"Mama naman! Ayoko nga mag-handa sa birthday ko!" pilit ko kay mama. Gusto ba naman kasi, maghanda pa kami, eh I'm not fond of handaan kaya.
"Ma, matanda na anak mo, hayaan mo na 'yan, pera lang gusto niyang regalo." sabat ni dite. Tama! Kung bibigyan n'yo man ako ng regalo, pera nalang, please.
"Oo nga naman, para 'di ka na rin mapagod." sabat ni papa.
"Mapapagod ba si mama eh, mag-oorder lang naman 'yan, tapos kinabukasan ako pa maglilinis ng mga kaserola saka mga pinaglagyan, tapos sila aling Bebe magbabalik na lang ng tupperware 'di pa nilinis, ang kakapal." pagrerebelde ay, este pagrereklamo ko. Pa'no, tama ba naman 'yon? Ako ang may birthday, ako pa rin maglilinis?
"Para daw may kasunod pa, gano'n."
"Tsk, tigilan n'yo na 'yan, magsi-linis na kayo."
I chatted Brielle. Hindi naman sa papapuntahin ko siya rito, pero parang gano'n na nga.
Kahapon kasi, kinausap ko si papa tungkol sa 'min ni Brielle. Yes, gan'to kami ka-open sa pamilya. Pero siyempre, kung sa gan'yang problema, makakausap ko siya, pero sa problema ko, sa sarili ko mismo, ayoko.
"Alam mo 'nak, kapag may gusto kang tao, gawin mo na lahat, umamin ka, kaibiganin mo, sundan mo, lahat, basta 'wag lang 'yung ikasasama ninyong dalawa."
"Ha?"
"Kasi, 'di mo alam kung kailan mawawala ang tao sa buhay mo, o kahit sa mundo. Ikaw, gawin mo lahat ng gusto mo, kahit magmukha kang tanga, basta masaya ka. Ayaw mo rin namang mamatay nang hindi na-eenjoy ang buhay 'di ba? Hahaha."
"Hindi ka ba takot mamatay, pa?" tanong ko.
"Hindi, kita mo, nagkaroon ako ng responsable at kamahal-mahal na asawa, magaganda at mabubuting anak, na alam kong maganda ang magiging kinabukasan, bakit ako matatakot mamatay? Hindi ako takot, 'nak. Takot akong hindi ko magawa ang plano kong buhay para sa inyo."
And that's when I became more emotional. My papa talks dead serious here.
"Sagutin mo na, nahiya ka pa't nagtanong sa 'kin."
"Po!?"
"Hindi mo hahayaang magpakilala bilang manliligaw mo 'yon kung hindi mo rin gusto, sagutin mo, malay mo, hehe."
At doon ako nagkaroon ng lakas ng loob. Sana lang nasa tapat siya ngayon at hindi siya umuwi sa kanila.
Iniisip ko, tawagan or i-chat ko kaya? Kaso, paano ko siya ia-approach? Should I just say 'yes, sinasagot na kita' kaso, ang awkward no'n. Waaaaa! Ang awkward huhu. Hindi ko alam kung pa'no ko siya sasagutin, hindi kasi ako sanay nang gan'to.
I wasn't used to this kind of formality. Like, haha yes puro lang ako landi pero 'di ko pa alam kung paano humarap sa consequences.
"Brielle,ano... kasi I was so shy that we had to make this longer, sinasagot na kita."
"Really?!"
"Mm-mm! To be honest I really don't know how to approach you kasi nahihiya talaga ako at I don't know how to do it---"
"You're so heavenly, I love you."
Ako rin mismo ang nakaramdam ng cringe sa sarili ko. Inis akong humarap sa salamin habang inaalala ko ang pinaggagawa ko sa harap nito.
"Nakakadisappoint ka, self..." saad ko sa harap ng salamin, habang hawak hawak ang toothbrush saka nagsalita ulit, "...pero proud ako sa 'yo, ganda mo kaya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/234762813-288-k261553.jpg)
YOU ARE READING
Quarantine Is Temporary, So As Me
RomanceKarylle, a social media active person, who was affected by the lockdown caused by the pandemic, is learning such lessons in her life. As the pandemic spread throughout the city, she somehow, finally learns how to value her self, Rylle thinks that t...