Quarantine: 5

11 4 0
                                    

    Weeks passed by and dumating na rin si papa dito sa Pinas. I really hope bumilis na ang panahon at dumating na siya, dito  sa'min.

 
   Palagi lang gano'n ang routine ko. Maghapon na cellphone, konting tulong kay mama sa house chores, at pagmumuni-muni.

  May bagyo raw. Hindi naman siya ganoon ka-lakkas pero dahil sa habagat, mas malakas. Malamig na ang hangin, 'yung kahit hindi ka na gumamit air conditioner, malamig.

   Well, I don't think what's the purpose of using ac when we have electric fan. I mean, don't you know that this air conditioning thingy contributes to the damaging of ozone layer big time? If you guys don't know, chech it out on Google for those who are using two or more aircon in their houses. Duh, as if we're not using it, isa lang naman, sa kwarto namin nila dite.

   "Naku! Sana nga ay mag-deklara na ng GCQ mare." sambit ni mama habang nag-aayos ng gamit sa mesa. Kausap niya si ate Candy, 'yung kumare niya.

   "Sa kabilang banda, ayos rin 'yon, hindi makapag-trabaho ang anak ko kapag ECQ eh, ayaw payagan makalabas" sabi ni ate Candy saka naupo sa  kusina. Nginitian niya ako kaya ako rin. Saglit pa akong nakinig sa usapan nila saka umakyat sa taas.

  "Dite, tuwing kailan ba pumupunta si Ryan dito?" tanong ko pagka-pasok saka sinara ang pinto. May gusto lang akong itanong.

  "Depende eh, pero nagsasabi naman 'yon kung dadating siya" lingon niya sa'kin. Nag-seselfie lang naman siya sa bintana.

  "Itanong mo kung pwede siyang dumaan sa palengke o sa supermarket minsan" sambit ko saka umupo sa kuchon niya. Ayoko na kasing mahirapan si mama sa paglabas-labas para mamili ng essentials. Para rin may pakinabang 'yon si Ryan.

  "Sige, tatanungin ko, tanungin mo si mama kung kailan siya bibili" payag niya.

   "Ge." sabi ko. Nakahiga na ako ngayon, nakatingin sa salamin at nag-iisip.

   Ilang linggo na akong walang ka-chat bukod sa mga gc. Wala naman akong pake kung mayro'n o wala. Hindi lang ako sanay.

   "Tara tara tiktok." aya niya na tinanggihan ko ngayon. Medyo masama ata pakiramdam ko, oh no! Please, Lord.

  Dali-dali akong bumaba ng kama nang kumati ang lalamunan ko. Halos tumakbo na ako pagbaba ng hagdan para kausapin si mama. Good thing nang masilip ko ang baba namin ay wala na si ate Candy.

  "Ma, ang kati ng lalamunan ko." sabi ko saka uminom ng maligamgam na tubig para maibsan.

  "Oo, kaya nga maglu-luto ako ng salabat." sabi niya saka ipinakita ang luya na gagamitin. Hindi naman ako umiinom no'n eh. Masama lasa, nakakasuka.

  "Ma naman, 'di ako umiin---" kontra ko na kinontra niya rin. "Bahala kang mahirapan riyan kung ayaw mo, 'pag iyan lumala sige." sabi niya saka ako tinuturo. Natawa ako at sinabing hintayin ko na lang ang iluluto niya.

  Hinintay ko na ang salabat ni mama, paniguradong aatakihin na naman ako ng bunganga niya kapag hindi ako uminom. Naupo ako sa sofa saka tinignan kung sino na'ng nag-chat. Si Enzo nga pala, he's from Mandaluyong, according to him. I won't mind, hindi naman kami magtatagal ng isang linggo, hahahahaha.

   Palagi namang gano'n ang routines ng chat or usap ng lalaki, haharutin ka hanggang sa it's either ligawan ka for real or iwan or i-ghost ka. Mas maganda namang unahan mo na di'ba para 'di ka naman dehado, hahahaha.

   "Tignan mo Rylle 'yang nakasalang ha, may titignan lang ako sa labas." sabi niya. "Nakita ko na, ma." pamimilosopo ko saka tumawa. Minura niya ako sa umambang babatuhin ng sandok.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now