Quarantine: 10

6 3 0
                                    

  Every gising is a blessing! I woke up with a headache. I stayed up all night talking to Bella, Ady and Brielle. They get along tho.

  Pagbaba ng sala, kumain muna ako ng agahan, malamig na, 'di siya lalamig eh alas-nuwebe na.

"Si dite, nasa'n ma?" tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansin na wala siya rito eh.

"Ay tignan mo nga ro'n sa garden, pinagtanim ko ng sili eh, 'yung huling tinanim ko namatay." sabi niya. Magaan kasi ang kamay ni dite sa pagtatanim, namana niya 'yon sa lola ko sabi ni mama.

Pagkayari kumain ay naligo ako, himala at hindi nanermon si mama.

May narinig akong biglang nagbukas ng stereo sa kwarto nila mama, eh wala namang tao ro'n. Pota, may multo kaya? Tapos mga lumang kanta pa, 'yung mga kantahan ni papa ba, ah Lord 'wag naman gano'n, aga-aga may multo.

Dahan-dahan kong nilapitan 'yung pinto saka binuksan nang marahan. Wala namang tao ro'n nang igala ko ang paningin ko. Pero bukas nga ang stereo.

"'Wag kang papasok anak." nilingon ko ang nagsalita sa gilid. Hayun si papa! Nakatayo ro'n at nakangiti. Woah, tell me I'm not dreaming please pakisampal ako!

"Pa!" tumili ako sa gulat saka sinabi 'yon. Gustong-gusto ko siyang yakapin!

  "Sabing 'wag lalapit eh, kulit."

Pinalabas niya ako kaya lumabas naman ako. Wala ba siyang tiwala sa sarili niya na wala siyang sakit? Napakaraming tests na ang ginawa sa kaniya bago pa man siya makauwi rito, ngayon pa ba naman siya magkakasakit ha?

Naiyak pa'ko sa tuwa nang makapasok sa kuwarto para makaligo na, nakakainis, meron pa naman ako ngayon. Saka ko naman naalala 'yung sinabi ko kay mama na gusto kong ipagluto si papa. Ah kaya pala hindi nanermon si mama kanina.

  "Ma, hindi ni'yo man lang sinabi sa'kin na dumating na si papa." sabi ko pagbaba ng hagdan.

"Napakaaga niyang dumating, kaninang alas-sais pa, alangan gisingin pa kita eh napakahimbing ng tulog mo"

"Malamang kung sinabi ni'yo na si papa 'yon, babangon talaga ako!"

"Hayaan mo na, hindi naman magtatagal lalabas din siya do'n."

"Sabagay."

  Tinanggal ko ang phone ko sa pagkaka-charge saka nag-online. Nasa dummy ako ngayon, dito naman na kami nag-usap nila Brielle kagabi.

  "goooodmorninhggg"
  "tulog pa 'ko, pinuyat mo 'ko eh hahaha"
  "ayos din friends mo, ang bait nila."

Natawa ako sa bungad na message niya. Totoo nga 'yon, pa'no eh alas-dos na kaming nagsipag-off, nakakatuwa sila mag-usap usap.

I replied goodmorning as well, nag-send ako ng voice message, goodmorning din ang sinabi ko. Maya na 'ko magrereply ng kung ano 'pag online na siya.

  Tumuloy ako sa garden sa harap ng bahay namin para panoorin si dite, kaso ay paglabas ko naghuhugas na siya ng kamay, tapos na.

 

  Pagpasok ko sa bahay ay parang walang nangyari, naalala ko, nasa GCQ pa pala kami, quarantine pa rin. Everyday sucks but being with your family wouldn't. Pero everyday is a shit day pa rin. Everyday is a blessing pa rin naman.

"Dite 'yung cellphone ko tinanggal mo na naman hayop ka!" sigaw ko, sinilip ko rin si dite sa baba, nasa sala siya, sitting pretty ang kabayo.

  "'Di ako nagtanggal niyan, ikaw! Kachacharge ko nga lang eh!" sigaw niya pabalik. Narinig ko pang sinabi ni mama na 'wag raw kami gano'n, kararating lang ni papa ta's maggagaganon na kaming dalawa.

Quarantine Is Temporary, So As MeWhere stories live. Discover now