Chapter 32

297 10 1
                                    

"Seryoso?! Pruweba!!"


Mabilis kong hinila si Mika sa kwelyo at tinakpan ang bibig nito para tumahimik siya dahil tinitignan kami ng ibang tao dito sa restaurant. Pinanlakihan ko siya ng mata at ginaya lang naman ako nito at inginuso pa ang cellphone ko.


"Bilis! Habang wala pa yung dalawa," Pagmamadali nito sa akin kaya binatukan ko naman siya. "Ano ba! Ayaw mo no'n?? Less pang-aasar? Ipakita mo na! Ang tagal-- Akin na nga!"


"Pun-- Ano ba!"


Halos mag agawan pa kami sa cellphone ko pero nagwagi pa rin si Mika at nabuksan niya agad iyon. Nanlalaki ang mata nito na nag-scroll sa screen kaya umusog ako para silipin kung tama ang mga sinisilip niya.


Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa cellphone ko bago nag angat ng tingin sa akin. "Nasaan, 'te??" Hinarap niya sa akin yung screen at nagtaka ako nang makitang wala roon ang message ni Vince.


"What the-- Ang puta," I whispered. Inagaw ko ang phone ko at tinignan mabuti pero wala talaga.


"Maganda pa nga," Natatawang ani Mika. "Wala naman, eh! Nako! Ilusyon ka na rin????" Pinanlakihan ako nito ng mata at inambahan ng batok.


Inis kong siyang hinawi at tinignan ang convo namin ni Vince at talagang wala na nga yung message niya kanina na mayroong bub.


He didn't even answer my question! He just straight up deleted it! Nagmukha tuloy akong ilusyonada rito. Argh! Vincent!


Wala naman siyang bagong message kaya nilagay ko na lang sa bulsa ko ang cellphone para hindi na ako mainis pa. Also, I deleted my question para naman fair. Eksakto namang pagdating ng mga order namin ay ang pagbalik nina Kai.


"Oh, my gosh!"


Pare-parehas kaming nagulat sa biglaang sigaw ni Mika. Nakatingin siya sa cellphone niya at parang tuwang tuwa dahil sa nabasang balita o kung ano man iyon habang kaming tatlo naman ay iba't-ibang reaksyon na hindi maipinta dahil hindi naman namin alam ang tinitignan nito.


"Ano na naman, Mikayla??" Nakataas ang kilay na tanong ni Kai dito.


"You know naman na GGC was founded by my lola's lola and by her lola pa, right??" She excitedly exclaimed. Tumango lang kami. "Next week is the 100th anniversary at mayroong celebration!"


"Astig! Parang prom ba 'yan??" Tanong naman agad ni Tristan at tumango tango lang si Mika.


"GGC staff and employees,

I am pleased to announce the upcoming 100th anniversary of the García Group of Companies. To commemorate the 100th Anniversary of the founding of García Group of Companies, we will be hosting a special anniversary ceremony and all staff employees of all departments will be invited. Also, working hours for the selected date of ceremony will be closed. Invitations will be sent to your respective departments.

To more years of progress, GGC Alphas.

Sincerely,
Sarah García, CEO."


Magkakasabay namin na binasa ang email ng President kay Mika at sabay sabay na pumalakpak. For the past years na nagtatrabaho kami sa kumpanya na ito ay simpleng mga anniversary lang ang nagaganap pero ngayon na isang daang taon na itong nagsisilbi ay siguro tama nga lang na bigyan ito ng isang engrandeng selebrasyon.


"Another cheaty reason to buy new clothes!" Excited na ani Mika.


"Napaka gastos naman, Mikayla." Pang-aasar ni Tristan na agad nagtago sa likod ni Kai nang ambahan siya ni Mika ng suntok.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon