Quarantine: 6

11 3 0
                                    

  Pagkayaring uminom ng salabat ay naligo ako, saka tinulungan si mama na mag-ayos ng hapunan. Dalawa ang putaheng iluluto ni mama sa hapunan, tapos namili pa siya ng leche flan para daw dessert, anong meron?

  "Ma, ba't parang ang dami naman nito?" tanong ko. Iniaayos ko 'yung mga gulay na huhugasan na.

  "Uuwi si ate mo, darating si Ryan, isa pa kailangan ni ate mo nito, minsan lang makakain ng ganiyan 'yan." tugon niya. Naghihiwa naman siya ng baboy. Totoo naman nga 'yon, minsan na lang makakain si ate ng ganito, lalo pa't malungkot kumain sa labas mag-isa.

  "Edi mamaya, sa labas tayo kumain, malapit sa puwesto ni ate para may kasama siya." sabi ko. Ibinigay ko na kay mama ang gulay na hinugasan pagkatapos hiwain, tawagin ko na lang kaya si dite para ayusin 'yung pagkakainan namin mamaya?

  "Ayusin na lang namin 'yung mesa sa labas, ma." suggestion ko. Tumango siya at nagsimula nang magluto kaya umakyat ako saka tinawag si dite. Naligo pala.

  "Darating 'yung jowa mong tubol kaya iaayos natin 'yung labas!" sigaw ko sa kaniya, pabiro lang naman.

  "Inamo bumaba ka na babanatan kita!"

  "Charot, bilisan mo na diyan." sabi ko saka bumaba.

  Nagpunta ako sa labas, sa may garahe, may pahingahan kami sa saktong pag-labas lang ng pinto, isang mesa, mga upuan at pasimano, salamin, mga flower vase at kung ano-anong tanim ni mama.

  Iniayos ko pa pati 'yung mantel sa mesa nang dumating si Ryan. Wala siyang dala ngayon, magulo ang buhok niya at mukhang isinuot lang basta 'yung pants at polo.

  "Oh, kuya Ryan! Upo ka, lalabas na rin 'yun si dite, nagbi-bihis pa ka---" bati ko sa kaniya saka isinenyas na umupo na siya. Nagtataka talaga ako dahil hindi siya ganito dati. Malamang magtatanong 'yun si mama mamaya.

  "Karylle" he cut me off and called my name in a deep voice, feels like he wants to say something.

"Makikipag-break na 'ko sa dite mo, kaya ako nag-punta dito." sabi niya na ikinagulat ko. Umayos ako ng pagkakatayo saka siya hinarap.

"Ano? Tanga ka ba? Bakit naman, a-anong dahilan?" tanong ko. Mahina lang 'yon dahil baka marinig pa ni mama at dite. Bumubulong na lang kami sa isa't isa.

"N-napagod na ako. Napagod ako sa kaniya, hindi ko na kayang intindihin pa'ng kapatid mo!" pasigaw niyang bulong. Humahangos na siya at hinihingal. I was a bit shocked of what he just said. Ano? Napagod? Bakit, tumakbo ba siya papunta dito? Charot.

"Karylle, sino'ng kausap mo diyan, si ate mo ba dumating na?" tanong ni mama. Tinanaw ko siya sa loob at nagla-labas  na siya ng pagkain.

  "Tulungan ko na ho kayo." sabi ko saka pinandilatan ng mata si Ryan. Hindi ko naman talaga kailangang galangin siya eh, isang taon lang ang tanda niya sa'kin at isang taon lang rin ang tanda ni dite sa kaniya.

  Pumunta ako sa loob saka binuhat ang malaking mangkok ng ulam. Sinigurado ko munang makakasalubong si mama pabalik bago ko balikan pa si Ryan sa  labas.

"Hindi ko sinabi kay dite, pababa na 'yon, mag-usap na lang kayong dalawa." sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Nagagalit ako. Alam kong masasaktan si dite. "At please, magsabi ka ng totoo. Mas mabuti nang masaktan mo siya na nagsabi ka ng totoo, 'di 'yung sinaktan mo na nga, sa kasinungalingan pa." sabi ko sa kaniya. Nakita kong palabas na si dite pati si mama. Nginitian ko silang dalawa saka pumwesto ako sa harap ni dite, sa tabi niya si mama.

  "Ate! Ayon kumpleto na kami!" masayang-masaya si dite. Nakakapang-hinayang naman.

  "Mag-sanitize at maligo ka na roon, bilisan mo lang at kakain na tayo." sabi naman ni mama. Inaayos niya pa rin ang mga desserts. Tinanguan ko si ate saka siya nagmadaling magpunta sa cocoon niya, hahaha. Para maglinis ng sarili bago sumalo sa'min.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now