Chapter 12

254 8 3
                                    

"Bro, ba't ang tagal nung barbeque-- Putsa naman!"


Mabilis akong lumayo kay Vince nang marinig si Tristan. Nahihiyang nag iwas ng tingin si Vince habang ako ay palihim na natatawa.


"Wag dito! Maraming magagalit na single!" Pang aasar pa ni Tristan kaya sinamaan ko siya ng tingin.


Nakita kong natawa si Vince. He wiped his lower lip using his thumb bago pinulot yung dalawang lusis na nahulog at tinapon iyon sa basurahan bago pumasok sa loob ng cottage.


"Barbeque ko?!" Nakangising tanong ni Tristan.


"Kumuha ka mag isa mo," Inis na asik ni Vince bago kumuha ng sa kanya.


"Kanina pa 'ko naghihintay tapos ako lang din pala kukuha!" Nakangusong ani Tristan kaya inirapan siya ni Vince.


Gusto kong matawa nang biglang mataranta si Vince nang maglakad ako palapit sa kanya. Lumipat ang tingin ko kay Tristan na nagpapalipat lipat ang tingin sa amin kaya binato ko siya ng mansanas.


"Oo na! Aalis na!" Inis nitong asik bago lumayas.


Pagkaharap ko kay Vince ay hindi ito makatingin ng diretso sa akin kaya natawa ako. Mahina niya akong binatukan dahil doon.


"Ang cute mo," I chuckled dahilan kaya mas lalong namula ang pisngi nito.


"Tsk. Mang aasar ka rin??" Asik nito nang hindi nakatingin sa akin.


"So..." I bit my lower lip to stifle a laugh. "Was that a confession??" I teased and walked went closer to him.


"W-Wag ka nga mang asar," He looked away kaya natawa ako. "Torpe ako."


"Torpe raw," I smirked before grabbing a bottle of beer. "But you were the one who initiated the kiss."


He mocked me bago kumuha ng sariling bote ng beer. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng mapang asar.


"Tara doon," I pointed at the bonfire kung nasaan ang iba naming kasama.


I left the bottle of beer on the table and grabbed my phone before I pulled Vince with me. Nang makarating kami doon ay agad kaming dinumog ng pang aasar.


"Stop it. Torpe pa naman 'yang si Vince," It was Nikki who talked.


Natawa na lang ako dahil doon. I sat down on the log beside Ate Lea at umupo naman sa kaliwa ko si Vince na may hawak na gitara. Napaiwas ako ng tingin nang magsimula siyang tumugtog. 


"I will sing," Mayabang na ani Ish.


Siniko ako ni Ate Lea dahil habang tumutugtog si Vince ay sumusulyap iyon sa akin. Palihim akong napapangiti dahil doon.


"Uso pa ba ang harana?" Pagkanta ni Ish na sinundan naman ng mga pang aasar ng iba. "Marahil ikaw ay nagtataka," Bigay na bigay ito sa pagkanta kaya nilabas ko ang phone ko para videohan siya.


I took a short video and sent it to the girls' group chat. Agad naman silang nagwala nang makita na nag message ako.


Hindi na ako nagreply pa sa kanila dahil nag focus na lang ako sa panonood kay Vince na tumugtog.


I never knew he could play the guitar. Siguro nga ay hindi pa kami ganon magkakilala.


We stayed up until 6am at sabay sabay din kaming bumalik sa mga hotel room. Nahuhuli akong maglakad at nasa tabi ko naman si Vince.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon