I don't really know how to react. Dati 'pag may nagcha-chat sa 'kin na gano'n, rereply-an ko ng 'baliw', 'sana all'. Pero parang iba ngayon. So I ended up not replying to him.
It's been two days since we haven't chatted. I often checks our convo, hoping he would flood me messages but yeah, it's been two days and he's not responding.
'Tangina nito, ghinost na 'ko.' Bulong ko sa sarili ko, habang nakatitig sa convo namin.
"Lah, sino 'yang lalaki bhie?" bulong sa likod ko. Ang hayop, nandito na naman.
"Dite umalis ka nga!"
"Ang laret mo!" sigaw niya sa tainga ko. Kapal ng mukha, 'di pa nga ako nagkaka-boyfriend ta's sasabihin niya malaret ako? DuUuuUh? Charot.
"Paki mo ba? Alis nga, alis!"
Ini-off ko ang phone ko saka itinago sa cabinet ko sa taas. Naiinis ako dahil hindi pa rin siya nagrereply.
Hay, obligado ba siya? Hindi. May karapatan ba 'ko? Wala.
Wala akong magawa buong maghapon, maya-maya kong tinitignan ang convo namin, nag-reply na rin ako ng 'hoy' kasi nga hindi ko rin matiis.
Pero hanggang ngayon, alas-sais ng umaga, ang aga kong nagising para lang tingnan ang 'active now' niya pero walang reply? Nakakarma na ata 'ko, 'wag naman, 'wag naman kay Brielle please.
"shit I'm sorry."
"we haven't talked"
"I'm so sorry"
"something happened"
"don't worry I'll explain."Sunod-sunod ang reply niya kaya hindi rin ako makasingit. Ano ba'ng nangyari? Para saan pa't mag-explain siya? Maiintindihan ko naman kahit hindi siya mag-explain.
"ano'ng nangyari ba?" tanong ko.
"tell me first you're not mad"
"I'm not." I replied. Ini-english english mo 'ko ha, seminar ka muna, samahan mo 'ko tabi tayo.
"okay, gan'to kasi"
"I needed to do the works my mom and dad left me, I did it for the whole 2 days so now I can talk to you"
"weh? tapos na nga?"
"baka magkasakit ka, mapagod ka nang sobra."Honestly speaking, I was really touched and didn't know how to react, again! So I just talked to him, like a concerned friend, or girl friend? Idk.
"hindi 'yaaan, nandiyan ka naman eh."
"sus, i thought u already ghosted me."
"hell no, I won't ever do that"
"22o ba?"
"leg8 22o no lice" I giggled as I read his reply. I think it wasn't the first time.
"good morning pala, nakalimutan ko, HAHAHA!" wala na 'kong masabi e'.
"hmm, good morning, eat your breakfast na"
And so I had to jump out of bed and bathe. Minsan lang ako naliligo sa umaga, 'pag sinisipag lang, 'pag sinisipag din, toothbrush at hilamos na lang keribels na, nasa bahay lang naman.
Pero pagbaba ko, may mga taong naka-PPEs sa baba. Malamang 'to bibisitahin si papa. Pang-limang araw na niya na naka-quarantine at maaari nang malaman kung may sakit ba siya dahil nga limang araw na.
Aakyat sila, kaya umatras ako at pumasok muli sa kwarto. Mamaya na lang ako lalabas 'pag wala na sila.
I waited for 10 minutes at saka sumilip, pababa na sila ng hagdan. At ang nakakainis, kinakausap pa nila si mama. May ibinigay din silang container na may lamang bluish liquid, baka disinfectant.
YOU ARE READING
Quarantine Is Temporary, So As Me
RomanceKarylle, a social media active person, who was affected by the lockdown caused by the pandemic, is learning such lessons in her life. As the pandemic spread throughout the city, she somehow, finally learns how to value her self, Rylle thinks that t...