Chapter 03

368 9 2
                                    

"Umayos ka nga! Hindi bagay sayo!"


Tumawa ito habang nakaturo sa mukha ko na nakasimangot. Agad naman nagbago ang ekspresyon ko at napalitan iyon ng inis dito sa lalaking kaharap ko ngayon.


"Ayan! Lioness dapat," Gumawa ulit ito kaya binato ko siya ng crumpled tissue.


"Abnoy ka?!" Inis kong sigaw dito. "Wag mo kakalimutan na lulunurin pa kita," Banta ko kaya tumigil suya sa pagtawa at tumikhim.


"Kakaiba talaga mood swing ng mga babae," Bulong nito pero narinig ko naman. "Joke lang! Lioness naman, 'di mabiro." Agad niyang bawi nang akmang hahampasin ko siya.


Inirapan ko pa siya bago ko kinuha ang cellphone ko at nag kalikot na lang doon.


"Sino ka text mo, huh??" Tanong naman nito na dumungaw pa kunwari para silipin. "Ay! Tinatago. May jowa ka pala, eh." Ngumisi ito, nang aasar.


"Kung may jowa ako hindi sana ako lumalabas kasama ng kung sino sino," I glared at him na mukhang aliw na aliw lang panoorin akong mainis.


"So going out ang tawag mo dito??" He smirked and raised his brows up and down.


Sasagot pa sana ako at tututol pero dumating na ang pagkain. Naghintay ako na ilatag lahat iyon bago ako muling humarap kay Vince na nakangisi pa rin.


"Totoo naman, ah!" Dipensa ko. "Lumabas ako ng bahay para makapunta dito, it's called going out."


"Going out... Parang date??" Nakangisi pa rin na tanong niya.


"Anong..." I pursed my lips when he laughed out loud at my reaction. "Kung pwede lang kita lunurin ngayon ginawa ko na." Giit ko at dinuro ko siya ng tinidor bago ako nagsimulang kumain.


"Wag ka excited, bub." He chuckled. "Malapit naman na new year,"


Hindi na ako sumagot at umirap na lang ako sa kanya. Hindi na ako nagsalita habang kumakain kahit tanong ng tanong itong si Vince ng kung ano ano.


"Hala parang tanga," Bulong nito kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Nawalan ka ba bigla ng boses?? Parang tanong lang, ih." Ngumuso ito.


"Bakit mo ba kailangan malaman ang buong pangalan ko, ang birthday ko, ang college program ko, ang grades ko at kung ano ano pa??" I raised a brow at him and he just shrugged his shoulders.


"Getting to know??" He raised both of his shoulders. "Ano?? Hanggang ka duo na lang ba kita?? Bawal friends??"


"At sino may sabi na ka duo mo ako??" Pagbabalik ko ng tanong. "Parang ilang beses lang tayo naglalaro--"


"Wow ha! Halos araw araw kaya tayo naglalaro," Dipensa nito. "Susumbong kita kay Ish! Masama ka," Ngumuso ito kaya napailing ako.

Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon