tinuon na lang ang pansin sa TV. Tama siya, nasa kalahati pa lang maganda na ang palabas. Masasabi kong maganda nga ang kalahati dahil hanggang do’n lang ako at nakatulog na.

“Huwag niyo nang gisingin, Lola.”

“Baka nangangalay ka na, apo.”

“Ayos lang po.”

“Tanghali na, naghahapunan na dapat kayo.”

Nagising ako dahil sa ingay na ‘yon. Medyo masakit ang katawan ko dahil nakaupo lang ako matulog. Kiniskis ko pa ang ulo kong nakatagilid at kung saan man ito nakapatong.

“Gising na ata, apo.”

Dumilat ako para tingnan ang nagsalita. Sumalubong sa akin ang mukha ni Lola Selia. Inaantok ko itong nginitian. Ngumiti rin naman si Lola sa akin.

Umupo ako nang maayos at nag-unat. Napatingin lang ako sa gilid ko nang may matamaan ang kamay ko.

“Ginagawa mo riyan?” inaantok kong tanong kay Eduardo.

“Nakatulog ka sa balikat niya, Carlotta. Umahon ka na riyan, magtanghalian na kayo roon,” si Lola ang sumagot.

Tumayo si Eduardo at hinilot-hilot pa ang kaniyang kaliwang balikat. Napakibit balikat na lang ako. Tumayo ako at muling nag-unat.

Ang weird pero ang kumportable matulog katabi siya.

Itutuloy

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon