Chapter 11

274 9 7
                                    

"Mukhang namana ang pagiging moody mo,"


I rolled my eyes at my cousin nang mang asar ito. Hinayaan ko na lang si Nathan dahil mukhang naaliw naman siya na makipaglaro kina Vince.


After namin ayusin yung lamesa ay nagyaya si Ate Lea na mag swimming na kaya tinanggal ko na ang cover up ko at sumunod na sa kanila sa tubig.


"Ang lamig naman pota!" Sigaw ni Tristan nang tumapak siya sa tubig kaya malakas ko siyang tinulak para matumba siya. "Anak ng! Natalie!" Inis nitong sigaw at hahabulin sana ako pero tinawag siya ni Vince. "Isusumbong kita kay Kai!"


"Wala namang pake sayo 'yun!" Pambabara ko kaya nag akto siyang nasasaktan bago ako binato ng tsinelas na binato ko rin sa kanya, sapul sa ulo.


Susugurin sana ako nito pero natigilan, natawa pa ako kasi hinihila siya ni Vince sa tenga. Humarap na ulit ako sa tubig at bago pa man ako tumapak doon ay biglang umihip ang malakas na hangin kaya bigla akong nilamig.


Mataas pa naman ng kaunti ang araw bakit ang lamig lamig na!


"Natalie Lash! Hanuna?!" Tawag sa akin ni Ate Lea na lumalangoy langoy na palayo.


"Sandali!" Sigaw ko naman at tumapak na sa tubig.


I hissed when I felt the cold water touching my feet. Naalala ko bigla na nilalagnat ako noong mga nakaraang araw pero nawala naman na bago kami lumipad dito. Sana wag na lang bumalik kapag nag swimming ako ngayon dito.


"Hoy! Ano ba!"


Nagulat ako nang may biglang bumuhat sa akin. Nang makita ko na si Vince iyon ay pinaghahampas ko ito pero patuloy lang siyang naglalakad hanggang mapunta na ang tubig sa may bewang niya.


Nanginginig ako ng kaunti dahil sa lamig ng hangin at bahagyang tumatama ang tubig sa likod ko dahil karga karga pa rin ako ni Vince.


"Ibaba mo ako!" Banta ko dito pero tinawanan lang niya ako. "Lulunurin talaga kita!" Inis kong asik at pilit bumababa kaya bigla akong binitawan nito.


Hindi pa naman malalim ang tubig pero dahil buhat niya ako ng pa bridal style kanina ay ibinagsak niya ako nang nakahiga sa tubig kaya lumubog ako.


Tatawa tawa siyang nakaturo sa akin dahil nabasa na ang buo kong katawan. Pati ang buhok ko na hindi ko pa sana babasain! Nabasa na dahil bigla akong binagsak nitong bubuyog sa tubig!


"Oh, baka malunod ka na??" Pang aasar nito at nagpipigil ng tawa.


"Marunong akong lumangoy!" Inis kong asik bago ko siya hinila papunta sa malalim na ikinagulat nito.


"Gago baka malunod ako!" Sigaw nito nang makarating kami sa tubig na hanggang leeg na niya.


Lampas ilong ko na ang tubig kaya pinapadyak ko na lang ang paa ko para lumutang ako. Tumalon ako at humawak sa balikat ni Vince at bigla ko na lang siyang nilublob sa tubig kaya natataranta siyang umangat.


"Wala pala magagawa ang tangkad mo, eh!" Pang aasar ko nang maka angat uli siya.


Inirapan niya ako bago niya sinuklay ang buhok palikod gamit ang mga daliri kaya kunwari akong namangha.


"Crush mo na naman ako??" Nakangising tanong nito.


"Ikaw?? Asa ka!" Tumawa ulit ako pero agad napatigil nang sumisid siya sa ilalim ko at basta nalang ako binuhat sa may balikat niya. "Pota ka! Kapag ako nahulog dito!"


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon