Warning: SPG.
Eduard’s Point of View
Dumaan ang dalawang araw matapos ang insidente. Labis na na-trauma si Carla. Nawalan pa kami ng anak. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng palihim ayaw kong ipakita kay Carla na mahina ako, dapat isa sa amin nagpapakatatag. Ang kailangan ko lang ay alagaan siya at huwag mo umalis sa tabi niya.Tingin ko lahat na lang ng pamilya ko gustong umakyat sa langit. Ano bang maganda sa langit? Payapa? Gano’n ang pakiramdam nila habang hindi nila alam nagluluksa ang mga iniwan nila sa baba?
“Ano, Eduard, kamusta na si Carla?” nag-aalalang tanong ni Lia sa kabilang linya.
“She’s not fine…”
“Magiging ayos din ang lahat. Sorry talaga, Eduard, hindi ko dapat iniwan siya mag-isa.” Naririnig ko na ang pag-iyak ni Lia.
“It wasn’t your fault, Lia. Kung sumama ka, baka nadamay ka pa.”
“Kung may kailangan si Carla sabihin mo sa akin baka makatulong ako.”
“Pupunta rito ang parents niya. Natatakot ako, Lia.”
Hindi sumagot si Lia at gusto lang makinig sa akin.
“Natatakot ako na pagtapos ng nangyari ilayo na nila si Carla sa akin. Ayaw ko… ayaw ko mangyari ‘yon,” ani ko habang nakatingin kay Carla sa malayo.
“Shh… magiging okay din ang lahat.”
Binaba ko ang tawag at pinunasan ang kaunting luha na namuo sa aking mga mata. May narinig na akong sasakyan sa labas.
“Magandang araw po. Nasa sala po si Carlotta,” sulubong ko sa Magulang ni Carla.
Tahimik lang na nakaupo si Carla sa mahabang upuan. Lagi na lang itong tulala at parang pilit na pinapasok sa utak niya ang mga nangyari. Medyo kumakalma lang siya pagnaririnig niya ang pabirito niyang kanta.
“Carla, Honey, are you okay?” nag-aalalang tanong ng Mommy ni Carla habang sinusuklay ang buhok niya.
Tumango lang si Carla. Kahit na alam kong hindi.
“Hindi ko masikmurang kapangalan pa ng tatay ko ang gumawa sa ‘yo nito!” ramdam ko ang galit ng Ama ni Carla.
Kahit ako ay parang gusto kong patayin si Rudy, hayop siya!
Napayuko lang si Carla, alam kong pinipigilan niya lang ang maluha.
“I’m really sorry dapat hindi ko po pinayagang umalis mag-isa si Carla,” malungkot kong sabi.
“Don’t blame yourself, Hijo Eduard. Kung hindi ka pa dumating baka…” ani Mommy ni Carla.
“Hindi ako papayag hanggang hindi nabubulok sa kulungan ang putanginang ‘yon! Mali siya ng binangga!” gigil na sabi ng Daddy ni Carla.
“Ayos na po, Sir. I already worked for it. Ang sabi rin ng mga Pulis, hindi na kailangan umabot sa korte dahil may mga ebedensya naman. Umamin na rin po…” paliwang ko.
Tumayo si Tito Carlos. “Sabihin mo kung ano pa ang sabi ng mga Pulis, Eduard.” Inakay ako nito sa ibang lugar dahil ayaw niyang pag-usapan sa harap ng anak.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]
Historical FictionUna ko siyang nasilayan sa labas ng aming bintana. Sa akin lagi siyang nakatingala at sa ulan ay basang basa dahil tuwing tag-ulan lamang siya nagpapakita.