KABANATA XIV

36 6 0
                                    

Carla’s Point of View


“E ‘di matagalan pa si Lola ma-confine?” tanong ko kay Eduard.

Nakatingala ako ay Eduard dahil nagsusuot ako ng sapatos. Nakahalukipkip naman ito at nakayuko sa akin.

“I don’t know. Depende sa sasabihin ng Doctor,” sagot niya.

Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na. Sumunod naman sa akin si Eduard at siya na rin ang naglock ng bahay.

Dadalawin namin si Lola sa Hospital ngayon.

Pumara ng tricycle si Eduard. Pumasok naman ako sa loob pero si Eduard ay sa likod ng driver.

“Dito ka na, Eduard,” sabi ko. Tukoy sa aking tabi.

Hindi naman ito tumanggi at lumipat ng pwesto. Magkatabi na kami ngayon. Nagsimula ng umandar ang tricycle.

Mukha maling desisyon ang pinalipat ko siya dahil halos nakayuko na ito dahil sa katangkaran. Nagkikiskisan rin ang mga braso namin dahil sa sobrang dikit. Mukhang wala lang naman sa kaniya ‘yon. Ako lang talaga ang nagpapa-big deal.

Pagtapos ng kalahating oras ay binaba kami ng driver sa isang palapag na Hospital.

Pumasok na sa loob si Eduard kaya sinundan ko siya. Medyo marami kaming taong nakasalubong. Ang iba pasyente ay naka-wheelchair pa.

Pumasok si Eduard sa isang kwarto at doon ko nakita si Lola Selia. Mahimbing siyang natutulog, aakalain mong walang sakit na dinadala. May mga ilan din itong katabing kama na may matatandang pasyente kasama ang mga nag-aalaga.

Agad kong nilapitan si Lola. Sinuklay ko ang manipis na kulay puting buhok nito at hinalikan sa noo.

“Lola, pagaling ka na, miss na po kita,” nakanguso kong sabi.

Si Eduardo ay nasa likod ko lang at pinapanood kami.

“Ano ba raw nangyari?” tanong ko kay Eduard.

“Lola has irregular heartbeat,” maikling niyang sagot.

“May gano’n?”

“Yeah, I forgot what the Doctor called it.”

Nagpaalam ako kay Eduard na lalabas lang saglit para may tawagan. Din-ial ko ang number ni Mommy. Ilang beses pa iyon nag-ring bago nila sagutin.

“Hi, Mom.”

“Yes, Honey? Sorry hindi ka na namin natatawagan.”

“It’s okay, Mom. Napatawag lang ako para may sabihin.”

“Yes, Honey, ano ‘yun?”

“Nasa Hospital po ako-“

“What?! Anong nangyari sa ‘yo?!”

“Mom, patapusin niyo po muna ako.”

You’re scaring me, Carla, anong nangyayari?!” sigaw ni Mommy. "Bakit? What's happening?" rinig kong tanong ni Daddy.

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon