Eduard’s Point of View
“Gradute of Masters in Mathematics Education… Soriano, Eduardo Jr.”Umakyat ako sa stage at tinanggap ang diplomang nakarolyo.
“Congratulations,” nakangiting bati ng bisita habang nakipagkamay sa akin.
“Thank you.”
Bumaba ako ng stage. Malayo pa lang ako sa upuan ko, kitang-kita ko na ang ngiti ng dalawa kong katabi. Sabik na sabik si Lia nang makalapit na ako, ngumiti naman sa akin si Kuya Luke.
“Graduate ka na! Pasakal nga,” biro ng pinsan ko.
Si Lia lang ang pinsan na pinakamalapit ko kahit sampung taon ang layo ng mga edad namin. Mula nang mamatay si Papa ay sa kaniya na ako iniwan, siya ang nag-alaga sa akin hanggang ikasal na siya, mukha na nga nila akong anak ni Kuya Luke. Hanggang ngayong makapagtapos na ako sila ang kasama ko pero tuwing bakasyon na lang kami nagkikita dahil dito ako sa Manila nagpasya mag-aral.
Sa Misamis Oriental naman talaga kami nakatirang pamilya. Ako, si Mama at si Papa, masaya kami at buo. Tuwang-tuwa pa nga ako noon dahil ang dami kong bahay na inuuwian— sa ancestral house ng mga Soriano siyang sarili naming bahay, sa bahay nila Lia, sa ancestral house ng mga Lagbas para dalawin si Lola Selia. Simula pa lang noong bata ako tuwing bakasyon na kay Lola Selia ako at dahil malapit lang si Lia napunta rin ako sa kanila.
Hanggang isang araw, wala na si Papa. Sinubukan akong kunin ni Mama at sumama sa bago niyang pamilya pero paulit-ulit kong tinanggihan iyon at pinili sa puder ni Lia. Hindi na nagparamdam si Mama, wala na akong pakialam sa kaniya kung mas masaya siya ro’n at kinalimutan na si Papa at akong anak niya, patay na siya sa akin. Pwes ako rin ay may bago ng pamilya.
“Saan mo pala balak kumuha ng trabaho?” tanong ni Lia pagtapos ng ceremony. Palabas kami ng stadium kasabay ang ilang mga tao.
Hindi ako tumingin sa kanila. “Dito rin sa Manila,” sagot ko.
Bumasangot ang mukha ni Lia. “Oh sige, pagbalik mo ng Misamis— wait, kung may babalikan ka pa,” pananakot niya.
“Sira,” natatawa kong komento. “Nariyan pa naman si Lola Selia, sa kaniya ako titira,” pagmamayabang ko.
“Naku, miss ka na ni Lola Selia panigurado,” sabi ni Lia.
“Didiretso na lang muna ako kay Lola Selia pag-uwi.”
“Eduard, graduate na oyats!” narinig kong sigaw ng mga kakalse ko.
Nakangiti ko silang tinanuguan.
“Kita-kita na lang LET!” sabi pa nila bago umalis nang nagtatawanan.
“Mapapatagal naman na siguro bakasyon mo ngayon, ano?” tanong ni Kuya Luke.
Tumango ako. “Pero kailangan ko pa rin bumalik agad para sa LET.”
“Mabuti naman, may tagahugas na kami ng pinggan,” natatawang biro ni Kuya Luke.
“Kay Lola Selia na lang talaga ako tutuloy buong bakasyon,” biro ko.
“Loko, tara na nga. Saan mo gusto kumain?” yaya ni Lia.
Ilang araw ay lumipad din kami pabalik ng Misamis Oriental. Medyo hassle dahil maulan. Pagdating sa bahay saka lang tumila, nang-aasar. Nakakainis talaga ang ulan, laking perwisyo lagi sa mga tao. Nagpaalam ako kila Lia at dumiretso agad kay Lola Selia.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]
Historical FictionUna ko siyang nasilayan sa labas ng aming bintana. Sa akin lagi siyang nakatingala at sa ulan ay basang basa dahil tuwing tag-ulan lamang siya nagpapakita.