Chapter 34

296 7 0
                                    

Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at nagmadaling bumaba ng sasakyan pagkarating namin sa venue. I can hear Vince calling my name pero patuloy lang ako sa paglalakad.


"What the heck happened??"


Nakakunot ang noo akong sinalubong ni Ish sa may entrance. Napalingon siya sa likod ko at nang akmang lalapitan niya sana sila Vince ay agad ko siyang pinigilan.


"Tara na sa loob," I whispered before clinging on to my cousins arm.


"Bakit may ibang kasama?? Akala ko ba ikaw ang date niya?? Best friend ko yun, ah. Bakit hindi niya sinabi sa akin??" Sunod sunod nitong tanong at dahil sa inis ko ay naibaon ko ang kuko ko sa braso niya.


"Hindi ko alam. Kung alam ko sana pumunta na lang ako mag isa. Kung bakit ba hindi ako nag back out kanina." I murmured under gritted teeth.


Tumahimik na si Ish nang makita na wala talaga ako sa mood. Sino ba naman ang hindi mawawala sa mood?!


Gusto ko siya makausap. Gustong gusto at iyon ang dahilan kung bakit kahit may kasama siya kanina ay sa kanya pa rin ako nanatili dahil iniisip ko na kapag masasanay ako sa presensya niya ay baka mabawasan ang kaba kapag nag usap kami.


Pero ngayon parang nawalan na ako ng gana na kausapin siya. The feeling of nervousness, excitement and thrill that was built up suddenly faded and shattered like a piece of thin glass pane.


"Sino kasama mo?? Buti nagpaiwan sayo," I asked Ish. I need to talk to release all the pressure that is inside my body.


"Si Alex," Natatawang aniya. "Alam mo namang tagahanga mo 'yon kaya talagang papayag na magpaiwan sa akin just for your sake." Inirapan ako nito bago kami nagtungo sa designated table para sa major members ng east teams.


"Hindi ba ako pwedeng lumipat ng lamesa??" Inis kong tanong nang makarating kami doon dahil alam kong makakasama ko rin si Vincent sa iisang lamesa.


"Nandito lahat ng mga kaibigan mo, wala ka naman ka close maliban sa amin." Nang aasar ang tono nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Unless you want to sit on the table where your other ex is sitting??"


"I heard the news!" Bago pa ako maka-react sa sinabi ng pinsan ko ay biglang lumitaw si Mika sa harap ko kasama si Kai at Tristan.


"I have no idea," Kai shook her head when I looked at her.


"Kahit ako!" Depensa naman ni Tristan sa sarili niya.


Not that I want them to know and inform me. Of course I would want the information to come from Vince directly but it would be best of he said it beforehand!


"Too much for informing via text or call," I murmured when I saw Vince arriving at the table together with Engineer Nikki.


"Hep! Hep! Not right now, lover boy. The event is about to start, don't start a fight with my architect." Humarang si Mika nang akmang lalapit si Vince sa akin.


Wala na itong nagawa at umupo na lang sa silya na eksaktong kaharap lang kung nasaan ako pero malayo ito dahil round table ang lamesa. Nasa kaliwa ko si Ish na katabi si Architect Alex, sa kanan ko naman si Mika na katabi si Tristan na katabi naman si Kai. Sa tabi ni Kai si Nikki at si Vince na katabi pa ang dalawang major member ng east team.


When the elegant music stopped and the microphone popped, nagsiupo na ang lahat at tanging ang emcee na lang ang natirang nakatayo sa may stage. I looked around to admire how beautifully designed the place is. Mika was one of the organizers of the venue.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon