Carlotta’s Point of View
“Dad… wala na po si Lola Selia,” naluluhang kong balita sa kabilang linya.
“Yes, ‘nak, nasabi na sa amin ni Eduard.”
“You have his number?
“Yes. After three days susubukan naming umuwi ng Mommy mo. Wait for us there. Dapat ay inenjoy mo ang summer mo, hindi ang ganito.”
“I-It’s okay, Dad. Naenjoy ko naman din po lalo na no’ng… B-Buhay pa si Lola.”
“Sabihin mo kay Eduard na magpapadala kami ng kaunting abuloy at tulong para sa lamay.”
“Wala na raw pong lamay, Dad. Pinacremate niya ang katawan ni Lola para raw madala ang abo niya sa Ancestral House ng mga Soriano. Ando’n rin daw po ang abo ng asawa’t anak ni Lola Selia.”
“Gano’n ba? Wala na ba kaming maitutulong?” pagpupumilit ni Daddy.
Tiningnan ko si Eduard na tahimik na nakaupo sa mahabang kahoy na upuan. Nandito ako sa hapag pinapanood siyang nakatulala at parang malalim ang iniisip. Pinapatugtog din nito ang paboritong kanta ni Lola sa cassete tape na hindi ko alam kung paano gamitin. Ngayon ko lang napagtantong sa radio na may cassette tape nagpapatugtog si Lola kaya pala napapaulit-ulit niya ito.
Till the wells run dry and each mountain disappears
I’ll be there for you to care for you through laughter and through tears
So take my heart in sweet surrender and tenderly say that I’m
The one you love and live for till the end
“Ayos na, Dad. Miss ko na po kayo.” Balik ulirat ko sa telepono.
“I miss you, too.”
Binaba ko ang tawag.
Kumuha ako ng maiinom at chichirya sa refrigerator. Umupo ako sa tabi ni Eduard. Hindi ko napansing umiinom pala ito ng alak. Halos maubos na ang alak na nakalagay sa maliit na mesa sa tapat namin.
“Gusto mo?” yaya ko sa kaniya ng kakabukas pa lang na chichirya.
Napatingin naman ito sa akin. “Alam mo bang madalas ikwento sa akin ni Lola ang tungkol kay Carlotta at Eduardo?” nagulat ako sinabi niya.
“Nakwento rin sa akin ni Lola Selia.”
“Simula no’ng bata pa ako, lagi niyang kinukwento ‘yon dahil doon galing ang pangalan ko. Hindi man ako lumaki kay Lola pero hindi ko siya matiis hindi dalawin. Dapat ngayon ay nag-eenjoy ako kasama siya,” malungkot niyang kwento.
“Magiging okay din lahat, Eduard.”
“Ngayon ko lang na-realize na ang ganda ganda pala ng kantang ‘to,” natatawa niyang kumento. “Saka ko lang na-realize kung kailan wala na si Lola Selia.”
Naglagay ito ng alak sa baso niya. Niyaya niya pa ako pero umiling ako bago niya ininom iyon.
“Lahat na lang ng pamilya ko gustong umakyat sa langit,” mapait siyang tumawa.
“Buhay pa naman ang Mama mo,” pag-alo ko.
“Simula nang magkaroon siya ng bagong pamilya tinuring ko na siyang patay. She can’t even ask how am I, how’s her son,” mapait niyang wika.
Hindi ko alam kung paano siya iko-comfort. Alam kong masakit pa rin ang pagkawala ni Lola Selia para sa kaniya at pati na rin sa akin.
“Iniiwan na lang ako ng lahat! Napahilamos si Eduard sa kaniyang mukha. Marahas din niyang sinuklay ang buhok niya. Alam kong gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya.
“Tangina! Tinalikuran na ata ako ng buong mundo!”
Ako ang nasasaktan sa ginagawa niya. Naawa ako sa kaniya.
“Sabihin mo, Carla masama ba akong anak? Masama ba akong apo? Ano bang ginawa ko, karma ba ‘to?” Nakita ko nang tumulo ang luha niya.
Sunod-sunod akong umiling. Kahit ako ay naiiyak.
“Fuck! Bakit ganito?!” Marahas itong tumayo.
Nabangga niya pa ang baso kaya nabasag iyon. Sinubukan din nitong maglakad ng maayos dahil mukhang umaalon ang paningin niya.
“Eduard, dito ang kwarto mo.”
“Iihi lang ako.”
Pumasok si Eduard sa banyo. Narinig ko pang siyang nagsuka. Paglabas niya inalalayan ko ito.
“Huwag mo ako hawakan, Carlotta!” Sinubukan nitong pumiglas sa hawak ko ngunit masyado na siyang mahina. “Hawakan mo na lang ako, kapag naalala mo na ako.”
Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Eduard tumayo ka nang maayos,” sita ko sa kaniya.
Hiniga ko siya ng maayos sa upuan. Kasya naman siya, nakalawit lang paa niya ng kaunti. Umakyat ako sa taas para kuhaan siya ng unan. Kumuha rin ako ng unan ko para rito matulog, baka mamaya kung ano pa ang gawin ni Eduard kapag iniwan ko siyang mag-isa rito. Nilinis ko muna ‘yong bubog sa sahig. Nagpiga rin ako ng basang bimpo para ipunas sa katawan niya.
Ngayon ay natutulog siya nang nakakunot ang noo. Mukhang hanggang pagtulog dala-dala niya ang sakit.
Kinabukasan, nakita ko siyang bumangon sa upuan. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang tasang may kape. Lumapit ako sa kaniya at inabot sa kaniya iyon.
“Masakit ulo mo?” tanong ko kahit halata naman sa paghawak niya sa sentido.
Tinanggap niya ang kape. Wala pang segundo ay naubos niya agad iyon. Pagtayo niya nabangga niya ang daliri ko kaya napa 'aray' ako sa sakit.
“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Eduard.
“Kagabi kasi… uh… nabasag mo ‘yong baso. Nasugatan lang ako no’ng nilinis ko,” maingat kong paliwanag.
“Patingin,” seryoso niyang utos.
Hinawakan niya ang hintuturo ko at sinuri. Nakangiti ko siyang tinitingnan kung gaano kaseryoso sa maliit kong sugat.
“Malayo sa bituka,” masungit niyang sabi.
Napanguso ako. Akala ko naman concern. Pagtapos ko siyang alagaan kagabi. Umakyat si Eduard maya-maya ay bumaba rin. Muli siyang tumabi sa akin kinuha ang daliri ko.
“Sorry kung ano man ang nagawa ko kagabi. Hindi ko alam ang ginagawa ko kapag lasing ako,” sinabi niya iyon habang maingat na nilalagyan ng band aid ang daliri ko.
“Wala ‘yon.”
Parang may dumaang anghel dahil wala ng nagsalit sa amin.
“Carlotta?” pAgbasag ni Eduard sa katahimikan.
“Hmm…?” tugon ko kahit nawiwirduhan dahil gano’n ang tawag niya sa akin.
“Hanggang kailan ka magpapanggap na hindi mo ako kilala,” sinabi niya iyon nang nakatingin sa mga mata ko.
“Huh?” naguhuluhan kong tanong.
“Ako si Eduardo.”
“Alam ko,” natatawa kong sabi.
“Carlotta, seryoso ako.”
Hindi ako umimik.
“Ako ‘yong lalaki sa ulan na laging nakasilip sa bintana mo.”
Dahil sa sinabi niya nilayo ko ang kamay kong hawak niya. Napaatras din ako sa pwesto ko.
“Ako ‘yong lagi mong kasama sa ulan,” patuloy niya pa.
“Anong pinagsasabi mo?” medyo galit na ang tono ko.
“Look, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag-“
Napatayo ako.
“Makinig ka muna sa akin.”
“I-Ikaw? Ikaw siya…”
Tumango siya.
“Paano? Bakit?” naguhuluhan kong tanong, nakuha ko pang matawa.
“Hindi ko magpapaliwanag hangga’t hindi ka kalmado, Carlotta,” sabi pa ni Eduard.
Napasinghap ako. Tumayo ito at sinubukang lumapit sa akin. Umatras ako sa kaniya para hindi hayaang makalapit.
“Huwag mo akong kausapin, Eduard!” sigaw ko bago tumakbo paakyat sa kwarto ko.
Pabagsak kong sinara ang pinto ng kwarto. Una ko agad pinuntahan ay ang bintana. Saktong umuulan. Kahit may kasagutan sinilip ko ang labas at wala akong nakitang Eduardo.
Ayaw ko…
Parang ayaw ko maniwala. Ang sakit isipin na ibang Eduardo ang iniisip ko. Ibang Eduardo pala ang nasa labas. Parang nasayang ‘yong luha at sakit na naramdaman ko nang malaman kong hindi totoo si Eduardo. Sarili ko lang pala ang niloko.
Ang tanga mo, Carlotta!
Oh, my God! Oh, my God! Oh, my God! What’s happening? Am I crazy? Baliw na ata ako!” usal ko sarili, sinampal ko pa ang pisngi ko at napasabunot sa buhok.
Ngunit napaisip din ako. Kung ang Eduardo na nakasama ko sa ulan ay nagustuhan ko pati ang Eduardo na kasama ko ngayon. Parang nakakatuwang isiping iisang tao lang pala ang nagustuhan ko.
Si Eduardo ay para kay Lola Carlotta.
At baka ang Eduardo na kasama ko ngayon… ay ang para sa akin.Itutuloy…
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]
Historical FictionUna ko siyang nasilayan sa labas ng aming bintana. Sa akin lagi siyang nakatingala at sa ulan ay basang basa dahil tuwing tag-ulan lamang siya nagpapakita.