Carlotta’s Point of View
Naantig masyado ang puso ko sa kwento ni Lola Selia. Naramdaman ko rin ang ilang pagpatak ng luha ko gayon din si Lola.
“Kunin mo ang pinakahuling sulat at basahin mo,” utos ni Lola Selia.
Sinunod ko si Lola at agad kong dinukot at binasa ang laman no’n.
“Para sa aking Carlotta,
Hindi mangangawit ang aking leeg na ika’y tingalain
Dahil alam kong wala iyon kumpara sa iyong tingin
Hindi hadlang ang malakas na ulan
Saan man ako pumunta ikaw pa rin ang aking patutunguhan
Hindi mo man ako mahal ngayon
Maaring sa susunod na panahonNagmamahal,
Eduardo.”Lalo ko pang kinagulat ng may makitang larawan ng lalaki roon. Kahit luma na ang litrato kilalang-kilala ko iyon, si Eduardo! Si Eduardo na lagi kong kasama sa gitna ng ulan.
Isanawalang bahala ko muna ang gulat ang nagtuon ng pansin sa kwento ni Loula
“Ano na pong sunod na nangyari, Lola Selia?” interisado kong tanong.
“Nabuntis ako ni Lukas kaya kinuha niya ako sa mansyon ng Lagbas at pinakasalan. Labag man sa loob kong iwan ang Lola Carlotta mo siya naman ang nagtulak sa akin palayo. Nang ipinanganak ng Lola Carlotta mo ang iyong ama minahal niya iyon ng buong-buo ngunit hindi si Rodrigo. Nakuha man ni Rodrigo ang gusto niyang maikasal kay Carlotta ngunit hindi ang puso nito. Sa araw ng kasal ni Rodrigo at Carlotta, nagpakamatay si Eduardo,” malungkot na kwento ni Lola.
Tahimik lang akong nakikinig.
“Buong akala ni Eduardo hindi na talaga siya mahal ni Carlotta. Ang sulat na binasa mo ay ang huling liham niya bago pumanaw,” paliwanag ni Lola. “Ipinangalan namin pagkatapos ng pangalan ni Eduardo ang aming unico hijo ni Lukas dahil ayun ang huling kahilingan ng kapatid niya.”
“Kaya po ba ‘Buboy’ din ang tawag niyo sa anak ninyo?” Tumango si Lola. “Kung kinuha po kayo ni Lolo Lukas bakit dito po kayo tumanda?” kuryos kong tanong, pinunasan ko pa ang tirang luha sa mga mata ko.
“Bumasgsak ang Negosyo ng mga Baltazar, ang pamilya ng Lolo Rodrigo mo. Samantalang ang pamilya niya ay nakatira na lang sa maliit na kubo at si Rodrigo ay dito sa mansyon ng Lagbas. Nang mamatay na si Rodrigo napagpasiyahan kong bumalik. Para na rin kay Carlotta at namatay na rin si Lukas kaya rito ko na rin pinatira ang nag-iisa naming anak na si Buboy, ayos lang naman iyon sa mga magulang ni Lukas.” kwento pa ni Lola. “Bago mamatay si Lukas, naikwento niyang si Eduardo ang may sala ng pagbagsak ng mga Baltazar. Nang ang mga negosyo naman ng mga Lagbas ang nalulugi, walang salitang tumulong si Eduardo. Kaya nakatayo pa rin ang mansyong ito.”
Huminga ako ng malalim. “Sumalangit nawa ang katawan nila,” magalang kong sabi. “Gusto ko rin pong makatanggap ng sulat na may ganitong kagandahang mensahe sa loob, Lola. Sa panahon kasi ngayon, sa text na ang liham,” pag-iiba ko ng usapan para gumaan ang paligid.
Natawa naman si Lola Selia. “May magbibigay rin sa ‘yo, Carlotta,” nakangiting wika ni Lola. “Nakakapagod ang magkwento. Oh siya, baba na ako para magpahinga,” natatawang paalam ni Lola.
Nang umalis si Lola pumunta ako sa bintana at sumilip. Umuulan ngayon ngunit wala na talaga akong Eduardo na nakita sa labas. Napatingin ako sa pintong nilabasan ni Lola. Naalala ko nanaman ang kwento niya.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]
Fiction HistoriqueUna ko siyang nasilayan sa labas ng aming bintana. Sa akin lagi siyang nakatingala at sa ulan ay basang basa dahil tuwing tag-ulan lamang siya nagpapakita.