Quarantine: 2

6 3 0
                                    

    "Ma, mag-luluto ako" sabi ko, wala, bored 'e.

  "Hapon na naman, panay ka luto 'di ka ata nabubusog"

  "Eto lang ma oh tignan mo" ipinakita ko sa kanya ang picture ng nakita ko sa fb.

  "Pera mo gastusin mo ha, iuuntog talaga kita 'pag failed 'yan" hahahaha! ang violent pucha!

  "Pero 'pag masarap to 'wag kang kakain"  sabi ko, palagi naman ganyan si mama, kunwari magagalit tas 'pag masarap siya tong makakaubos.

  "Tanginamo mamili ka na, mamili ka na"  iwinagayway pa ang kamay na pinapaalis na ako. "Mag-mask ka ha!" pahabol na sigaw niya. Naka-charge kasi ang phone ko.

  Ayaw ko kasing gamitin habang naka-charge 'yung phone, 'yung isang phone ko nasira sa kakagamit ng ganon.

  Namili lang ako ng chooey sa tindahan, 'yung nakita ko kase ay 'yung chocolate pie, sa fb. Nakakagutom tas wala akong magawa.

  Pagbalik ko sa bahay, deretso na ko sa kusina, kumuha ako ng loafbread at breadcrumbs sa basket, itlog sa ref at mantika.

  Kinuha ko rin ang phone ko sa taas, sumigaw na si dite 'e, ibig sabihin full na 'yon, nag-aagawan kasi kami lagi sa charger, hahahaha!

  In-off ko ang active status sa messenger saka naghanap ng blingbling na filter sa insta. Ivinideo ko ang process ng pagluluto ko mula una hanggang dulo, pero hindi na masyadong detailed, saka inilagay sa story. Hina-highlight ko kase mga 'yon, para memories ba.

  "Ano, masarap ba 'yan" payabang na sabi ni mama. Matatapos na kong mag-lagay sa plato 'e.

  "Kung hindi ka masarap magluto, hindi din 'to masarap ma, nanay kita 'e" sabi ko, totoo naman 'e. Masarap kali magluto si mama, mas masarap lang talaga magluto si papa, kaso wala siya dito. Ang sabi niya, naka-quarantine sila sa Japan ng fourteen days ngayon, mamaya maya tatawag din 'yon.

  "Diteee! Nagluto ako tikman mo dali!" Sigaw ko sa baba, palagi naman siyang nakakulong sa kwarto, pano ay init na init dito sa sala.

  "Anong inilagay mo dito?" tanong ni mama, nauna pa siyang kumain kaysa sa'kin haaay.

  "Chooey, diyan 'yung candy kina ate Flor" sabi ko.

  "Ah, galing ah ansarap apir nga!" sabi ni mama saka nakipag-apir pa sa'kin.

  Si dite patuloy lang sa pag-kain habang nakabantay sa phone.

  "Hoy, baka mabulunan ka" sabi ni mama, turo niya kay dite.

  "Sarap 'e" sagot ni dite.

  "slr kakagising ko lang" nag-pop ang chathead na naglalaman ng usap namin ni Jaypi.

  "oy, haha" reply ko.

  "marunong ka pala magluto"

  "konti lang"
  "may tutorial naman sa fb at yt, HAHAHA" sunod-sunod kong reply.

  "naks handa na sa future"
  "kasama ako" pota sunod-sunod din ang reply niya, tapos bumabanat pa, banatan ko 'to 'e.

  "haha oo" ayan lang reply ko, ayos 'to kung parehas lang kaming nanloloko, ye walang talo.

  "natatandaan mo pa ba ko?" chat niya. Hindi naman ako ulyanin 'e para 'di siya maalala.

  "di 'e"
  "nagka-kilala na ba tayo?"
  "ngayon lang ata" magkakasunod na reply ko saka ngumiti. Ayoko namang isipin nito na naalala ko pa siya sa ganon, hahaha!

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now