Part 7

819 73 0
                                    


Nakaramdam ng discomfort si Camille habang pasimpleng sinusulyapan si Apollo. Magkasalo sila sa hapag para sa almusal. Her godbrother was staring at her. Coldly. Intently. Seriously. 

Tumikhim siya at sumandok ng ulam. Ingat na ingat sa kilos. Mabagal na sumubo siya. Nang muli siyang tumingin dito ay hindi pa rin siya nito nilulubayan ng masamang tingin. 

Napasobra yata ang biro ko kahapon... 

"G-galit ka pa Kuya Apollo?" tila maamong tupa niyang tanong.

Ngumiti ito. Peke. "Hindi. Natutuwa nga ako sa'yo. Para kang parol."

"Dahil kumukuti-kutitap ako sa paningin mo," nangingiti niyang pagpatol dito.

Biglang naglaho ang ngiti nito. "Ang sarap mong ibitin."

Muntik na siyang masubsob sa plato niya. Tsk! Ang galing bumanat! "Ikaw naman Kuya para kang porn magazine."

Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit?"

Taas-baba naman ang kilay niya. "Ang sarap mong pagnasaan."

"You—"

"Pagnasaang sunugin." Malokong tumawa siya habang hinahampas ang mesa. Subalit dagli din siyang huminto nang makita ang walang kangiti-ngiti nitong ekspresyon. "Ikaw naman ang nauna..." bulong niya.

"I have no time for your jokes." Nagbuntong-hininga ito. "Somehow... parang nagbago ka Faye."

Inatake siya ng kaba. Naghihinala na kaya siya? "A-anong ibig mong sabihing nagbago? Maldita pa rin naman ako."

"Yeah... but somehow it's different." Ibinaba nito ang kubyertos. Naningkit ang mga mata nito. Sapo ng isang kamay ang baba habang nakatingin sa kanya. "You are wicked but not the same as before. Naalala ko kapag namimintas ka noon hindi dahil sa gusto mong mang-inis. Kundi dahil iyon ang totoong nasasaloob mo."

Yes. That's Faye.

"Ngayon nang-iinis ka na parang sinasadya mo dahil may motibo ka. May itinatago ka ba sa akin?"

"L-lahat naman ng tao may itinatago." Nag-iwas siya ng tingin. "Kung ano man 'yon, huwag kang mag-alala. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ko o ng mga tao sa paligid ko. Alam ko kung anong makabubuti sa akin. At alam ko kung anong magpapasaya sa akin."

Ilang segundong natahimik ito. "Sabihin mo ang totoo. Tutol ka ba sa arrange wedding na pinaplano sayo ng parents mo?" pamaya-maya ay seryosong tanong nito.

Unti-unti niyang inangat ang mukha. "Kung sasabihin kong oo, anong gagawin mo?"

"Then why did you come here? Dumiretso ka na sana sa Australia at sabihin mo ang bagay na 'yan sa kanila."

"Hindi 'yon madali. Kilala ko sila. They would easily believe in things they see and they hear. At dahil sa wala silang tiwala sa akin, mas pipiliin nilang makinig sa ibang tao."

Matiim ang pagkakatitig nito. "I heard something too. Totoo bang may nobyo kang ex-convict?"

She snorted. "See? Mukhang hanggang sa'yo, kumalat na ang balita."

"So, totoo nga?"

Marahan siyang tumango. At narinig niya ang marahas na pagsinghap nito. "Pero hindi masamang tao si Mick!"

"I can't believe this... how could you?" Tila wala na itong balak na pakinggan pa ang sasabihin niya. Ang importanteng marinig nito ay ang katotohanang pumatol si Faye sa isang may taong may record sa kulungan. Tulad din ito ng iba na basta-basta nanghuhusga.

Pagak na tumawa siya. A bitter squeak escaped from her throat. "Akala ko iba ka,  Apollo. Akala ko maiintindihan mo..."

"Faye..."

"Maaring di ako mabait tulad ng ibang tao. Pero kahit papaano, marunong akong magmahal. Marunong akong umunawa at marunong akong tumingin sa mas malalim na parte ng pagkatao ng isang nilalang na gusto lang mabuhay ng masaya dito sa mundo. Mick did something bad but not because he was a bad person. May mga taong sadyang hindi singsuwerte ng iba. Di singsuwete mo na pinanganak sa may kaya at mabuting pamilya."

"Do you really love him?"

She shook her head. "Mahal ko siya Kuya Apollo. At kung kinakailangang itapon ko ang estado ng buhay ko, gagawin ko." Alam niyang iyon din ang sasabihin ni Faye sa mga oras na 'yon. Tiyak niya 'yon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sinimsim ni Apollo ang alak sa kopita. Nasa minibar siya kaulayaw ang Novelino. Bakit siya umiinom? Hindi niya rin alam. Pero sa totoo lang, parang may malakas na sumipa sa dibdib niya sa narinig na sinabi ng kinakapatid niya. 

He was overwhelmed. Di hamak na mas bata ito sa kanya pero punung-puno ng paninindigan at determinasyon ang mga salita nito. Siya? Wala siyang matandaang pangyayari sa buhay niya na naging ganoon siya kasidhi para makuha ang isang bagay. 

Everything in his life was set for him perfectly. Ang posisyon niya sa kompanya. Maging ang nobya niyang si Hannah. He was doing things he saw as right and not because he badly wanted to do it.

Ang sabi ng iba, komplikasyon ang nagbibigay ng tunay na kahulugan sa buhay. Subalit kailanman, wala siyang komplikadong bagay na naging isang malaking problema para sa kanya.

 Meron pala. Ang pagdating ni Rie Faye. Iyon lang 'yon. At hindi niya malaman kung matatawa o maiinis siya. His girlfriend Hannah, he wanted to marry her because he thought that she would be a perfect wife. Pero nang nag-cool off sila, naging komplikado ba ang buhay niya? He could still go on for all he knew. 

At kung sakaling ma-bankrupt ang papermill, makikita niya ba 'yon bilang isang malaking banta? Siguro. Oo. Para sa mga tauhan niyang mawawalan ng trabaho. Pero hindi para sa sarili niya. Mayaman ang pamilya niya at puwede siyang magtayo ng panibagong business ano mang oras. Walang kaso 'yon sa kanya.

He laughed then took a sip again. Para siyang timang. Nang dahil lang sa sinabi ni Faye ay kung anu-ano ang gumugulo sa utak niya. Pero hindi niya puwedeng ikaila ang inggit na lumukob sa kanya. It's because his godsister found a thing that worth sacrificing all she got. Ngunit bakit siya na naunang nabuhay dito ng sampung taon, hanggang ngayon ay di niya pa rin 'yon makita? It was really unfair.

"Kuya Apollo..."

Nag-angat siya ng mukha nang marinig ang boses ng kinakapatid. Nakatayo ito di kalayuan sa kanya. "Bakit gising ka pa?" Sinulyapan niya ang relong pambisig. Hatinggabi na. Maging siya ay dapat na natutulog na sa mga oras na 'yon.

"Dahil di pa 'ko tulog," kaswal na sagot nito.

Tiningnan niya ito ng masama. 

Inosenteng nginitian lang siya nito.

"May problema ka ba?" Naglakad ito palapit sa kanya.

"Just a petty problem that's not worth talking over. Pumasok ka na sa silid mo."

Nagkamot ito ng ulo. "Di ako makatulog e." Umupo ito sa tabi niya. Tinangka nitong kunin ang kopita niyang may lamang alak subalit iniiwas niya 'yon.

"Damot naman..." ungot nito.

"Bawal uminom ang mga bata."

Iningusan siya nito. "Sinong bata?" Maliksing inabot nito ang bote ng wine. At napanganga na lang siya dito ng diretsong tunggain nito ang bote.

"Are you a drunkard?" Agad na inagaw niya dito ang alak. Nagulat siya nang makitang napangalahati iyon ng pinsan niya.

Ngumisi ito. "Hindi ako basta-basta malalasing. Sa Tuscany parang tubig lang sa mga Italyano ang wine."

"Yeah...right. Nakalimutan kong labas-masok ka sa mga pubs."

****

- Amethyst -

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon