"Date— What date?!"
Napakunot ang noo ko nang matawa siya dahil sa reaksyon ko. Napindot pa mga niya ang busina dahil sa sobrang pagtawa.
"Joke lang!" Natatawang aniya. Tumigil siya at pilit ginawang seryoso ang itsura pero hindi nagtatagumpay. "Pero ano nga kung wala kang gagawin gusto mo mag arcade??" Tanong naman nito.
"Saan naman??" I asked because I was curious. Mahilig din naman ako mag arcade.
"Narinig ko na nirenovate yung timezone sa Market Market," Pinakita niya sa akin yung phone niya na may picture nung timezone.
Nanlaki ang mata ko nang makita na mas lalo iyon lumaki at gumanda! Parang huling punta ko dati doon ay maliit lang at hindi pa ganoon karami ang mga laro.
"Ano?? Tara??" Tanong nito at agad naman aking tumango.
"Sandali papalit lang akong damit," Ani ko pero agad niya akong pinigilan.
"Ayos na 'yan! 'Di mo naman kailangan magpaganda," He joked pero inirapan ko lang siya.
"Papalit na lang akong sapatos." Saad ko bago patakbong bumalik sa condo ko.
Hindi na ako nagpalit ng damit. It's not like we're going to a luxury place para mag ayos pa ako. Nagpalit na lang ako ng white low cut vans.
Kinuha ko rin ang cellphone at wallet ko bago ako tumakbo pababa ulit. Nakalabas na si Vince ng sasakyan. Nadatnan ko siya na nakasandal sa pintuan ng kotse niya.
He was wearing a pair of black walking shorts and a maroon v neck shirt. Naka low cut vans naman siya sa paa.
"Ang tagal," Reklamo nito kaya agad ko siyang binatukan.
"Hindi nga ako nagtagal ng limang minuto," Reklamo ko naman bago sumakay sa passenger's seat.
Nakita ko pa siya na natawa at napailing bago pumasok sa loob ng sasakyan. Inirapan niya ako bago siya nagsimulang magmaneho.
"Bluetooth ba 'to??" Tanong ko at tinuro yung maliit na screen sa may harapan ng kotse niya.
"Bakit?? Makiki connect ka??" Nakangising tanong nito. Agad naman akong tumango. "May bayad."
"Ang damot uy! Parang makiki connect lang," I pouted at him but he just mocked my face. "Ano ba bayad?? Bili na para makapagplay ako ng music."
Ngumisi ito at hindi sumagot. Nang huminto ang sasakyan sa may stoplight ay lumingon siya sa akin habang nakangisi pa rin. Habang ako naman ay parang bata na nag aabang ng sasabihin niya.
"Simple lang naman ang bayad," Aniya at nakatitig lang ako habang naghihintay na sabihin niya. "Kiss lang—"
Mahina ko siyang sinampal sa pisngi.
"Asa ka!" Sigaw ko kaya natawa siya at nagmaneho na ulit. "Bahala ka mga d'yan dito na lang ako magpapatugtog."
Nagsimula na akong magpatugtog ng music mula sa phone ko nang bigla na lang niyang agawin iyon. Magrereklamo na sana ako pero palihim akong napangiti nang i-connect niya iyon sa bluetooth ng kotse niya.
"Ayan na po, lioness." Aniya kaya natawa ako. "Mukhang kakatayin mo na ako sa tingin mo kanina, eh." Napapailing na aniya.
Natawa ako at nagsimula na ulit magpatugtog. I played some kpop songs at palihim akong natatawa nang naririnig ko na nakikisabay si Vince sa kanta.
BINABASA MO ANG
Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)
RomanceIsla Filipinas Series #2 In a family of engineers, Vince was the best. He makes everyone in the family proud with his achievements and positive personality. Then, a girl named Natalie with a total different personality came by. He had a glimpse of h...