Quarantine: 8

10 4 0
                                    

  "kala ko ba matutulog ka na, ba't nag-react ka sa post ko ha?" panimulang reply ko. Mag-aala una na pero hindi pa rin ako makatulog. Nag-paalam kasi ako sa kaniya na matutulog na kaninang ten pa lang. Siya rin daw, eh tapos nag-react pa sa post ko, gising pa 'to malamang.

  "bakit gising ka pa?" tanong niya.

  "can't sleep"

  "tawagan kita" reply niya, medyo nagulat ako dahil hindi ko alam kung gising pa 'yung dite ko.
 

  Hindi ko pa man nasisilip si dite ay tumawag na siya, sa messenger lang. Inabot ko na lang ang earphones sa mesa saka umakyat ulit para masagot na ang tawag niya.

  "Hi" his voice, argh so manly. Talagang malalim ang boses niya, sinabayan pa ng antok.

  "Bakit kako hindi ka pa tulog?" tanong niya ulit.

  "Hindi pa inaantok." pinaliit ko ng konti ang boses ko, para magboses bata naman, nakakahiya na parang boses kargador sa palengke ang boses ko.

  "M-mag-isa ka lang sa kwarto mo?" I asked, nag utal pa, nakakahiya! Humikad rin ako pero nailayo ko naman ang phone.

  "Oo, you want to see me then?" pa-english pa, jusko ginoo.

He opened his cam at tumambad sa'kin ang lalaking nakadapa, may mahabang buhok, nakangiti at labas ang dimples, mapupungay na mata, at... hindi masyadong built na body, hell I won't ask for more kung siya lang rin ang para sa'kin, hindi ko na sasayangin!

  "'Wag na 'ko, nahihiya ako 'e." sagot ko. I saw him smirk, good thing hindi ako nakaopen cam, hindi niya makikita ang paglunok at paglaki ng mata ko kanina.

  "It's okay, gusto lang talaga kita kausap."

  "Sorry ha, a-ano patay kasi rin 'yung ilaw, baka 'pag binuksan ko, magising pa si dite." I explained.

  Gusto ko mang magpakita sa kaniya, kaso hindi ako si Kathryn Bernardo na kahit puyat at gabi maganda, huhu.

  "Tangina, ang gwapo" shit! Nasa utak ko lang dapat 'yun eh, bat ko sinabi! The guts of mine! Kinakabahan ako sa harap niya!! Aaaaaa lupa kainin mo 'ko ngayon na!

  Nanlaki ang mata ko sabay itinapon ang phone sa paanan ko. Mabagal ang galaw ko nang kuhanin 'yon, pinapanood ko siya na magtaka sa screen. Natanggal rin sa tenga ko ang kabyak ng earphone.

  Iniharap ko uli ang phone sa mukha ko, tumatawa siya at kinakatok ang screen.

  "Dapat pala gabi lang kita tatawagan, pinupuri mo 'ko eh."

  "H-hindi ako nagsabi no'n ano." I said, defensive. Pagkasabi noon ay nag-hikab ako.

  "Stop yawning, y-your voice makes me, ah no, nevermind." makes him what? Tinitigan ko siyang mabuti sa screen, ang weird siguro para sa kaniya na humarap sa screen na walang nakikita kundi 'yung profile picture kong dalawang buwan nang hindi napapalitan at 'yung ilang minuto na umaandar.

  "Drop the call, matulog ka na."

  "O-okay bukas ulit? Good night."

  Anong kapal ng mukha kong sabihin na sana bukas ulit, eh hindi nga ako makapag-bigay ng topic huhuness. Masyado siyang nakakaschock ano ba.

---

 
   "Kailan, ma?" excited kong tanong. Ginising niya kami ni dite nang maaga, mag-aayos daw kami ng kuwarto nila, darating na ata si papa.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now