Carlotta’s Point of View
Kinabukasan ay nagising ako sa sikat ng araw mula sa bintana kong bahagyang nakabukas. Wala na rin akong katabi. Napaungol ako sa sakit ng ulo dahil sa hungover pati ng katawan dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Eduard.
Hindi ko pinagsisihan ang nangyari kagabi.
Tumayo ako para magbihis. Napasimangot naman ako ng may makitang dugo sa bedsheet ko. Lalabahan ko na lang mamaya ‘yan.
Sumilip ako sa nakabukas na kwarto ni Eduard ngunit wala siya ro’n. Nahihirapan akong bumaba ng hagdan dahil kumikirot ang nasa pagitan ng hita ko. Nadatnan kong malinis na ang sala pati ang kusina ngunit wala ro’n si Eduard. Sakto namang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Eduard nang ibabang katawan lang ang nakatapis ng towel.
“Good morning,” masayang bati ko sa kaniya.
Hindi sumagot si Eduard. Dinaan lang niya ako at umakyat na sa kwarto niya. Nagkibit balikat lang ako dahil baka wala siya sa mood. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape dahil sa hungover. Masakit ang katawan akong umupo sa hapag at doon ininom ang kape.
Maya-maya ay bumaba rin si Eduard. Nagtimpla rin siya ng kape. Akala ko uupo siya sa harap ko ngunit dumiretso ito sa sala at doon nagkape.
Napanguso ako dahil halatang iniiwasan niya ako. Hindi niya ako pinapansin. Galit ba siya? Hindi niya ba nagustuhan ang nangyari sa amin kagabi?
Inubos ko ang kape ko. Pinilit kong maglakad ng maayos papunta sa kaniya. Hawak niya ang baso ng kape habang kinakalikot ang telepono.
“Eduard?”
Nasa likuran niya ako. Tinapunan niya lang ako ng seryosong tingin at binalik ang tingin sa telepono. Tumayo siya dahil ubos na ang kape niya. Dinaanan niya lang ako at pumuntang kusina.
Sinundan ko siya sa kusina. Nakita kong hinugasan niya ang ginamit niyang baso pati ang ginamit ko. Lumapit ako sa kaniya.
“Aray,” mahina kong sabi dahil sa kirot.
Napatingin sa akin si Eduard kaya tumindig ako ng maayos. Binalik niya ang tingin sa lababo. Nang matapos sa paghuhugas, pinunasan niya ang kamay niya at umalis.
“Eduard.” Pinigilan ko ang pulsuhan niya.
Para akong batang nakatingala sa seryoso niyang tingin. Sinubukan niyang tanggalin ang hawak ko ngunit hindi ako pumayag. Nakanguso ko siyang niyakap. Hindi niya ginantihan iyon at nanatiling nakatayo.
“Bakit hindi mo ako pinapansin?” nakanguso kong tanong.
“Carla…”
Sinubukan niyang alisin ang kamay ko sa pagyakap sa bewang niya. Bahagya niya pa akong natulak kaya napaungol ako sa sakit.
Marupok si Eduard kaya niyakap niya ako pabalik.
“Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo kagabi,” seryosong sermon ni Eduard.
“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? Hindi ba masarap—“
“Carlotta!”
“Biro lang.” Tumawa ako sa pagitan ng yakap niya.
“Do’n ka muna sa kwarto ko at magpahinga, lalabhan ko ang bedsheet mo. Huwa ka muna magkikikilos,” paalala ni Eduard habang hinahagod ang buhok ko.
Ilang araw ang lumipas, hindi naman nilinaw ni Eduard ang ibig sabihin niyang sa huwag ko ng ulitin ang ginawa ko dahil siya naman ang gumagawa sa akin no’n. Hindi niya pinatawad ang kusina, banyo, at sala. Ilang beses pa nga kaming muntik mahuli ni Ate Lia na biglaang pumupunta rito.
Nakaupo si Eduard sa mahabang upuan, samantalang ako ay nakapatong sa kaniya. Nakapulupot ang mga kamay ko sa batok niya at siya naman ay sa aking bewang, abala kami sa paghahalikan.
“Eduard! Carla! Nagdala ulit ako ng pagkain!” si Ate Lia.
Nagulat ako kaya bigla akong napahiwalay kay Eduard. Siya naman ay kampanteng nakaupo lang.
“Alam mo, dapat marunong tayong mag-lock ng pinto,” natatawa kong biro kay Eduard.
Natatawang tumayo si Eduard at sinalubong si Ate Lia.
Kinabukasan, hindi ko inaasahang matutupad ang kahilingan ko… ang mapuntahan ang lugar na pinuntahan namin ng lalaki sa ulan ng tuyo. Ngayon kasama ko si Eduardo ng tuyo. Nakakausap ko si Eduardo ng tuyo.
“Sabi sa ‘yo, Eduard, maganda tingnan ‘to nang hindi umuulan.” Masaya kong iniwagayway ang magkahawak naming kamay.
Tinuturo ko sa kaniya ang playground na pinuntahan namin. Maraming mga cute na bata ang naglalaro. May mga tao na rin sa bench at mukhang nagpi-picnic dahil sa pagkain sa lamesa.
“Tara na, sa susunod naman tayo,” sabi ni Eduard.
Hinila niya ang kamay ko dahil parang ayaw ko pang umalis ro’n. Maganda ang araw. Ang sarap ding panoorin ang mga batang masasayang naglalaro… nakakamiss maging bata.
“Sabi ko na magandang pagmasdan ‘to kapag hindi umulan e!” komento ko sa sunod naming pinuntahan.
Napabitaw ako kay Eduard sa sobrang sabik. Lalo akong natuwa nang sunod naming puntahan ang sapa. Ang sarap sa tenga pakinggan ang pag-agos ng tubig. Ang ganda-ganda no’n. May ilan ding naglalabang kababaihan ro’n. Nawala naman ako sa mood nang may maalala.
“Halika rito, Eduard,” seryoso kong utos sa kaniya.
Lumapit naman si Eduard sa akin.
“Naalala mo no’ng huling punta natin dito?” Tumango siya. “Sino ‘yong tinutukoy mo na magagalit?” nakahalukipkip kong tanong.
Mukha natatawa pa siya sa tanong ko. “Bakit ko sasabihin?” asar niya.
Pinanliitan ko ito ng mata. Piningot ko ang ilong nito hangga’t hindi umaamin.
“Si Lola ang tinutukoy ko! Aray!” reklamo ni Eduard.
“Paano ako makasisiguro?”
“Madalas si Lola Selia rito noon at sinasama niya ako. Lagi akong pinapagalitan no’n at pinaalalahanan akong masama ang ginagawa ko,” paliwanag niya.
“So naninilip ka talaga?” gigil kong tanong.
“Ano ka ba, Carla! Onse anyos pa lang ako no’n!”
Natatawa ako sa paraan ng pagsasalita niya, parang ngongo dahil hawak ko ang ilong niya. Binitawan ko na iyon dahil kuntento na ako sa sagot niya.
“Hindi ko alam ang onse, Eduard!” nahihiya kong reklamo.
Hinihimas ni Eduard ang namumula niyang ilong. Tiningnan niya naman akong parang ignorante.
“Labing isa, eleven, Carla,” sagot niya. “Ang laki mo na, hindi mo pa alam ‘yon,” bulong niya pa.
Pinanlakihan ko siya ng mata. “May sinasabi ka?”
Muli niya lang hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglakad.
Dinala niya ako sa simbahan kung saan kami pumunta noon. Nasisikatan na ito ng araw hindi tulad kung paano ko ito nakita nang umuulan.
“May pa trivia ka pa sa akin no’n,” asar ko sa kaniyang nang maalala ang sinabi niya sa akin tungkol sa simbahan.
“Thanks, Google.”
“Pasok tayo,” yaya ko kay Eduard.
Tumango siya para sumang-ayon.
Pumasok kami sa loob. Saglit kong pinagmasdan ang ganda ng simbahan. Umupo kami sa unahang upuan. Lumuhod ako upang magdasal, samantalang si Eduard ay naiwang naka-upo, alam kong pinapanood niya ako ngayon. Wala na akong hiniling sa dasal ko. Nagpasalamat na lang ako sa lahat ng kung anong meron ako ngayon.
Hindi nagtagal ay umuwi na rin kami. Tirik na ang araw at sobrang init. Lagi na lang namin nakakalimutang magdala ng payong.
“Bitawan mo muna ang kamay ko, Eduard. Kanina pa tayo magkahawak, basang-basa na ang palad natin,” reklamo ko sa kaniya habang naglalakad pauwi.
Hindi siya sumagot, akala mo walang naririnig.
“Bitaw,” pagpupumilit ko.
“Ayaw ko,” simple niyang sagot.
“Bitaw na.”
“No.”
“Basa na sa pawis ang mga kamay natin!”
“Bibitawan kita pero kada bitaw ng isang daliri, isang halik,” hamon niya.
Tumawa ako. “Pag-uwi na! Hindi lang kiss ang ibibigay ko sa ‘yo,” biro ko.
“Alright, bilisan natin, excited na ako sa ibibigay mo pag-uwi,” biro ni Eduard pabalik at nagmadaling maglakad na siyang nagpabungisngis sa akin.Itutuloy…
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]
Ficção HistóricaUna ko siyang nasilayan sa labas ng aming bintana. Sa akin lagi siyang nakatingala at sa ulan ay basang basa dahil tuwing tag-ulan lamang siya nagpapakita.