KABANATA VI

45 9 0
                                    

Carlotta’s Point of View

“Saan ka pala nakatira? Ang tagal na natin magkakilala pero pangalan mo lang ang alam ko,” nakanguso kong sabi kay Eduardo. Muli nanaman kaming magkasama sa gitna ng ulan habang naglalakad.

“Bakit may balak ka bang puntahan ako?” tanong niya.

“Wala, masama bang magtanong. Ang bahay ko alam mo pero ang sa ‘yo hindi ko alam, ang daya lang.”

“May magagalit.”

Sa pangalawang pagkakataon napatahimik nanaman ako. Napansin naman iyon ni Eduardo. Umiwas siya ng tingin. Hindi siya nagtanong kung ayos lang ako. Dati naman nag-aalala agad siya.

“Sino ka ba talaga?” Sa wakas ay nailabas ko na ang matagal ko nang gusto itanong sa kaniya.

Hindi siya kumibo.

“Sino ka ba talaga?” desperada kong tanong.

Tinikom niya ang bibig niya at umiwas ng tingin. “Ako si Eduardo.” Akala niya siguro tanga ang kausap niya.

“Alam ko. Alam kong ikaw si Eduardo pero anong apelyido ni Eduardo? Ilang taon na si Eduardo? Saan nakatira si Eduardo?!” galit kong sigaw.

Halos malunok ko na ang tubig-ulan na dumadaan sa mukha ko.

“Bakit tuwing tag-ulan lang nagpapakita si Eduardo…?”

Hindi pa rin siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi pumipikit ang mga mata kahit daanan pa ng tubig-ulan.

“Gusto kitang makitang tuyo, hindi ‘yong ganito, laging basa sa ulan. Sa una masaya pa pero narealize ko mukha ng tanga, bakit Eduardo ano bang meron sa ‘yo? Binabaliw mo ako!”

Hindi siya kumibo. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya iyon. Sinubukan ko ulit pero lumalayo siya. Nagulat ako nang bigla siyang tumalikod at lumakad paalis.

“Gusto kita, Eduardo!” sigaw ko bago pa siya makalayo.

Napahinto naman ito. Sa huling pagkakataon lumingon siya sa akin at binigyan ako ng malungkot na ngiti. Pinagpatuloy niya ang paglalakad. Pinagyukom ko ang aking kamao habang nakayuko. Uminit na ang mga mata ko dahil sa luha. Parehas na kaming lumuluha ng ulap.

Muli kong binalik ang tingin ko sa likod ni Eduardo na papalayo na sa akin, kahit pa sobrang labo na ng aking panangin. Tumakbo ako kahit hirap ng makakita dahil sa luha at tubig ulan.

Pero wala na. Nawala na siya sa paningin ko. Nasaan ka na, Eduardo?

Natatakot ako. Umamin ako na sa kaniya. Baka sa susunod hindi na siya magpakita. Baka hindi na kami magkita ulit. Ayaw ko!

Wala akong nagawa kundi mapaupo sa kalsada sa sobrang sakit na nadarama. Iniwan niya ako ng gano’n-gano’n lang. Sa mga araw na magkasama kami wala ba siyang naramdaman sa akin, ni katiting?

O baka naman totoong may nobya siya. Kung gano’n gusto kong sabihin sa kaniya na napakaswerte niya kay Eduardo. Sino ba naman ako? Para ipagpalit siya ni Eduardo sa tulad kong nakilala niya lang sa ulan?

Mukha na akong tangang nakaupo sa gitna ng kalsada. Baulan-basa pa ng ulan. Iyak tawa ang ginagawa, hindi ako makapaniwalang si Eduardo lang ang makakagawa sa akin nito.

“Carlotta?” tanong sa akin no’ng matandang bumungad sa harap ko. “Diyos ko! Ikaw nga Carlotta, anong ginagawa mo riyan? Bumalik ka sa loob!” Si Lola Selia pala.

Kahit na mukha akong basang sisiw agad pa rin akong pinayungan ni Lola Selia ng hawak niyang itim na payong. Ako ay nanghihinang tumayo kaya inalalayan ako ni Lola. Nang makatayo na kahit nangangatog pa ang buong katawan, pinunasan niya pa ang basa kong mukha gamit ang balabal niya.

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon