"Akala ko, masakit ulo mo?" tanong niya."Oo nga, pero 'di mo naman ako kailangan alagaan nang gan'to, may gamot diyan at may nanay pa 'ko!"
"Tahimik ka nalang, kakaasikaso mo 'yan kay sining."
"Kay--what? Sining? Si Art!?"
Sining amp. Ang corni niya magjoke ha, ang asim. At kailan pa naging dahilan ng sakit ng ulo ang pag-aasikaso sa bisita?
"Dami mong tanong." he said at sarkastikong tumawa.
Tss, kailan pa 'to naging joker?
"Bilisan mo na, baka makita pa tayo ni mama."
"We're not doing anything wrong, Jache."
"Why do you always call me Jache?"
"Hmm, 'cause I think it's kinda cute?"
"Cute mo mukha mo."
Sa totoo lang kasi, para sa 'kin, ang pabebe ng pangalan ko. Jey-shi ang pronunciation no'n at hindi ako natutuwa.
Itinayo ko ang ulo ko mula sa pagkakasandal sa sofa dahil nahimigan kong tapos na siya sa pagpunas ng bimpo sa 'kin.
"Inom ka na ng gamot, tapos uuwi na 'ko." saad niya.
"Okay."
"First day of classes namin sa Monday." sabi niya habang kumukuha ako ng gamot.
"Weh? Aga naman."
"Private things."
"Sa private ka nga pala nag-aaral."
"By the way, okay lang sa 'yo na sa bahay ka maghapon?"
"Ha?"
"Sa bahay, diyan sa tapat, samahan mo 'ko mag online class."
"Oo naman, kung walang gagawin."
"Sige, balik na 'ko. Sleep na ha, don't puyat." sabi niya saka lumabas ng gate.
Don't puyat. Hahahaha! Luh, buti hindi siya makaramdam ng awkwardness? Kasi kung ako, naku ayaw kong may manood sa 'kin habang nag oonline class.
"Hay, bahala na." sabi ko saka nagdasal bago pumikit ang mata.
---
"Shet, ang bango."
Nangangamoy tocino, aaaah!
"Goodmorning!"
"Goodmorning, 'nak."
"May tocino?" tanong ko.
"Meron, pero bawal sa nagtatanong." sagot ni mama, wow ah, 'di po ako nakikipagbiruan.
"Kung bawal sa nagtatanong, mama, bakit parang fresh ang tahong?" sabi ko saka humagalpak ng tawa.
"Aba gago kang bata ka!" hinabol ako ni mama ng sandok.
"Hoy tama na 'yan, tara na." si papa.
"Oo nga po pala, sa'n si dite?"
"May pinuntahan sa school niya."
"Ah."
Sana ako rin may puntahan sa school, hehe. Ilang buwan na 'kong hindi tumatapak sa school, nakakamiss, gad!
"Goodmorning." bati ko.
"Magandang umaga."
I like him talking in Tagalog language. It sounds so sweet!
YOU ARE READING
Quarantine Is Temporary, So As Me
RomansKarylle, a social media active person, who was affected by the lockdown caused by the pandemic, is learning such lessons in her life. As the pandemic spread throughout the city, she somehow, finally learns how to value her self, Rylle thinks that t...