Chapter 02

460 10 4
                                    

"No. No shaking of hands,"


Tumayo ako at maglalakad na sana pabalik sa sasakyan ko pero nararamdaman ko ang tingin nitong si Vince.


"Wala man lang pakilala??" Ngumuso ito at umupo doon sa bench na kanina kong inuupuan.


Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya na parang walang pakialam. Mas lalo itong ngumuso at dahil sa inis ko sa itsura niya ay binato ko sa kanya yung isang cake.


"Thank you dito, insan!" Nakangiting aniya kaya kumunot ang noo ko.


"Hindi kita pinsan!" Inis kong sigaw at muling inagaw ang cake. "Aalis na ako. Wag kang susunod!"


"Luh! Wag kang feeling, insan." Tumatawang aniya kaya mas lalong uminit ang ulo ko.


Padabog ko itong tinalikuran at padabog akong naglakad pabalik sa sasakyan ko. Nang makarating ako sa tapat ng sasakyan ko ay inis akong lumingon sa likod ko at parang napahiya sa sarili nang hindi ko makita doon si Vince.


I just sat inside my car for a while. Kinain ko na ang mga cake ko at nang maubos ay bumalik na ako sa condo.


"Takte," Inis kong asik. "Wala ngang pasok may pinadala naman!" Reklamo ko nang makita ang naka send na activities sa portal namin.


I decided to stay in my condo for the rest of the day and just finish my school work para wala na akong kailangan gawin bukas in case na suspended ulit.


I was right. The next day classes are still suspended and I have nothing to do because all of my friends have something to do.


"Buhay mag isa," I sighed.


Pipikit na sana ako nang biglang umilaw ang phone ko at nakita ko ang notification na may nag text.


From: Unknown

D2 na po ang order niyo na masarap na mc spaghetti maam :)


Napaupo ako sa kama ko nang mabasa iyon. Kakakain ko lang ng tanghalian at hindi naman ako umorder ng pagkain.


Nakakunot ang noo ko na naglakad papunta sa pinto ng unit ko at nang silipin ko ang labas mula sa peephole ay wala namang tao roon.


To: Unknown

I didn't order mcdo.


I made sure that my door was locked before I went back to my bedroom. Nakakunot lang ang noo ko at muntik ko pa maibato ang phone ko nang mag text ulit iyon.


From: Unknown

Masarap na Vince lang??


"Bullshit!" I hissed when I read the text. "The heck! Ano ba kailangan nitong taong 'to?!" Inis kong tanong sa kawalan bago nag type ng reply.


To: Unknown

Who exactly is this?! And how did you get my number?? Kilala mo ba ako?!


Nakailang irap na ako sa kawalan. I sat at the edge of my bed while waiting for a reply. Bakit ba ako naghihintay ng sagot?!


"Eh, kung i-block ko na lang kaya-- Pota!" Nabitawan ko bigla ang phone ko nang may tumawag doon.


I thought it was the unknown number but it was my cousin.


"Laro! Bye!" Hindi pa ako nakakapagsalita nang patayan agad ako ni Ish ng tawag.


Bastos din, eh!


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon