Chapter 09

240 9 0
                                    

[TW: self harm, strong language, abuse]


"Are you even listening??"


I blinked twice when Nathan called me. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tulala.


Nagpunta siya dito sa condo ko dahil pinapasundo raw ako ni Tita para sabay sabay kaming pupunta sa bahay ng mga Lopez.


Mas okay na rin iyon kaysa naman na si Achilles ang sumundo sa akin.


"Kanina ka pa tulala sa salamin, wala ka pa nasisimulan sa ayos mo." Inis na asik ni Nathan at pumitik pa siya ng daliri. "We're gonna be late, alam mo naman na ayaw ni Dad na nalalate tayo."


"Wala akong pake," I sarcastically said bago ako nagsimula mag makeup.


Nakasuot na sa akin iyong red dress na binili namin nung nakaraan. I wore a pair of gold platform heels naman na katerno ng gold purse ko.


Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala. Hays. Kagabi pa naman talaga ako tulala.


Para saan ba kasi yung pahalik sa noo?!


Friendly kiss lang. Friendly kiss lang.


Kagabi ko pa paulit ulit na sinasabi sa akin ang bagay na iyon. Pero hindi pa rin ako napapakali!


"Aray! Bakit ka nanghahampas!" Inis na sigaw ni Nathan dahil nahampas ko pala siya.


"Bakit ka ba kasi nakikisalamin?!" Inis ko rin na tanong. "May nalalaman ka pa na pa wax ng buhok, babagsak din 'yan!"


I pushed him aside para makapag ayos na ako. He just mocked my face at nagpatuloy pa rin sa pakikipag agawan ng salamin sa vanity table ko.


Nang matapos ako mag ayos ay nagmadali na kami bumaba. Sinabi ko rin sa kapatid ko na dapat ay susunduin ako ni Achilles kaya minadali ako nito.


"Bilisan mo para 'di ka maabutan ni dracula," Natatawang asik bago naunang sumakay sa kotse niya.


Hindi na ako nagdala ng sasakyan dahil kotse rin naman ni Dad ang gagamitin papunta sa kung saan man kami pupunta.


It took us an hour bago makarating sa mansyon at nakahanda na ang sasakyan na gagamitin namin.


"What took you so long??" Inis na tanong ni Daddy.


"Fixing that winged eyeliner is no joke," Si Nathan ang sumagot na tinuro pa ako kaya binatukan ko ito. "Not the hair dude,"


"Tara na," Pagyayaya ko at agad naman aking pinagbuksan ng pinto nung driver ni Daddy.


"Excited to meet your future in laws??" Nakangising ani Nathan.


"More like nagmamadali pumunta para maaga makaalis," I rolled my eyes and sat down at the very back corner of the limo.


Sunod na pumasok si Nathan na gusto pa ata sumiksik sa pwesto ko kaya sinipa ko siya para akin lang ang lugar na iyon.


He glared at me pero dumila lang ako at agad naman siya umayos ng upo nang pumasok na si Daddy at Tita Erica.


"Let's go," Ani Daddy at isinara na yung pinto bago sumakay sa driver's seat yung driver niya.


"Psh." Narinig kong singhal ni Nathan. "I always hated riding in this one," Maarteng aniya.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon