Ngayon ba siya pupunta? Hindi ako prepared!!! Hindi man lang siya nagpasabi! Anong sasabihin ko mamaya 'pg tinanong ako ni papa? Huhu.
I was so hesitant to get out of the car. They're all lookin' at me, smiling widely, waiting for me to come out. Ano ba 'ko prinsesa? Ha? 'Wag kayo tumingin, placeeee!!!
Aray! Nang tumingin ako kina mama ay nagbungisngisan pa sila. Ang bobo naman kasi netong kotse, ba't naman kasi ang liit nito, eh! Nauuntog tuloy ang matangkad na tulad ko, huhu.
"Kinakabahan ka, ghorl?" tumatawang tanong ni dite na parang nang-iinig talaga. Inirapan ko lang siya saka naglakad na.
Pinasadahan ko ng tingin ang kotse sa gilid, katabi ng kotse namin, waaaa! Talagang nandito siya!
"Baka pwedeng bilisan ninyo ang paglakad, aming prinsesa." mahinahong saad ni mama. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis, eh.
"Prinsesang mukhang kawal." sabat ni dite. Nahihiya na 'ko, kingina!!!
Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad at saka pa lang napansin ang matangkad na lalaki sa likod nila mama.
Bagsak ang undercut na buhok, black na hoodie at maong shorts. Ang tangkad at ang puti niya pa! Mas maputi pa yata siya sa 'kin, eh! M-may kamukha nga siya, eh. Irerecall ko pa 'yong pangalan pero may kamukha talaga siya!
At mas lalong hindi ko na alam kung pa'no kami nakapasok sa loob. Ang alam ko lang ay nakatitig ako sa kaniya sa labas, o baka naman talagang lutang ako mula kanina???
Nakaupo siya sa single sofa sa harap ko, at nakangiti. Sina mama ay nasa kusina, naghahanda raw ng meryenda.
"Hi." bati niya. Nahihiya ako, why man gano'n.
Ngumiti ako sa kaniya saka ibinaling sa iba ang tingin. Why man ang daldal ko sa chat pero sa personal nahihiya ako???
"Huy, hi 'ka 'ko."
"H-ha? Hello...?" utal pa! Aaaa kingina ka, Karylle!!!
"Tsk, haha!"
"Nak..."
"Ay, ma, ako na po." kinuha ko kay mama ang hawak niyang tray ng juice.
"Ma, si... Brielle po, k-kaibigan ko." pakilala ko sa kay Brielle.
He stood up and offered his hand for a handshake. Kinuha ito ni mama at nagshake hands sila. Ang formal naman nila masyado, bakit naman sa ibang kaibigan ko hindi gan'yan huhu.
"Brielle po."
"Karen, mama ni Karylle."
Ipinakilala ko rin siya kay papa at dite. Sinabi ko rin ang pangalan ni ate at binanggit kung bakit wala siya ro'n.
"The truth is... I'm not here for anything, I mean, a guy friend won't just visit his girl friend for nothing, at nandito po ako... para umakyat ng ligaw sa anak ninyo." tuloy-tuloy na sabi niya. Nagsinghapan sina mama at pati ako, nagulat din when in fact hindi na dapat ako magulat.
"Pwede naman, alam mo kasi, 'etong dite niya, kakabreak lang." sabi ni papa, 'di ko alam kung pa'no niya nalaman ang tungkol do'n. "Iniwan siya ng lalaki, nakabuntis ang ex niya, kaya nagpaubaya siya."
"Ang punto ko, ayokong masaktan ang anak ko sa huli, although hindi naman maiiwasan ang masaktan, ayoko nang malalaman kong ipinagpalit sa ibang babae, o nakabuntis, o basta nalang napagod."
"Magbibigay ka ng reason, dapat valid. Kung iiwan mo ang anak ko para sa pangarap mo, sige lang. Siguraduhin mo lang na para sa pangarap mo 'yon." pagpapatuloy niya. Ang dami namang sinasabi neto ni papa, nakakaiyak masyado siyang seryoso.
YOU ARE READING
Quarantine Is Temporary, So As Me
RomanceKarylle, a social media active person, who was affected by the lockdown caused by the pandemic, is learning such lessons in her life. As the pandemic spread throughout the city, she somehow, finally learns how to value her self, Rylle thinks that t...