Hindi ko talaga siya tinulungan, nag-off ako ng data kahit na ka-chat ko si Jaypi. Naiinis lang ako 'e. Baka mabuntunan ko pa 'yung tao.
Gabi na, tapos na din kami kumain. Naligo lang ako saka humiga. Hindi na ko masyadong nag-skin care ganon, wala lang.
Nanood lang ako ng bagong labas na vlog ng TP saka ng JaiGa. 'Yan lang paborito kong pinapanood 'e. Siguro kapag umabot na naman ako ng alas-dos ng madaling araw mukbang na pinapanood ko.
"Bwiset 'yan sila ate Didet 'no? Gabi na puro savage love pa tugtugan" inis na sabi ko kay dite saka pinatay ang ilaw. Ganyan sila lagi kapag pa-gabi na jusko magkaka-insomnia pa ko neto.
"Oo 'e ayaw magpa-tulog" panggatong niya pa sa sinabi ko. "Ay pa'no ba 'yung throw it back sa tiktok turuan mo ko" sabi niya. Naka-follow kasi ako sa kanya, ganon din ako. Kaya nakikita namin pareho 'yung mga ina-upload namin.
"Bukas na gabi na" sagot ko. Hindi naman ako katulad niya na tao sa mula 'no. Isa pa mukhang bulate sumayaw 'yang dite ko.
Hindi na ko natagal sa pag-selpon dahil ayokong mag-puyat
---
"goodmorning lobes" bati ko kay Jaypi. Hindi kasi ako nag-good night kagabi, it's not my responsibility tho.
Lah, nakalimutan ko hindi pala 'to dummy ko huhu. Ni-remove ko agad 'yung message at pinalitan ng goodmorning lang. Kaso lang ay nag-reply siya. Kaya hindi muna ako bumangon.
"goodmorning"
"hala sya oy may remove ano yan ha" kingina aga-aga naman neto."wala yan typo" palusot ko.
"ah ok kain ka na po" reply niya. Duh as if mapo-fall ako ditraks.
"haha o sige" reply ko. Saka nag-off at bumaba. Naligo lang ako saka kumain ng agahan. Hindi ko na tuloy natulungan si mama mag-handa.
"Paano ba mag-video call Rylle?" tanong ni mama sa kalagitnaan ng pag-kain habang kinukuha ang phone.
"Pindutin niyo lang 'to tapos ayan na" ginawa niya ang ipinakita ko sa convo nila ni papa. Hayun at nag-uusap sila habang kumakain. Saktong dumating si Ryan, 'yung jowa ni dite. Kinausap at binati niya pa si papa saka sumalo sa amin sa pag-kain.
Binilinan pa siya ni papa tungkol sa relasyon nila at oo naman siya nang oo. Naku, talagang 'pag niloko mo 'yan kawawa ka sakin. Sa loob-loob ko. Hindi naman ako tutol sa kanila.
Kinausap din ako ni papa saka nag-paalam na. Gusto ko pa siyang tanungin kung kailan ba siya makakauwi pero kasi nag-uusap sila ni mama. Umalis sa lamesa si mama, tapos na ata. Sila dite naman landian ng landian nakaka-umay.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko saka tumayo. Lumipat ako sa terrace dahil maaga pa, malakas pa hangin at hindi pa mainit.
"tapos ka na po?" tanong ni Jaypi. Naiirita ako dahil sa "po".
"pls wag ka nang mag "po" haha" tugon ko. "kakatapos lang" sunod kong sinend. Nakakainis kasi nadadala ko na 'yung personality ko sa dummy dito sa ra ko. Sarcasm lang pero factsheet nadadala ko na.
"aww okay baby"
"ginagalang lang naman kita"
Duh, pero kung ganon lang naman na pang matanda o pang-ate niya, 'wag na."okay lang pero wag na" reply ko.
"anong ginagawa mo?" Tamong niya ulit. Ganto ba talaga ka-bored ang usap namin??
"wala naman" tugon ko.
YOU ARE READING
Quarantine Is Temporary, So As Me
RomanceKarylle, a social media active person, who was affected by the lockdown caused by the pandemic, is learning such lessons in her life. As the pandemic spread throughout the city, she somehow, finally learns how to value her self, Rylle thinks that t...