KABANATA XIII

40 6 0
                                    

Carla’s Point of View


Ilang linggo ang lumipas at mukhang magtatagalan pa si Eduard dito. Hindi ko na rin natawagan sila Daddy para mag-update. Hindi rin naman nila ako tinatawagan. Baka masyado talaga silang abala sa business trip nila.

“Sa akin mo itapat ang electric fan kanina ka pa ah!” reklamo ko kay Eduard.

“Shut up, Carla, mainit,” madamot na sabi nito.

Iisa lang naman ang electric fan dito at ayun ang kay Lola Selia na nagkataong wala naman ngayon at lumabas. Kaya nandito kami sa sala nag-aagawan sa hangin. Kuntento naman ako dati sa hangin sa bintana ko pero masyadong mainit lang talaga ngayon kahit na nakasando na ako.

“Eduard, ano ba!” naiinis kong tawag.

Masungit niya akong tinignan at tinapat sa akin ang electric fan, nasa akin na lahat ng hangin. Pumanik siya sa taas at may dala-dala ng folder pagbalik. Ginawa niya pala ‘yong pamaypay.

Pinagsisihan kong inagaw ko sa kaniya ang hangin dahil ngayon mas naging mainit ata lalo dahil binalak niyang hubarin ang kaniyang pang itaas.

“Woo!” pasimpleng akong sumigaw. “Ang init. Grabe!”

Sa hapag lang kami magkasundo ni Eduard dahil do’n, hindi pwedeng mag-away o magtalo. Bukod sa pinapagalitan din kami ni Lola Selia. Masama raw ang gano’n sa harap ng pagkain.

“Eduard, kinuha mo lahat, puro taba ang tinira mo!” pasimple kong reklamo kay Eduard.

Hinalo halo ko ang sinigang sa mangkok at halos baligtarin ko na ito kakahanap ng laman. Si Lola Selia naman mukhang kuntento na kung ano ang nasa plato niya.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Eduard. Tinusok niya ng tinidor ang laman na nasa kaniyang plato at nilagay sa plato ko. Malapit na ang pwesto niya sa akin hindi tulad dati.

“Kumain ka na lang pwede?” Kalmadong sabi nito. “Ang takaw,” rinig ko pang bulong niya.

“Salamat,” sabi ko sa mahabang tono dahil nagagalak.

Masaya kong pinagpatuloy ang pagkain.

Kinabukasan masyadong maganda ang gising ko. Umunat pa ako habang nakangiti.

Nadatnan ko namang nakabukas ang pinto ni Eduard. Pasimple kong sinilip at nagtagpuang wala siya ro’n.

“Good morning!” bati ko kay Eduard na nasa kusina pala.

“Morning.”

“Wow! Nagluluto ka! Marunong ka pala magluto?” gulat kong tanong.

“Yeah. Ikaw? Pritong itlog lang ang kaya,” pangangasar niya.

Ang aga-aga, Eduard, huwag mo akong inisin.

Tiningnan ko ang kabuuhan niya. Ang cute niyang tingnan sa apron na itim. Napadako nanaman ang mata ko sa pwet nito. Bakit ang tambok niyan? Ang sarap pisilin.

Carla, jusmiyo! Iniling ko ang aking ulo.

“Anong niluluto mo? Ang bango naman. Nasa’n si Lolo? Ba’t ikaw nagluluto?”

“Anong gusto mong una kong sagutin?” Sarkastiko niyang tanong. “I’m cooking Menudo. Ako muna ang nagluto dahil masakit daw ang katawan ni Lola. She’s in her room.”

Pinuntahan ko si Lola sa kwarto niya. Naabutan ko namang nagpapatugtog muli ito ng Till the End of Time na kanta.

Ang kwarto ni Lola ay tunay na kwarto talaga ng mga kasambahay. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon dito pa rin siya natutulog. Marami pa namang kwarto sa taas.

“Lola Selia,” gising ko sa kaniya. “Kamusta po kayo?”

Hindi ito gumalaw.

“Lola,” maamo kong tawag.

Napansin kong hindi gumagalaw ang tiyan nito, hudyat na hindi siya humihinga. Nilagay ko ang daliri ko sa ilong nito para damhin ang kaniyang hininga ngunit wala akong naramdaman.

“Eduard!” Nagmamadali akong tumakbo palabas. “Eduard, si Lola!”

Pagtakbo ko sa kusina nakita kong tapos na si Eduard sa pagluluto.

“Eduard… Si L-Lola!” nagpapaninik kong usal.

“What?” kunot noo niyang tanong.

“Si Lola hindi na ata humihinga, ewan ko! Wala ako maramdaman sa !” Nahihirapan kong paliwanag.

“Shit!” Mabilisan niyang tinanggal ang apron niya at agad na tumakbo papunta sa kwarto ni Lola Selia. Maya-maya, lumabas na siya buhat buhat si Lola. Napatakip naman ako ng bibig at naluluha.

“Dadalhin ko sa Hospital si Lola huwag ka nangg sumama, bantayan mo na lang ang bahay!” nagmamadaling bilin ni Eduard.

Lumabas siya at nakita ko pang tumawag ng tricycle.

Napadasal ako nang wala sa oras. Hindi ko inaasahan ang ganito. Maayos pa si Lola Selia nitong mga nakaraang araw. Diyos ko, huwag naman!

Ang ganda-ganda ng gising ko pero ganito ang bubungad sa akin. Mas gugustuhin ko na lang palang asarin ako ni Eduard at mainis kaysa maging ganito si Lola Selia.

Tahimik ang bahay, pinatay ko rin ‘yong tugtog dahil naalala ko si Lola Selia. Malungkot kong inayos ang niluto ni Eduard. Tinakpan ko ang kalderong hindi natakpan ni Eduard nang maayos dahil sa pagmamadali. Wala akong ganang kumain.

Buong araw ko silang hinintay. Hindi ako kumain hangga’t wala sila. Nasa lamesa lang ako at malungkot na nakahalumbaba. Inaalo ko ang sarili ko na magiging maayos rin ang lagay ni Lola. Napagpasiyahan ko nang maghain alam kong masiglang babalik si Lola Selia rito. Naghain ako ng tatlong plato at inayos kung saan ang pwesto namin lagi.

Napatayo ako nang may marinig akong tricycle sa labas. Sumilip ako sa pinto at nakita si Eduard bumaba mula roon. Ngunit wala si Lola Selia.

Sinalubong ko ito para bigyan ako ng kasagutan.

“Lola will not be here.” anunsyo ni Eduard agad.

“What?! Why?!” nag-aalala kong tanong. “Huwag mo sabihing…”

Pinitik ako nito sa noo. “Buhay pa si Lola. Kumain ka na?”

Nakahinga naman ako nang maluwag. “Hindi pa nga mula kanina,” totoong kong sagot.

Tiningnan ako nito nang masama.

“Hinihintay ko kayo,” sagot ko.

“Gusto mong ikaw naman ang dalhin sa Hospital?” sabi ni Eduard sa galit na tono.

Napatahimik ako.

“Hindi kita bubuhatin akala mo. Napakatakaw mo malamang mabigat ang timbang mo.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tinawanan ko na lang ang sinabi niya para hindi na mag-away. Mas gusto ko pang nagbibiro si Eduard kaysa masungit at seryoso siya.

Sabay kaming umupo sa lamesa. Saktong kakainit ko lang ng ulam. Muli nanaman ako nalungkot nang makita ang bakanteng plato.

“Eat, Carla.”

Napabalik naman ako sa ulirat dahil sa boses ni Eduard. Matagal ko ata natitigan ang bakanteng plato ni Lola dahil iniisip kong katapat ko si Lola ngayon at nakangiti sa akin.

“Are you regretful na hindi mo kinain ang luto ko kanina? Sarap na sarap ka,” sabi ni Eduard na unang natapos kumain.

“Buhat sarili bangko ka,” pangangasar ko. “At sino may sabing masarap?”

“Pangatlong plato mo na ‘yan, Carla,” asar din niya. Uminom pa ng tubig habang nasa akin ang tingin.

“Mali ka, Eduardo. Pang-apat na ‘to!”

Natawa siya sinabi ko.

Akala niya siguro nagbibiro ako. Totoong masarap ang luto niya. Nahihiya lang akong aminin.

Pero napangiti ako.

Mas gusto ko siyang nakikitang ganiyan kaysa magsungit. Hindi ko alam kung nakikita ko lang sa kaniya si Eduardo pero aminado akong nagugustuhan ko na si Eduard.

Itutuloy

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon