Quarantine: 9

7 4 0
                                    


  Nakita ko lang 'yun sa notif na nagpa-pop-up sa phone ko at hindi ko pa nas-seen 'yung reply. I stalked his account again and found out he only has ten profile pictures, a cover photo and some memes. I never seen it, I mean, I stalked him but not this deep I got into his albums of photos here on fb.

  "pero ako 'yang nasa pictures, if ever you're wondering" nabasa ko ulit sa notif. Wait, 'yun nga ba ang habol ko? Itsura? Oh I don't want to be this mean to anyone, I liked him, just him.

"Brielle isn't your name?" tanong ko. Naka-one name siya, gusto kong itanong 'yung surname niya irl.

"'Di, real name ko 'yan, I just don't wanna include my last name." ang cute, Brielle...

  Napangiti ako nang maisip na tinatawag ko siya sa malambing na paraan, ah Rylle kailangan mo na mapunta sa bahay na may pulang bubong.

Nagtawag si mama kaya nagpaalam muna 'ko sa kaniya, ini-off ang phone at nag-charge. Saktong pagbaba ko'y may inuutos na naman.

  Kaya naman ginawa ko na'ng inuutos niya, ibibilad lang naman 'yung mga underwear na nilabhan niya, sa terrace. Ayoko ngang ilagay sa harap ng bahay, at least sa terrace nasa taas, hindi na mapapansin, eh 'pag sa baba, kahit bago 'yung panty mo pagchichismisan eh, kala mo hindi sila nagsoot ng panty na walang garter no'ng mga bata sila, che, pwe.

  Pagkatapos ay nanood ako kay mama habang nagluluto. Marami-rami na rin akong nalalamang lutuin dahil sa panonood lang sa kaniya.

  "Ma, pagdating ni papa, gusto ko ako magluto ng ulam natin, kahit isang beses lang." request ko. Ang tagal niya sa abroad, matagal siyang hindi nakatikim ng lutong bahay. Pero syempre, si mama muna ang unang magluluto, siguro sa mga susunod na araw na 'ko 'pag tapos na quarantine ni papa.

  "Ikaw bahala, basta ayoko ng fail ha!"

  "'Pag masarap 'yon ma, magbabasag ka ng itlog sa noo, BWAHAHAHA!" sabi ko saka bumulalas ng tawa. Tumakbo ako sa hagdanan, papunta sa kwarto.

  Puno ako ng pawis kanina, kailangan ko nang maligo, hahaha!

  Basta na lang ako pumasok and in my surprise, naliligo si dite. Sabi na nga ba, nanguna na naman. Aba't nakabukas pa ac ha, masyado siyang aksayado sa kuryente. Pinatay ko ang ac saka umalis at bumaba.

Panandalian akong nanood ng tv hangga't hindi pa tapos maligo 'yung kurimaw na marupok.

  Umuwi kagabi si ate, kaso sabi niya, mamayang gabi ay doon siya sa ospital, ayaw niya muna raw dito dahil mahirap na't napakadaling kumalat ng virus. Hindi naman siguro sa iniisip niyang may dala siyang sakit palagi 'pag umuuwi siya, alam kong iniisip niya lang ang kapakanan namin, kaso siya naman ang mahihirapan.

  "Kumain muna tayo bago ka maligo, tutal alas-dose na oh." aya ni mama, napaka-kupad naman kasing maligo ni dite, nakakainis.

  Kumain kami saka ako naligo. Medyo natagalan kasi kung ano-ano pang kine-kwento ni mama. Kesyo gan'to, gan'yan, puro sermon, 'wag na raw kami maglala-labas, duh, as if makakalabas nga kami, eh hahawak pa lang sa doorknob e bubungangaan ka na, mama nga naman oh.

  "eh anong surname mo?" in-open ko ang convo namin ni Brielle.

  "Wintroph" maikling reply niya. My eyes automatically got big. So it means, may lahi ba siya or what? Oh, halata naman sa features niya.

  "nasa'n family mo, btw?"

"they're on Nebraska, do'n kasi work ni dad, he's a department manager on a company."

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now