Carlotta’s Point of View
Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto. Buong araw akong nag-isip. Buong araw kong pinag-isipan ang lahat. Hindi na nga ako nakaligo. Kinatok pa ako ni Eduard para kumain pero hindi ko ppinaunlakan. Napatakip pa ako ng mga tainga nang marinig ang boses niya. Nakakahiya, sobra!
Nakakahiya, umamin pa naman ako sa kaniya! Ibig sabihin, all this time na magkasama kami sa iisang bahay ay lumaki na ang ulo n’ya dahil alam niyang may gusto ako sa kaniya.
Kinabukasan ng umaga napagpasiyahan ko ring lumabas. Dala na rin ng gutom. Napatanto kong ding hindi masasagot ang naiwan pang katanungan sa isip ko kung hindi ko tatanungin si Eduard o si Eduardo, kung sino man s’ya!
Bakit niya ba kasi ginawa ‘yon?
Kinalma ko ang sarili at pinilit na huwag magkaroon ng masamang reaksyon at hahayaan muna siyang magpaliwanag.
Pagbaba ko naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa kape niya. Marahan niya akong binigyan ng tingin. Pinanood niya lang ako umupo sa harap niya.
“Kumain ka na. Kahapon ka pa walang kain. Gutom na ‘yang anakonda mo sa tiyan,” nakuha niya pang magbiro.
“Huwag mo ‘kong biruin, galit ako sa ‘yo,” masungit kong sabi.
Hindi siya umimik at muling tinuon ang pansin sa kape.
“Huwag kang magsalita habang kumakain ako. Ayaw ko marinig muna ang boses mo baka mawalan ako ng gana,” masungit ko pang pagpatuloy.
Hindi man tumawa ang labi niya pero natatawa ang mga mata niya.
Marami akong nakain kahit itlog lang ang ulam. Tatlong plato ata iyon. Nakita ko naman si Eduard na pumuntang refrigerator at may kinuha. Pagbalik niya may dala-dala na siyang isang basong may lamang fresh milk. Nilapag niya iyon sa harap ko.
Umirap lang ako. Pa-good shot ka sa akin.
Pagtapos ko kumain ininom ko ‘yong fresh milk na binigay niya. Pababain ko lang ang pagkain sa sikmura ko at kakausapin ko na siya.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” nagsimula na akong magtanong.
Huminga ito ng malalim. “Napaaga ang bakasyon ko kaya bibisitahin ko si Lola. Pagdating ko nadatnan kong bukas ang ilaw sa kwarto mo. I was confused kasi hindi si Lola ang nakita kung ‘di Ikaw,” paliwanag niya.
“Kumakaway ako sa ‘yo no’n pero hindi mo ako pinapansin!”
“I know. Malabo ang ulan kaya hindi kita gaano maanigan. Nanatili pa ako ro’n kasi pamilyar talaga sa aking ang mukha mo. Basa na ako ng ulan kaya nagtagal na ako ro’n hanggang umabon na lang at nakita ko na nang tuluyan an mukha mo.” Nag-iwas pa ‘to ng tingin sa akin. “Kamukha mo ‘yung picture ng magandang babae sa taas ng kama mo. Bata pa lang tinititigan ko na ‘yon.”
Napakagat ako ng labi. “Bakit hindi ka tumuloy sa bahay?”
“Basang-basa na ako. Ayaw kong nag-aalala sa akin si Lola. Iba ang reaskyon ni Lola kapag nakakakita ng taong basang basa sa ulan. Bukod pa ro’n…”.
“What?” kuryos kong tanong dahil may balak pa siyang hindi ituloy.
“Uhm… Actually, at first my intention was to watch you since ngayon lang kita nakita at hindi pa kilala. Naalala kong may iba pa pang pamilya ang Lagbas, apparently you are the granddaughter tapos…”
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]
Historical FictionUna ko siyang nasilayan sa labas ng aming bintana. Sa akin lagi siyang nakatingala at sa ulan ay basang basa dahil tuwing tag-ulan lamang siya nagpapakita.