Quarantine: 1

22 4 0
                                    

"kain muna ko" eto na, I hate this line! Line ng mga ghosters na walang ginawa kundi magpa-fall tapos iiwan ka bigla.

"yang kain mo aabutin ng taon yan" mabilis kong type at sinend sa kaniya.
Hindi pa niya sini-seen kaya nag-type ako ulit.

"almost a week palang tayong magkausap igghost mo na agad ako? HAHAHAHAHAHA" charot lang, sino ba namang tanga ang maiinlove sa taong nakilala niya sa internet lang.

Normal lang naman na lumandi ka ng ganto sa rp. Pero ako parehas sa ra pati sa rp. I don't care, as long as hindi ako mabuntis, okay lang 'to. Alam ko naman limitasyon ko 'no, isa pa hindi ako nagbo-boyfriend.

He then, finally, replied.

"hindi ako ghoster, oy kakain lang talaga ko" ayan, may assurance na HAHAHA.

Bumangon na ako, kanina pa sumisigaw si mama e. Wala na talaga sa ayos sleeping habit ko. Ikaw ba naman matutulog ng alas-tres tapos gigising alas-diyez.

Uminom ako ng tubig pagka-bangon ko. Naghilamos at toothbrush saka bumaba para kumain.

"Ano! Anong oras na saka ka bumangon! Ayan mag-linis ka ng pinggan bata ka, natutuyuan ako ng dugo sa inyo, ke-aga-aga pa 'e" pambungad na sermon ng nanay ko.

Ganyan lagi kong appetizer sa almusal, pagkain ang main dish, tapos hugasing pinggan ang dessert. Sarap diba?

Tumingin ako sa dite kong nakatingin na din sa'kin, saka tumawa. Si mama, naglilinis ata ng banyo, pero sumisigaw parin. Ganyan naman talaga, basta kapag pinagalitan ka, 'wag ka nang sasabat, pakinggan mo na lang tapos ilabas mo sa kabilang tenga.

"Ma, 'di muna ako uuwi ulit ngayong morning, may bagong five cases na dinala dito sa ospital, ingat na lang kayo diyan" narinig kong sabi ni ate sa tawag. Frontliner siya, sa ospital sa bayan. Ang hirap ng gawain nila sobra.

"Kumain ka na ba? Sabi naman kasi sa'yo 'e itigil mo 'yang pagfront- frontliner na 'yan, sobrang nag-aalala ako sa'yo" tugon ni mama. Totoo 'yon, 3/4 nga ng paa mo nasa hukay. Hindi na kalahati kasi mas malaki talaga ang chance na mamatay ka.

"Hayaan mo na ma, ay teka may alcohol pa ba tayo diyan? Mag-uuwi na lang ako ng med masks pag-uwi ko" sabi ni ate. Malamang nasa room lang siya ng pasyente niya ngayon kaya siya nakakatawag. Madalas daw kasi, kapag tulog o kaya maganda ang lagay ng pasyente mo, kailangan mong lumabas at tumulong sa iba. Almost 200 na ang active cases sa province namin. At may mga dumadagdag pa. Good thing wala sa barangay namin.

"Dalawa pang galon ang alcohol na nandito, 'wag mo muna isipin 'yon. Ikaw mag-iingat ka diyan." sabi ni mama. Hindi mo naman siya masisisi kung maya't-maya siya magpaalala sa'yo. Magulang siya, malamang mag-aalala 'yan.

Nagtuloy pa ang usapan nila. Hindi na ako nakinig at umakyat. Titignan ko lang 'yung naka-charge kong phone kung may reply na ba siya.

Gago talaga, wala pa rin reply tapos 'di daw siya ghoster.

Pangatlo ko na siyang nakaka-chat ko dito sa tg, pangatlo sa solo, 'yung iba kase pinagsasabay ko! Hahahahaha! Mas madali lumandi sa telegram, talagang tago sa pamilya, hahaha!

Pero nakikipag-usap 'din ako sa messenger, minsan lang.

Naghugas na ako ng pinggan hangga't naghihintay don. Pagkatapos ay tinignan ko ulit 'yung reply. Wala pa rin, kaya tinanggal ko na lang sa pagkaka-charge saka ako naligo. Mabilisan lang, matagal ako magbihis e.

Pagkatapos ay lumipat muna ako sa messenger para tumingin ng update sa mga tao don kung may nangamusta ba. So far wala, putangina nila talaga, kakausapin ka 'pag may kailangan.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now