KABANATA IV

54 9 0
                                    

Carlotta’s Point of View


Minulat ko ang mata ko mula sa pagkakatulog. Dinama ang malamig na panahon. Pinapakinggan ang ulan sa labas.

“Umuulan!” masaya kong sigaw matapos na masiglang bumangon.

Natatawa ako sa sarili ko. Dati, walang kaso sa akin ang ulan ngayon ang saya-saya ko dahil makikita ko nanaman siya.

Sinilip ko na agad ang bintana at tama ako naroon siya at basang-basa na. Dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni Lola Selia para silipin siya, tulog pa ito kaya pala wala akong narinig na tugtog. Kung gising man siya tiyak hindi niya ako papayagang maligo sa ulan, napapadalas na rin kasi akong nababasa ng ulan. Masuwerte na lang dahil hindi ako nagkakasakit.

Patakbo akong lumabas. Walang umano’y sumugod na ako sa ulan.

“Eduardo!” Malayo pa lang ako masaya na akong kumakaway sa kaniya.

Nakangiti naman siyang humarap sa akin. “Carlotta…” Maingat niya laging binabanggit ang pangalan ko.

Ewan ko, pero nakakatuwa. Dati ayaw kong tinatawag ako sa totooong kong pangalan. Ngayon, parang gusto kong banggitin na lang lagi ‘yon ni Eduardo.

Tumikhim ako. “Pa’no ba ‘yan, umulan! Kailangan mo akong i-tour dito sa lugar ninyo!” maligaya kong anunsyo.

Masaya siyang nakakatitig sa akin, natutuwang maligaya ako. “Tara.” Pinauna niya na akong maglakad.

Masaya akong naglalakad sa gitna ng ulan dahil kasama siya. Nakalagay pa ang dalawang kamay ko sa likuran. Lalong lumaki ang ngiti ko nang makikita masaya rin si Eduardo. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao pero binabalewala ko lang ‘yon. Paminsan-minsan, sumusulyap sa akin si Eduardo.

Ako naman ay madalas ang pagtitig sa kaniya. Ngayon ko lang kasi mailalarawan ang kabuohan niya. Hanggang tenga lang niya ako. Nakatagilid ito sa akin kaya mahuhusgahan ko ang tangos ng ilong niya at ang manipis na labi ay namumutla dahil siguro babad sa ulan pero hindi nakabawas iyon sa kagwapuhan niya. Sa palagay ko ang buhok nito ay nakahati sa gitna kung hindi basa ng ulan. Ugh, nakaka-curious! Kailan ko kaya siya makikitang tuyo?

“Ang parke na ito ay madalas na bisitahin ng mga tao karamihan ay ang mga bata dahil na rin sa palaruan,” paliwanag ni Eduardo.

Ang park na tinutukoy niya ay may playground at may mga bench din na may lamesa at dahil naulan walang tao. Pinagsisipa ko ang basang damo sa daan.

“Ang saya siguro rito kapag hindi umuulan, maraming cute na mga bata!” ani ko nang nakangiti.

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Ang sumunod na pinuntahan namin ay ang sapa.

“Ang ganda!” puri ko kahit umuulan pa. “Mas maganda siguro ‘to makita kung hindi naulan.”

“Tama ka. Maraming ring kababaihan naglalaba rito,” sabi niya pagtapos tumango.

Uso pa pala iyon, ang maglaba sa sapa.

“Siguro lagi kang nandito, pinapanood ‘yong mga babae,” akusa ko.

Medyo nagulat siya sa sinabi ko pero sa huli ay natawa siya. “May magagalit,” sabi niya.

“H-Huh?” Naguguluhan kong tanong.

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon