Chapter 26

277 11 9
                                    

"Samahan mo ako sa parking lot!"


I called Kai the next day dahil ayaw kong maging mag isa na kikitain si Vince sa parking lot. Mika was unavailable since she had to visit a site.


"Seriously?? You better have a good reason on why you'd want me to get up so early in the morning." She groaned. Her voice sounded like she just woke up.


"Oo! Bili na, hon!" Pamimilit ko pa rito. "Aabangan kita mamaya, ah! Bye!" I ended the call and quickly ran to the bathroom.


Walang sinabing oras si Vince but I assume na maaga iyon dahil maaga naman siya lagi pumapasok.


After I took a bath ay nagbihis na ako ng damit pampasok. I wore a pair of black sailor pants and a red turtle neck top. I was debating with myself if I should wear heels or sneakers. I ended up wearing wedged sandals.


I didn't bother putting any makeup on dahil hindi naman talaga ako madalas mag make up, tamang powder lang for work. I did tie my hair up in a high ponytail.


When I was about to get out of my condo ay nakatanggap pa ako ng email from Vince. I squealed in frustration when I read what he said.


From: vincemarquez@gmail.com

Nandito ako kung saan kita hinatid kagabi. Baka gusto mo na kuhanin ang ID mo.


I did not reply to him anymore and ran so fast to the elevator. Nang makababa ako ay tumakbo na ako palabas ng building at nang matanaw ko ang sasakyan niya from afar ay nilapitan ko na agad iyon.


I was messaging Kaileigh na hindi na niya ako kailangan hintayin sa parking while making my way to Vincent's car.


kaileighquez: Damn you, Natalie Lash:)


I shook my head when I read her reply. She's really the type to still smile at you even though she's annoyed or mad.


"Hey." Bati ko kay Vince nang ibaba niya ang bintana para iabot ang ID ko. "Sorry sa abala, I have to... go," I almost stuttered when our hands came in contact.


Nilagay ko muna yung ID ko sa bag before I started to walk para humanap ng masasakyan. Napakunot ang noo ko nang mapansin na sinasabayan ako ng kotse ni Vince kaya huminto ako para tumingin sa kanya.


"Wala kang sasakyan??" He asked with furrowed brows. Tumango lang ako at maglalakad na sana ako nang magsalita ulit siya. "Sabay ka na,"


"Hindi na," I rejected him so quick. "May taxi naman—"


"Nasaan?? Bakit hindi ko makita??" He sarcastically asked while keeping his eyes on me. "Pareho naman tayo ng pupuntahan. Sumabay ka na, less gastos." Nakangiting aniya.


Bakit parang ang plastik ng ngiti niya?!


Magrereklamo pa sana ako pero bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa loob. Sinuot ko agad ang seatbelt ko at hindi ko na siya pinansin nang makasakay na ulit siya.


"Good morning pala," Bati nito nang hindi ako tinatapunan ng tingin. He was focused on driving.


"Morning," Sagot ko naman.


Well this is awkward.


Akala ko ay magsasalita pa siya after that but he didn't. He was just focused on driving, sa sobrang focus niya ay sobra rin ang pagkakunot ng noo niya. While I was here just staring at the window beside me.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon