"Umaano ka riyan!? Talagang diyan ka titira?" I exclaimed over the phone. I can't believe him!"Yes, isn't it obvious?"
"Oo, uhm, I mean, nakakagulat ka, kanina lang may nagdidis-infect diyan, kaya pala!" hanggang sa dumantay na ako mismo sa rail, nakangiti pa habang kausap siya.
His moves are unpredictable, hindi ko man lang alam kung paano niya napapayag ang magulang niya sa pagtira niya rito. Aaah! Kinikilig ako poknat!
"Pa'no ka nakahingi ng permission? Pa'no ka pinayagan?" I asked, pertaining to his parents.
"I just said I'll move next to my girlfriend's house, you know, just a little palusot." sabi niya saka kumaway at pumasok sa loob. Kaya pumasok din ako, wala na siya ro'n na sinisilip ko, sinong sisilipin ko sa baba, 'yong driver ng truck?
"Girlfriend? Kilala nila 'ko?" I asked.
"Baka may iba pa 'kong mahal?" saad niya. Kapal ng mukha nito, por que siguro alam niyang hindi ko rin naman siya tatanggihan, shet.
"Do'n ka sana sa tabi ng bahay ng mahal mo."
"Occupied kasi, eh kaya sa tapat na lang."
"Gano'n?"
"Oo, by the way, may iku-kwento ako sa 'yo." bigla akong na-excite sa sinabi niya, pero siyempre, papakipot muna 'ko.
"Talaga? Kwento mo sa construction worker"
"Sige, pero makinig ka." he really will???
"Hoy charot lang! Ano ba'ng ike-kwento mo?" bawi ko.
"I told them it was you whom I'm courting, I told them your name, how many siblings do you have, everything I know about you. But the super fun part here is---" he cut what he's saying just to laugh. He literally laughed hard. "They thought I wouldn't get a girlfriend just because they thought I'm gay! Like mom I'm not!" he stopped to laugh again, I wonder, nasa'n kaya siya at tawa siya nang tawa???
"I just waited until Karylle gets tired of ghosting, I'm also tired of stalking!" w-what? He's tired of stalking? Wow, so stalker naman siya ngayon.
"H-hey, I didn't said anything, you heard nothing, right?" he asked. Tanga naman nito, may narinig ako 'no. Bakit ba siya masyadong kabado.
Mas masayang malaman na may stalker akong 'sing-guwapo at 'sing-bait niya, 'di ba?
"Pake mo kung narinig ko, wala naman sa 'kin 'yon!"
"Pumasok ka na pala." ay, lumabas ba siya ulit? Lalabas sana ako, kaso tinatamad na 'kong bumangon.
"Lumabas ka ba ulit? Sorry na, hindi ako lalabas, tinatamad na 'ko bumangon eh."
"Oo, paalis na kasi 'yong truck, sige na matulog ka na." he said. Hindi naman talaga ako babangon kahit pilitin niya 'ko 'no, lalo pa't bagong palit 'tong bedsheet ko.
"Goodnight, see you tomorrow." saad ko saka ibinaba ang tawag. Hay, 'di pa rin ako makapaniwala, nandiyan lang siya sa tapat!
"Ma, ako na magluluto!" excited kong saad habang patakbong bumababa ng hagdan, kagigising ko lang, talagang kakaalis lang sa higaan.
Mabuti't inabutan ko pa si mama habang nagca-crack pa lang siya ng itlog.
"Sige, naku hindi ko na nabibisita ang halaman ko sa likod, eh." sabi niya saka iniabot sa 'kin ang itlog at tinidor.
YOU ARE READING
Quarantine Is Temporary, So As Me
RomanceKarylle, a social media active person, who was affected by the lockdown caused by the pandemic, is learning such lessons in her life. As the pandemic spread throughout the city, she somehow, finally learns how to value her self, Rylle thinks that t...