"Apollo—"
"Huwag mo 'kong matawag-tawag sa pangalan ko na para bang close tayo! Pinagmukha mo akong tanga! Pinatuloy kita sa pamamahay ko sa pag-aakalang kinakapatid kita. Laki kong tanga! You are a total stranger! I let a stranger treat me like a fool."
Kumawala ang hikbi niya. "Maniwala ka. Wala akong masamang intensiyon."
"Of course! There's no harm done." He gawked at her. Full of pain and rage. "Kasi lahat ng ginawa at sinabi mo scripted! Pagpapanggap! Arte!"
Umiling siya. "No—"
"Kita mo? Hanggang ngayon umaarte ka pa rin! Tapos na, di ba? Buko ka na." Hinagod nito ang noo habang napapailing. Namamasa ang mga mata nito at nag-iigting ang panga nito tanda ng matinding galit. "You really played your role well. Kaya pala wala kang allergy sa peanuts... kaya pala di ka marunong lumangoy. Kaya ka sculpture artist at hindi isang painter. Dahil hindi ka si Faye!" Padaskol na naupo ito sa sofa at napadukmo sabunot ang sariling buhok. "That's why you didn't feel like that brat at all."
"I'm sorry Apollo..." she sobbed.
"Umalis ka na. Bitbitin mo lahat ng gamit mo at umalis ka sa pamamahay ko." Itinuro nito ang pinto palabas. "I don't want to see your face anymore."
She cried then walked upstairs. Kinuha niya ang kaisa-isang maleta. Mabigat ang loob ng bumaba siya sa hagdan. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata. Pakiramdam niya ay tutumba siya ano mang oras dahil sa sobrang sakit ng dibdib. Apollo hates her. She wasn't prepared for that.
Pero ano bang mas masakit sa dalawa? Ang kamuhian siya nito o ang umalis siya na hindi dito nasasabi ang totoo? But there's no way she could tell how she feels in that state of him. Galit na galit ito. Baka lalo niya lang magatungan ang poot nito at akusahan siyang nagsisinungaling. It's better for her to leave.
"Apollo... salamat sa lahat. Paalam." Nagawa niya pa ring sabihin bago siya tumungo sa pinto at lumabas.
Walang katinag-tinag ang binata sa pagkakasandal nito sa sofa. Subalit hindi kayang itago ng mga luha ang kalungkutan tuluyang bumalot sa kanyang puso sa isiping hindi niya makikita pa ang babaeng 'yon. He didn't notice that tears were already dripping off of his eyes.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Camille?"
Masigla siyang ngumiti nang bumungad sa kabubukas na pinto ang pamilyar na mukha ng kaibigan. "Kumusta? Abigail."
"Diyos ko!" Natuptop nito ang bibig. Tila maiiyak habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga!" Labis ang galak na yumakap ito sa kanya. "Pitong taon kang hindi nagparamdam. Ano nang nangyari sa'yo?"
"Heto, nagbalik para sa anniversary ng kamatayan ng parents ko. Puwede bang dito muna ako sa inyo kahit mga two days lang?"
"Ay naku oo naman!" Ito pa ang kumuha sa bitbit niyang maleta. Pinigilan niya ito subalit hindi ito nagpa-awat. "Pasensiya ka na. Makalat dito sa loob. Alam mo na kapag may mga bata."
"Bata?"
"Kyle halika dito!" Tumakbo ang isang humagigik na toddler mula sa nakabukas na kuwarto. Binuhat ito ni Abigail.
Hindi kaagad nakapag-react si Camille. "A-anak mo? May asawa ka na Abigail?"
Nahihiyang tumango ito. "I got pregnant when I was eighteen. Ikaw lang 'tong naputol ang komunikasyon isang taon pagkatapos mong umalis. Hindi na tuloy tayo updated sa buhay ng isa't-isa. Ni hindi mo na binuksan ang facebook mo."
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomanceHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...