Chapter 13

236 10 0
                                    

[TW: Harassment, self harm, strong language]


"Hoy! Ano ba ginagawa mo??"


Nagulat ako nang makita si Kai at Mika sa condo ko. Nahiya ako bigla dahil sa sobrang kalat ng lugar. Pieces of papers and my architectural plates are scattered everywhere. I did not go to class today dahil kailangan kong gawin ang mga project na hindi ko naipapasa.


"Why are you not coming to class?? What's happening ba?? Can you at least tell us??" Kai snapped kaya napaiwas ako ng tingin.


"I'm sorry,"


Shit. I felt like hundreds of hammer is hitting my head dahil sa sakin nito. Napaluhod na lang ako dahil para akong mahihimatay sa nararamdaman ko. Agad naman lumapit ang dalawa ang I can't even hear them properly.


"Help..." I stopped talking when my voice broke.


Ayaw ko na nakikita nila akong ganito.


"Matulog ka na muna," Ani Mika at inalalayan nila ako papunta sa kwarto ko.


Mabilis akong nakatulog dulot na rin ng pagod. But sleeping didn't help because the hardest part comes when you wake up and remember the things you tried to forget the moment you close your eyes.


I was about to go out of the room para gawin ang mga project ko but I stopped when my phone rang. Napakunot ang noo ko nang makitang tumatawag si Nathan. I answered it pero walang sumasagot.


"Hello??"


My grip on the phone tightened when I heard loud noises from the other line.


"Please don't hurt Mom!" I heard Nathan's shout and that was the moment I figured that he needed help that was why he called me.


I quickly grabbed my car key and barged out the door. Mika tried to stop me kaya agad akong lumingon sa kanila. They looked so worried but I have no time to explain.


"Don't worry, papasok na ako bukas."


Nagmadali na akong bumaba at nang makarating ako sa sasakyan ko ay agad ko iyon pinaharurot papunta sa bahay. Nandoon pa lang ako sa parking lot ay naririnig ko na ang gulo sa loob.


"Money is making you insane! You fucking bastard!" I heard Nathan's voice. "You're no different from other officials! Mukha kayong pera!"


Tumakbo ako paakyat nang marinig ang sigaw ng kapatid ko. May mga sumunod sa akin na mga kasambahay. Dumiretso ako sa opisina ni Daddy at nanlaki ang mata ko nang makita na may hawak siya na golf club.


"Nathaniel!" Sabay naming sigaw ni Tita Erica.


Pumagitna ako kay Daddy at Nathan. Si Tita Erica naman ay nilapitan ang anak dahil natamaan ito sa tuhod.


"Ano na naman ito, Dad??" I tried my best not to shout dahil alam kong hindi iyon makakatulong.


Parang nawala ang galit sa mata niya nang makita ako. Parang biglang umamo ito kaya napairap ako.


"Nababaliw ka na ba??" I asked and tried to stop him from walking towards me.


"You need to marry Achilles," Para siyang nagmamakaawa sa akin.


"For what?? Ano ba idudulot sa akin ng kasal na iyan??" I asked with gritted teeth. Nanggigigil ako.


Hinilamos niya ang mukha gamit ang dalawang kamay. Bahagya akong napaatras nang itaas niya ang golf club dahil akala ko ay ihahampas niya iyon.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon