Kibit-balikat ang isinagot nito. "So what's this petty problem of yours?" urirat nito.
"I said it's not worth talking over."
"Lahat ng problema may saysay pag-usapan. Maliit man 'yon o malaki, kung nakikita mo bilang problemang nakakaapekto sa buhay mo. Dapat bigyang-pansin."
He sighed. "Then tell me yours first. Anong malaking problema mo ngayon?"
"Sa ngayon? Wala naman."
Bahaw na tumawa siya. "Don't you consider yourself falling in love with an ex-convict telling your parents that you're serious on the guy to the point of throwing everything away a big problem at all?"
"Hindi ko 'yon nakikita bilang problema. Ang problema sagabal sa buhay."
"Kung ganoon, ano 'yon para sayo?"
"Sabihin na nating oportunidad..."
Nagtatanong ang mga mata niya nang bumaling siya dito. "Lalo mong pinagulo ang utak ko. Salamat ha?"
Tumawa ito. Sa pandinig ni Apollo ay masarap pakinggan ang paghagikgik ng kinakapatid. Nakakaaliw. Nakakahawa. "Alam mo kasi... para sa akin. Ang main-love ay isang opportunity, kumbaga blessing. Nalalaman mo kung anong gusto ng puso mo. Kung anong pinakamahalaga sa'yo. At nabibigyan ka ng pagkakataon para kuhanin 'yon. Dahil umibig ka, nakita mo ang silbi ng buhay mo. Dahil may inasam ka, nagkaroon ka ng direksiyon. Dahil nakita mo ang halaga ng sarili mo sa iba, naging masaya ka. Dahil nagmahal ka at may nagmahal sa'yo..."
Parang tinambol ang dibdib ni Apollo sa pagkabog. He swallowed as his eyes were busy scanning the face of the girl beside him. Bakit tila lalo itong gumaganda sa paningin niya? Lasing na yata siya. Kung anu-anong halusinasyon na ang namamahay sa utak niya.
"And that's the quote for the day!" Napaigtad siya sa ginawang lagapak ng pagkakalapat ng mga palad nito. Again, she laughed. Ibinandera nito ang cellphone nito sa mukha niya. "Pamatay di ba? Puwedeng i-post sa facebook."
Nabaghan siya. Natulala.
So... I was being played again?
Iiling-iling na tumayo siya. Hayun siya't sineseryoso ang mga sinasabi nito tapos dadalihan siya ng quote sa facebook? "I'm going to sleep..." Kapag hindi pa siya umalis doon, masisiraan siya ng bait sa kinakapatid niya. Subalit bigla siyang pumihit pabalik sa counter. Mahina niyang sinapok sa ulo si Faye.
"Para saan 'yon?" yamot na tanong nito. Himas-himas ang ulo.
"Trip lang ng kamay ko. Feeling ko kapag di ko ginawa, hindi ako makakatulog."
"Argghh!!!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Inis na nakatunghay si Camille sa kinakapatid niya habang nagmamaneho ito. Ikaapat na araw niya sa poder nito. At nang umagang 'yon ay basta na lang siya nitong pinasok sa kuwarto niya, ginising ng pagka-aga-aga, at pinag-empake ng damit.
Hindi kaya sa sobrang kunsumisyon niya sa akin ay ipapatapon niya ako sa isang isolated na lugar? Agad niya ring pinalis ang naisip. Maging ito ay may dalang maleta.
"Huwag mo akong masyadong titigan. Baka tunaw na ako pagdating natin sa Subic," anito.
Naglaho ang pagkakakunot ng noo niya. "Subic? Aano tayo? Mamasyal?" Nabuhay ang excitement sa dibdib niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/232261035-288-k154751.jpg)
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomantizmHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...