Chapter 31

297 11 3
                                    

"Nala?! What are you doing in there???"


Napakunot ang noo ko nang makita si Mika at Kai na naka abang sa labas ng cr. Mga mukhang nag aalala sila kaya mas lalong napakunot ang noo ko.


"Ganyan itsura niyo??" Tanong ko at nagkatinginan naman ang dalawa bago muling lumingon sa akin.


"Hindi ka nag emote??" Napapakamot sa ulo na tanong ni Mika.


"Gago?? Ano??" I asked confused.


Dahil ba umexit ako kanina matapos nung nangyari?? Yes, I was confused on what happened but I for sure did not get emotional or whatever.


"Akala namin may nangyari sayo," Ani Kai.


"Ano naman mangyayari sa'kin??" Tinaasan ko ng kilay ang dalawa. "May nangyari sa'kin, umihin ako kaya nabawasan kalat sa katawan ko."


"Parang tanga! Hindi ka naiyak??" Tanong ni Mika at agad naman siyang binatukan ni Kai. "Aray ha! Kanina ka pa nambabatok, pati sh Tristan binabatukan mo!" Reklamo nito at umiling na lang si Kai.


"Nag-cr lang talaga ako," Natatawang ani ko.


"Dapat kasi hindi ka agad umalis, baka iba ang isipin nung mga 'yon." Nakangusong ani Mika kaya nilakihan ko siya ng mata.


"Girl?! Walang schedule ang pag ihi ko!" Inis kong saad bago ko sila hinila pabalik sa lamesa.


Mukhang wala naman nakapansin sa pagkawala naming tatlo. Kumakain at nagkwekwentuhan lang ang iba nang makabalik kami.


Napatingin ako sa pinsan ko nang marinig ko ito na umubo. He looked at me at sinenyas niya gamit ang mata si Vince kaya tinaasan ko siya ng kilsy para tanungin kung ano ang sinasabi nito.


He faked a cough again and grabbed his phone and acted like he was typing something so I checked my phone and my eyes widened when I saw a few texts not from Ish but from Vince.


"What the..." I whispered.


I glanced at Vince and I saw that he was looking at me with a side eye while he was talking to Tristan and Ann. I faked a cough and hid my phone in my bag to eat.


After a few minutes of eating ay nakita ko na hawak ni Vince ang phone niya at parang nagtytype siya. Muntik pa akong mabilaukan sa kinakain ko nang marinig ko ang phone ko na tumunog.


"Sagutin mo na 'yan," Bulong ni Mika kaya siniko ko siya para umalis siya sa pagkakasilip sa phone ko.


From: Engineer Marquez

Saan ka nagpunta?


It was a load of that similar text. I assume that he sent this when I went to the restroom. Everyone was almost done eating at ako naman tapos na kaya tinignan ko na ang mga bagong message niya.


From: Engineer Marquez

Bakit kaunti ang kinain mo??


From: Engineer Marquez

Ayaw mo ba ng pagkain??


From: Engineer Marquez

Pwede ka pa naman umorder ng iba


I took a glance at him at nakita kong nakatingin nga siya sa akin kaya binalik ko na lang agad sa phone ko ang aking paningin. I decided to not answer his texts dahil tapos naman na ako kumain at magiging irrelevant na yung mga tanong niya.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon