"Thank you sa paghatid!"
Pagpaparinig ni Vince nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. I jokinglingy rolled my eyes at him.
"Salamat sa paghatid, bug."
He mocked me again before gesturing his hand na lumayas na ako sa harapan nito. Hindi pa siya pumapasok sa loob ng sasakyan at nakatingin lang sa akin na naglalakad ng condo.
"Are you just gonna stand there??" I raised a brow at him. "Umuwi ka na," I gestured my hand and he just rolled his eyes before going inside his car.
Hinintay ko muna na umalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob. I felt so tired. May lagnat pa rin ako pero bumaba na iyon dahil sa pinainom na gamot ni Vince kanina.
Akala ko makakapagpahinga ako ng payapa sa condo ko pero paghinto ng elevator sa floor ko ay agad sumalubong sa akin si Achilles.
"Hi," Nakangiting bati nito. Medyo nagugulat pa na makita ako. "Where have you been?? May sakit ka, you should be resting."
I stopped myself from rolling my eyes. Sa sobrang pagpipigil ko na wag umiral ay parang mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"What are you doing here??" Kaswal kong tanong habang naglalakad papunta sa unit ko.
"I thought you were already home," Sagot nito at nang akmang susunod siya sa loob ay pinigilan ko siya gamit ang kamay ko. "Can I come in?? I was waiting for you."
"No. Thank you for your concern, you may now go." I gestured the hallway para sabihin na umalis na siya.
He sighed before looking away. "Nice jacket," He said before walking away.
Napakunot ang noo ko dahil sa tono ng pagsasalita nito. Was he being sarcastic or I'm just hallucinating stuff.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na kay Vince pala itong jacket! The bug forgot to take it back! Well, I forgot to give it back!
"Argh! Now I have a reason to meet the bug again," I sighed before getting my phone to text Vince about the jacket.
I told him na lalabhan ko muna iyon dahil baka mahawa pa siya ng lagnat ko kapag binalik ko na agad.
From: Bug
Kunin ko na lang sa Linggo d'yan
Nag reply na lang ako ng 'ok' dahil wala naman akong pupuntahan at hindi naman ako mawawala dito sa condo ko. Mas okay na 'yon kaysa naman ako ang magdala sa kanya.
Nagbihis ako ng pambahay na makakapal dahil ginaw na ginaw pa rin ako. Kinakailangan ko rin uminom ulit ng gamot para mas bumaba pa ang lagnat ko.
Nakalimutan ko pa nga na mag text kay Mika kaya ilang message na ang natanggap ko dito at mukhang nagalit pa nga.
samikayla: jgh. Nakauwi ka na, hon??
samikayla: ang gamot bow! Wag kalimutan upang lagnat ay mag low!
samikayla: hoy seryoso ba't di ka pa nagchachat?? 'Di ka pa ba nakakauwi??
Napasampal ako sa noo nang mabasa ang mga text nito. Kahit kailan parang nanay. Mabuti na nga lang at hindi alam nung tatlo na may sakit ako dahil baka napuno na ng gamot ang condo ko.
BINABASA MO ANG
Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)
RomanceIsla Filipinas Series #2 In a family of engineers, Vince was the best. He makes everyone in the family proud with his achievements and positive personality. Then, a girl named Natalie with a total different personality came by. He had a glimpse of h...