Quarantine: 18

1 1 0
                                    


 
  'Kala ko, 'di ako makakatulog buong gabi kagabi. 'Di ako matigil sa kababaling at kaiisip tungkol sa araw na 'yon. After all, parang ang ikli ng araw na 'yon para sa maraming ganap.

At ngayon, hapon na, inaantok pa rin ako. Tanghali na nga ako nagising kanina, tapos nabungangaan pa ni mama, hays.

Wala si Brielle buong maghapon, may inasikaso. Every two hours siyang tumatawag sa 'kin, which is pinagtatakhan na rin nila mama. 'Di ko pa sinasabing you know, kami na ni Brielle, nahihiya pa 'ko.

Nakaligo na 'ko lahat-lahat, sarado pa rin ang bahay niya. Palagi kasing bukas ang bintana niya sa harap sa taas at baba, doon kami nagtatanawan minsan eh, tinatanaw ko siya rito, siya naman doon.

"Jache kooo." his voice, waaaaa!

"Pagod ka 'ata?"

"Daming pinaasikaso ni daddy, plus 'tong bahay pa, I was about to go home na nga, but suddenly I remember, madaraanan ko 'yung bahay rito, inasikaso ko na rin."

"'Di, ano, okay lang. Kumain ka na ba?"

"Yes po. Katatapos lang, pasensya ka na, busy kaagad ako."

"Okay lang 'no, kung may mga gagawin ka, just take your time, ayos lang 'yon."

I ended the call when he said he's gonna take a bath. Sumabay muna ako kumain kina mama habang naka-off siya.

"Orientation of parents, students with your adviser and subject teachers on the other day on Google Meet, be prepared. I'll send our code here by tomorrow, let your parents know this information." I got shocked pagkabasa ko sa message ng former adviser ko.

Iiwan ko na talaga ang section ko dati, ano ba this. Hindi na talaga mapipigilan ang school year 2020-2021 hanep. 'Di ba nila iniisip ang magiging kalagayan ng students? Hays.

Hindi pa naman online si Brielle kaya bumaba ulit ako, para ipakita kay mama ang info. Tinanong ko sa teacher ko kung isang account nalang per parent and student, oo raw.

"Sorry if I wasn't able to go there Jache." his voice is so manly. I can't help but describe him everytime sa phone lang kami nag-uusap.

"Okay lang, naiintindihan ko talaga."

"By the way, kumusta ka? Nag-online ka ba kanina? Check mo rin mga kaibigan mo sometimes, ah." so thankful he reminded me. Thesepast few days pasilip silip lang ako sa fb at twitter eh. Hindi na 'ko gaanong tumatambay. Hindi katulad nang dati na talagang halos lahat ng iniisip ko, pinopost ko.

"Sweet mo naman, sige po bukas mag-oonline ako, isa pa, may orientation kami the other day."

"Talaga? Sige bukas pupunta ako, ta's  the other day na babalik."

"Bakit?"

"Para walang istorbo sa orientation n'yo. Baka m-distract ka lang, eh."

"Heh."

"The day after no'ng orientation mo, birthday ni tita, 'di ba?" tanong niya. 'Di ko alam na alam niya pala ang birthday ni mama. Ay, baka nasabi ni papa.

"Oo."

"Sige."

Maya-maya ay lumipat kami sa chat dahil tinatamad na 'ko sa video call. Naka turn-off chats/active status ako para sa inaasam kong kapayapaan.

"hoy" I replied again for the fourth time, hindi na siya nagrereply, kahit seen himdi.

"are u sleep na?" I replied again.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now