KABANATA XXV

51 7 0
                                    

Carlotta's Point of View

Masaya ako nang makilala ko si Eduard. Wala na ata akong mahihiling pa. Araw-araw ako nagdadasal at nagpapasalamat dahil dumating siya sa buhay ko. Ang mali ko, hindi ko dinasal na ingatan Niya kami at patagalin.

Minsan, kaya ayaw kong sumaya dahil natatakot ako sa kapalit. Baka sa sobrang saya mo, sobrang sakit din ang ibigay.

Nalagay na ni Daddy ang lahat ng gamit ko sa compartment ng kotse. Tumalikod ako para magpaalam kay Eduard. Hinalikan niya ang noo ko bago niya ako pagbuksan ng pinto ng kotse.

Nakita ko naman ang naluluhang mata ni Mommy. Na-ikwento ko na sa kaniya na hiwalay na kami Eduard malibana lang sa nakunan sila ng apo. Si Daddy ay wala pang ideya. Alam kong pipilitin niya ako na makipagusao kay Eduard at ayusin dahil si Daddy 'yung taong ayaw na hindi napag-uusapan ang isang bagay hangga't hindi pa naayos, bukod pa ro'n nakikita kong parang anak na rin ang turing niya kay Eduard.

Lahat kami ay nasa loob na ng kotse maliban kay Eduard na kumakaway sa amin sa labas. Nakangiting kumaway sa kaniya si Daddy at Mommy samantalang ako ay ngumiti lang.

Paandar na ang kotse nang dumagundong ang langit at umulan. Tiningnan ko si Eduard sa likod ng sasakyan. Hindi ito bumalik sa loob. Nakatayo lamang ito habang pinapanood ang sasakyan namin palayo.

Hindi ko inaasahang una kong nakita si Eduard at sa huling tagpo namin ay muli ko siyang makikitang basa sa ulan.

Ang luhang ayaw kong ipakita kay Eduard ay tumulo na. Umiiyak ako mag-isa rito sa likod ng kotse. Ang sakit, sobrang sakit. May parte sa akin na gustong bumalik pero iniisip ko na lang na tama itong ginagawa ko.

"Pwede ka pa namang bumalik dito, Carlotta, papayagan kita," alo ni Daddy.

Napatingin si Daddy a akin sa rear mirror nang makitang umiiyak ako.

"Dad, break na kami ni Eduard. Nakipaghiwalay na ako sa kaniya. Hindi na ako babalik dito kahit kailan," pinal kong sabi.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Daddy sa salamin.

"Bakit? Ano bang meron kay Eduard? Ayos naman siya, bakit ka nakipaghiwalay?"

Malayo-layo na kami sa Misamis kaya ngayon ko sinabi. Hindi naman siguro babalik si Daddy para ro'n.

"Carla, sinayang mo si Eduard, nakikita kong mabait 'yong tao. Dahil ba 'to sa ginawa sa 'yo no'ng Rudy?"

"Dad!"

"Carla, ayaw kong gagawa ka ng bagay na pagsisihan mo," pagpupumilit niya sa akin.

"Wala na kami ni Eduard, tapos."

"Carla!"

"Dad alam mo bang nawalan ka ng apo?!" sigaw ko sa sobrang frustrated.

Napahinto ng sasakyan si Daddy. Si Mommy naman ay gulat na gulat na tumingin sa akin.

"What?!" Sabay nilang sambit.

Sunod-sunod tumulo ang luha ko nang pinto ng kotse sa likod. Hinila niya ako palabas upang yakapin.

"Oh, God, Carla," naiiyak na sabi ni Mommy.

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon