Chapter 22

259 9 2
                                    

[TW: Death]


"What do you want to do on your birthday??"


Napataas ang tingin ko kay Mommy Erica dahil sa tanong nito. My birthday is just around the corner.


"Simple celebration lang," Ngumiti ako.


I never had a grand celebration. Wala rin naman kasi ako masyadong maiinvite maliban sa mga kaibigan ko at mga pinsan ko.


"You have a business meeting on that day, right??" Tanong ko kay Mom.


We are currently in the kitchen cooking. Nagpapaturo ako ng mga technics sa pagluluto para naman hindi puro fried rice at scrambled eggs tapos frozen foods ang kakainin namin ni Vince sa bahay.


"Umaga lang naman yung meeting," Aniya na sumandok sa sabaw ng afritada na luto ko. "Makakabalik din ako agad. Masarap, ah!" Nakangiting aniya kaya inagaw ko yung sandok para tikman din.


"Luto ko ba 'to??" Namamangha kong tanong kaya natawa si Mommy.


Sabay kaming napatalon nang biglang paghamapasin ni Nathan ang dalawang kawali na nagdulot ng malakas na tunog. Agad naman itong nagtago sa likod ng pinto nang lingunin ko.


"Punyeta ka!" Inis kong sigaw dito at binato ko siya ng patatas na hilaw.


"Aray! Makikitikim lang, eh!" Hinarap niya yung takip ng kawali nang hampas hampasin ko siya.


"Ayusin mo yung review," Pinanlakihan ko siya ng mata nang tumikim siya sa luto ko.


"Wow! Lasang pagkain— Joke lang!" Inis nitong sigaw nang hampasin ko ulit siya. "Pwede na mag asawa ang Ate ko." Umirap siya. "Pwede mo na iwan, Mom. Nakakapagluto na siya ng masarap na food," Natatawang aniya at biglang naglabas ng bowl mula sa likod at sumandok ng ulam.


"Talaga ba?? Ikaw pa naunang kumain kaysa sa amin??" Tinaasan ko siya ng kilay pero dumila lang ito at dinala na yung pagkain sa hapag.


Tinulungan ko si Mommy na ayusin yung mga ginamit namin sa pagluluto. Nagpatulong din siya na maghain ng pagkain para sa amin.


I cooked three meals for our lunch at laking pasalamat ko dahil naging edible naman ang lahat. Sabay kaming tatlo na kumain. It was a sight to remember, us three just laughing and having fun while eating together.


I was so excited to show Mom the papers that I requested from Ate Lea. After she signs the papers she will now become my official Mom.

I'm going to have two Moms! I'm excited!


After we ate lunch ay nagpaalam na ako dahil ngayon ko kukunin yung mga papeles kay Ate Lea sa office niya.


"When do you plan to ask her to sign it??" Ate Lea asked when she handed me the papers.


"Well, it would be a good gift for me if she would sign it on my birthday." Nakangiting saad ko.


Ngumiti si Ate Lea at niyakap ako. She was also like a mother figure to me. She did not just stood as my cousin, she was also like my older sister that would take care of me whenever I needed someone.


"I'm so proud of your growth, Lash." She whispered.


"He helped me," I was pertaining to Vince.


"You really love each other," Aniya at tumango tango ako. "Right! Don't you have work today?? You should go na, I have work pa. See you on your day," She winked at me bago ako ako umalis.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon