Chapter 29

271 10 3
                                    

"Tara na, Lash."


Biglang sumulpot si Ish kaya napaiwas agad ako ng tingin kay Vince. Lumapit sa akin si Ish at kinuha ang mga gamit ko bago tinapik si Vince sa balikat.


Sumunod na lang ako sa pinsan ko nang hindi nagpapaalam kay Vince. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi ko kanina! Basta na lang sila lumabas.


Hindi ka nag-iisip, Natalie!


"Dadaan ka sa dealer??" Tanong ni Ish nang makasakay kami sa kotse niya.


"Hindi na muna," I sighed. "Masyadong maraming ganap. Sa susunod na," Dagdag ko at saka ko sinuot ang seatbelt ko.


"Marami ngang ganap," Ani Ish at nang lumingon ako dito ay nakangisi siya at tumatango tango pa.


Inirapan ko na lang ito. "Daan tayo sa dry cleaning," Sabi ko nang maalala ang coat ni Vince.


"Why??" Kunot noong tanong naman nito.


"Baka kasi may ipapadry clean ako??" I raised a brow at him bago umirap dahil nag make face lang ito.


Habang nasa biyahe kami papunta sa malapit na dry cleaning sa condo ko ay nakatanggap ako ng sangkatutak na email mula sa trabaho.


Mostly ay galing kay Mika. She was forwarding every report to me dahil kaming dalawa ang architect noong site na nagkaroon ng problema ngayon. Napailing na lang ako dahil doon.


"Who in the right mind would do that??" I asked my cousin.


"No clue," He shrugged. "Vince just received a call from one of the workers at ayun na," He sighed before stopping the car.


"That's a year of labor wasted." I sighed before I grabbed the coat and went out of the car.


Hindi na sumunod si Ish at nanatili na lang siya doon sa loob ng kotse. Agad kong inabot ang coat sa isang staff pagod na para ako pa ang maglagay noon sa machine.


I sat down in front of the washing machines with my phone. I almost dropped my phone dahil nataranta ako nang may tumawag. Si Ate Lea lang pala.


"Ate," I answered the call.


"How are you, Lash??" She sounds tired.


"I'm fine," I said. "How is it going with the legal actions??" I asked when she didn't say anything.


"Don't worry about it anymore, I'll take care of it." She assured me. "I need to know how are you, we lack communication these days. Magmula noong lumipat kayo ng building."


I feel bad for Ate Lea. Dahil kahit legal age na ako, I'm a grown woman already pero binabantayan niya pa rin ako. I was left with nothing years ago but Ate Mika proved that wrong.


"I'm really fine," I answered genuinely. "Sa trabaho na lang ako napapagod, hindi na sa buhay." I chuckled when I said that.


"When is your free time?? I want to see both you and Ish," She sounded like a mother.


"After siguro ng groundbreaking sa saturday," I quickly checked the calendar inside the laundry shop. "Aren't you busy?? Maayos naman kami, eh."


"Just want to make sure. Anyway, take care. I have to go na, love you caz!" She shouted mula sa kabilang linya bago ibinaba ang telepono.


I waited for a few more minutes before I got to take the coat out. Nang makabalik ako sa sasakyan ay naabutan ko si Ish na nagoorder sa shopee. I tried to glance at it pero agad niyang tinago.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon