"Iyong ilaw nakalimutan mo,"
Tinuro ko ang ilaw sa opisina ni Mika dahil naiwan niya itong bukas. Mukhang maraming iniisip dahil tulala lang siyang naglalakad palabas ng opisina. Bumalik siya sa loob para patayin ang ilaw habang ako ay tahimik na nag aabang sa kanya.
"Hey, I'm sorry I have to cancel our shopping tonight," Malungkot na ani Mika.
"It's fine! Actually it would be better if we do it tomorrow, eksakto weekend." I exclaimed, today is Friday and the anniversary of the company is near. "Since Kai is also busy tonight, we can go tomorrow." I tapped her shoulders and she just nodded.
We were the last ones left in our department. The both of us are silent as we walked towards the elevator. My friend seemed to have a lot of things roaming her mind that's why I remained quiet until we reached the ground floor.
"Susunduin ako ni Dad," Ani Mika at huminto sa bench sa labas lang ng main entrance ng building namin.
Not a minute passed by at may dalawang sasakyan na huminto sa harapan namin. Agad na umikot si Mika sa passenger's seat para sumakay sa kotse ng Daddy niya at nagmano naman ako kay Tito nang buksan nito ang bintana.
"Gabi na, hija. Wala pa ba ang susundo sa iyo??" Tanong ni Tito at agad naman akong umiling.
"Nand'yan na po," Nakangiti kong ani at bahagyang sumulyap sa kasunod nitong kotse. "Ingat po kayo," Paalam ko at kinindatan pa ako ni Mika bago sila umalis.
Nang makaalis na ang sasakyan nila Mika ay huminto naman sa harap ko ang kasunod nitong sasakyan at agad na bumukas ang driver's seat at iniluwa si Vince.
"Ginabi ka sa trabaho, ah." Ani Vince at pinagbuksan ako ng pinto. "Natanggap ko ang text ni Ish, nasabihan ka ba??" Tanong naman nito nang makapasok na ako.
"Oo, pasenya na sa abala." Nahihiya kong ani.
My cousin was supposed to pick me up dahil coding ang sasakyan ko at mahirap kumuha ng masasakyan sa lugar ng headquarters namin. Pero sa kasamaang palad ay may emergency siya na kailangan puntahan at si Vince lang daw ang nasabihan niya agad dahil naka leave daw ngayong araw si Tristan.
Tumango lang si Vince bago sinara ang pinto at umikot para sumakay sa driver's seat. It was not really the first time of the week that I would ride with him, dahil sa isang araw na hindi ko dinala ang sasakyan ko ay may biglaang pagpunta kami sa site at dahil kami ang mga major officers ay kailangan kami doon.
At least I could say that it became less awkward now that this is not my first time riding his car. But again, I came out of work late because I have to finish some work and I also waited for my best friend to finish.
I glanced at Vince and I noticed that he changed his clothes from earlier, iba ang suot niya kaninang office hours pa dahil magkasabay kaming naglunch kasama ang east team. Mukhang umuwi muna siya.
"Kamusta ang trabaho??"
Nagulat ako sa tanong nito kaya hindi agad ako nakasagot. He asked it so casually, na parang sanay na siyang itanong iyon, na para bang isang asawa na galing trabaho ang tinanong niya. Tsk! Ilusyon ka, Nala.
"Ayos lang, maraming trabaho pero sanay na." I laughed a bit when I remembered how I panicked earlier with Mika dahil naubusan ng ink ang printer sa floor namin. "Ikaw?? Kamusta ang trabaho??" I asked.
He looked a little caught off guard with my question pero nagawa pa rin niya itong sagutin ng kaswal.
"Maayos lang din, hindi naman ganoon karaming gagawin pero dahil may site na kailangan bantayan ay nadaragdagan ang trabaho," Napapailing na aniya. "Pero masaya, especially because this is my dream job." He added as his eyes shimmer with the reflections of the street lights and cars outside.
BINABASA MO ANG
Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)
RomanceIsla Filipinas Series #2 In a family of engineers, Vince was the best. He makes everyone in the family proud with his achievements and positive personality. Then, a girl named Natalie with a total different personality came by. He had a glimpse of h...