Quarantine: 4

8 3 0
                                    


  "Eh ikaw nasa'n certificates mo?" tanong ni mama, tinitignan  kasi namin 'yung certificates ng mga naging kaibigan ko sa ibang school. Maaga ang release ng cards nila, mas maaga sa'min malamang, anong month na, katapusan na ng April jusko.

  "Wala pa ma, maaga lang talaga sa kanila" sagot ko habang nakatingin sa phone, inaakit kase ako netong calligraphy pens ng Shoppee 'e.

  "Oh 'e ba't ayaw mo'ng kunin?" kainis naman 'to si mama 'e! Kung pwede lang kunin na agad edi kinuha ko na agad!

  "Wala pa nga'ng announcement, ma 'e!" atungal ko. Hindi naman kasi makaintindi, sa isip ko nga, sa May pa 'yung release.

  Hindi na ulit siya sumagot, malay ko ba diyan, ako nga din kating-kati nang kunin 'yung akin 'e!

  Hindi ko na rin nireply-an si Jaypi. 'Yung huling message ko sa kaniya is, sermon. Sinermon-an ko siya, haha kahiya ano? Hindi naman, ine-educate ko lang para next time 'pag may nakausap siyang babae sa susunod, hindi na siya ganoon katulad ng ipinakita niya sa akin.

   I'm an extra introvert now in social media, omg, I don't have close friends to tag. I don't have ones to have a chat with, in my real account. But at least I have internet friends! They're blessings!

  So I opened my dummy account and viewed all the notifs.

  Thirdd Zuckerburg tagged you in a post.
  Bella Tahmad and Hath Togh commented on your post.
  Ady Ka Mahal wants to send you a message.
  Ivy Agua Bendita commented on your post.

  And so on...

  That's why I love my internet friends, everytime you feel like you're alone in your real account, just turn to your dummy and your life would be happy!

  I replied back and fast to their comments and switched my accounts on messenger from my real account to dummy.

  "Hoy Mair" chat ni Ady. Mair Garynne kasi dummy ko, margarine 'yan kung hindi ka alien mag-basa.

  "Oh anong kailangan mo" walang habas at alinlangang tanong ko sa kaniya.

  "Nira-rant ka na naman ng mga  hipon" reply niya. Well, unbothered.

  "Now lang me nakakita ng hipon na kumakahol" reply ko. Bwiset 'yan, pati ako tumatawa sa sarili ko.

   "Tanga, bat di ka rumebat" reply niya.

  "why naman need pa rumebat"
  "wala man me pake sa kanila" sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gusto magpa-sikat or what dito. I made this account to make friends and that purpose took me to this mess, kasalanan ko ba'ng gustuhin ako maging kaibigan ng kaibigan nila?

  "hanep ka talaga"
 

  "teka ano ba sabi" reply ko. I didn't said I'm not gonna know what's on their posts.

  "curiosity kills pag ako namatay mumultuhin kita" isinunod ko, maya-maya may sinend siyang photo.

Paulit-ulit naman ang nakalagay sa rant, 'e. Puro lagi naman nakafilter ayaw din mag reveal ng buong muka, kala-kalahati pa bukas makalawa n*des na isesend niyan, kebago sa dummy weirld malandi, basta puro gan'yan. Kasalanan ko ba'ng maganda ako lalo 'pag natakpan 'yung kalahati ng muka.

  "hayaan mo na 'yan Ady nakaka-umay pare-pareho ng sinasabi"
  "rebutt ba yan puro face shaming wala kasing mapuna sa ugali ko kaya ayan sa muka at kung ano-ano pa tuloy bumabawi" sunod sunod na reply ko.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now