Chapter 01

731 9 1
                                    

"Natalie Lash, you are late."


Padabog kong binaba ang bag ko sa sofa bago ako humarap kay Daddy at binigyan siya ng isa sa pinaka peke kong ngiti.


"Oh, I thought you told me to go here." Nagkunwari akong nag iisip. "Wala naman kayong sinabing oras kaya heto at hating gabi na ako nagpunta." Ngumiti ulit ako.


Mas lalo akong napangisi nang hilutin nito ang sentido na parang iritang irita na sa ugali ko. Lalampasan ko na sana ito at pupunta ng kusina pero napatigil nang marinig siyang magsalita.


"When are you going to tell me about your trip to Palawan??" Diretsong tanong nito.


"Uh, never??" Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kusina.


Napairap ako sa kawalan at sa isip ko ay ilang senaryo na ang naganap kung paano niya nalaman na may gala ako. Ano pa nga ba?? Bantay sarado.


"Good evening, Natalie."


Muntik ko pa mabitawan ang cake na kinuha ko mula sa ref nang may biglang nagsalita.


"Good eve," Maikli kong sagot dito at basta na lang naglakad papunta sa lamesa.


I was about to get a slice of cake when I heard Dad's voice again. Talagang hindi ako pakakainin ng payapa!


"Gumastos ka na naman ng pera??" May awtoridad sa tono nito pero hindi ako natinag. "Magkano ang nagastos mo?? Plane tickets and the hotel?!" Napapikit ako nang magtaas ito ng boses.


"Jonathan, gabi na." Hinawakan siya ni Tita Erica sa braso para pakalmahin.


Huminga ako ng malalim bago ibinaba ang hawak ko na kutsilyo. Nakakatangang isipin na nagawa akong sigawan nitong tatay ko kahit alam niyang may hawak akong patalim.


Mabuti na lang at nasa tamang pag iisip pa ako dahilan para hindi ko sa kanya isaksak iyon. May respeto pa rin naman. Kaunti na nga lang.


"Do you know how hard it is to earn money and you just spend it like that?!" Galit na naman na sigaw nito. "Mabuti sana kung pera mo--"


"Pera ko ito!" Ibinagsak ko ang kamay ko sa mesa na gumawa ng malakas na tunog. I stood up and looked at my Dad in the eyes. "Pera ko ito mula sa mga negosyo na iniwan sa akin ni Mommy. Naiintindihan mo ba?? Wala akong ginastos sa pinakamamahal mong pera--" Napatigil ako nang umalingawngaw sa tainga ko ang malakas na sampal nito.


"Jonathan!" Sigaw ni Tita Erica at mabilis na lumapit sa akin. "Are you okay??" Nag aalalang tanong nito pero sarkatikong natawa lang ako.


"I never been better," Nakangisi kong tugon at mabilis na umalis. "For the record... Bibili na lang ako ng sarili kong cake!"


I quickly went inside of my car at nag madali naman yung mga kasambahay na buksan ang gate para makaalis ako. I threw all my rage in driving my car. It took me an hour and a half to reach my condo.


Padabog kong nilapag ang mga gamit sa kama ko at padabog na kumuha ng tuwalya mula sa cabinet. Padabog akong nag shower at pati sa pag toothbrush ay padabog din. Nang matapos ako ay napatitig ako sa sariling repleksyon sa salamin.


"I forgot to buy me a cake,"


Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Matapos ko patuyuin ang buhok ko ay tumalon na ako sa kama at nahiga. Wala na ako sa mood para ayusin ang mga gamit ko doon at basta na lang dumapa.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon