Chapter 07

237 6 4
                                    

"See you in my dream, bug."


I chuckled before waving my hands at him. Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.


"Baka maging nightmare iyon," Umiirap na aniya. 


"Oo kasi lulunurin kita," Natatawang biro ko pa.


"Alis na ako, lioness." Ngumiti siya ng bahagya bago nagmaneho paalis.


Hinintay ko na mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob ng condo. Ngunit agad akong napatigil nang mapansin na suot ko pa rin ang hoodie niya!


"Argh! Maglalaba na naman ako," Inis kong asik bago naglakad papasok sa elevator.


Pagkarating ko sa condo ay agad akong naghilamos at nagbihis na ng pantulog. Nagtungo ako sa kusina para sana magluto ng kakainin ko pero may nag ring ng doorbell kaya tinignan ko kung iyon.


"Grab food delivery po," Isang delivery boy ang bumungad nang buksan ko ang pintuan. "For Miss Natalie Reyes??" Tanong nito at nakakunot ang noo ko na tumango. 


"Wait lang po," I quickly grabbed my phone para tingnan kung accidentally ba akong nag order. "Hindi po ako umorder." Sabi ko.


"Bayad na po ito, ma'am."  Nakangiting ani ng grab delivery boy at inabot yung plastic bag na may mcdo. "Happy eating po," Agad na itong umalis matapos kong kuhanin yung bag.


Nagtataka kong tiningnan yung plastic bag. Mcdo ang laman noo. Sinara ko na ang pinto at nagpunta ako sa kusina at inilabas ang mga pagkain. 


Mag chachat na sana ako sa group namin ng mga babae pero may nahulog na maliit na note. Pinulot ko iyon at binasa.


Eat up. You can't be sick, we have a date tomorrow.

- :)


"Ang arte," Nakangisi bulong ko.


I opened the mcdonalds paper bag at meron doon na bff fries, isang coke float, chicken fillet with fries and drinks at hot fudge sundae na matutunaw na kaya nilagay ko na agad sa freezer.


I took a photo of the food together with the note at sinend ko iyon kay Vince sa chat.


nalareyes: salamat sa pa deliver, bug ;)


Umupo na ako at inayos ang mga pagkain sa harapan ko para makakain na ako at makainom ng gamot. Susubo na sana ako ng kanin nang tumunog ang cellphone ko dahil nagreply na si Vince.


vincemarquez: ha??


Natawa ako habang nagtytype ng reply. 


nalareyes: nahiya ka pa! aminin mo na ikaw nagpadala nito hahahaha


vincemarquez: ewan ko sayo >:(


Natawa lang ako lalo dahil pa sad face nito. Mas maarte pa talaga sa babae ito. I just shrugged it off at nagsimula na akong kumain. Naubos ko yung rice meal at hindi ko pa naubos yung bff fries dahil busog na ako kaya nilagay ko na lang sa ref.

Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon